Chapter 50

48K 994 142
                                    


EPILOGUE

"Daddy, please fix my hair please." Napangite si Precious habang palihim na sinulyapan ang mag ama.

"Sure, come here." Narinig naman niyang sagot ni Aizan.

Mas lumapad ang ngite ni Precious nang makita ang ginawa ni Aizan sa buhok ng anak niya. Naka braid na ngayon ang prinsesa nila na malawak na nakangite sa ama. Lihim siyang napahagikhik nang makita ang sunod na ginawa ng anak mabilis nitong pinasuot kay Aizan ang hairband nito na nagpapasimangot ng ama.

"You look so pretty, Daddy!"

"Ieasis."

"Hihi." At nang mag angat ito ng tingin ay nakita siya nito.

"Mommy!" Tumatakbo pa ito papunta sa kanya.

"Careful!" Narinig niyang saad ni Aizan na naka sunod kay Ieasis.

"Awe! Hello baby brother," Parang may humaplos sa puso niya nang marinig si Ieasis.

Parang kailan lang nagtatampo ito kasi hindi na daw ito ang baby nila pero ngayon heto na at binabati na nito ang 2weeks old na kapatid nito.

"Hello, ate Ieasis!" Pang baby talk niya pa rito. Lumapit naman si Aizan sa kanya at hinalikan siya sa noo at kinuha ang bunso nila.

Umupo naman si Aizan sa sofa at nakasunod sila ni Ieasis rito. Niyakap niya ang anak ng umupo ito sa kandungan niya na naglalambing.

"I love you Mommy, sorry po." Naawa namang napahawak si Precious sa mukha ng anak.

"Baby, look at me. Listen, kayo ni Baby Prezeus Zayne ang palaging baby namin ni Daddy. So, don't be sad na may baby brother ka na, ayaw mo ba nun? May kalaro ka na sa playground?"

Nagliwanag naman ang mukha ng anak sa sinabi niya.

"Hindi ko po naisip yon, Mommy. Sorry po." Nakayuko na ito sa kanya.

Napalingon naman siya kay Aizan na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.

"Baby, don't be sad na. Okay lang naman yon, naiintindihan na namin ni Mommy. Pero ngayon dapat be good girl ka na kay baby brother ha? We should protect him baby para sooner pag lumaki na siya may ka laro ka na." Napalingon naman si Ieasis sa ama at napangite.

"Opo, Daddy. I promise po."

"Good, so don't be sad na. Manood nalang tayo ng favorite movie mo."

Lihim na kinindatan naman siya ni Aizan nang sumunod ang anak. Well, wala na siyang magawa kundi irapan ang asawa, lumalaki na kasing Papa's girl si Ieasis. Parang ang unfair lang sa part niya na siya ang nag alaga at nagdala kay Ieasis hindi na nga nag mana sa kanya hindi pa Mama's girl. Narinig naman niya ang pagtawa ni Aizan.

"I love you, baby."

"I love you too."

Kahit hawak pa si Zayne ay nakalapit parin si Aizan sa kanya at hinapit siya sa bewang.

Hindi naman niya mapigilan ang sariling mapangite pag naalala ang nangyari 2 years ago sa hospital.

Flashback

Kabadong kabado si Precious nang makita ang galit na galit na ama at ang umiiyak na ina na nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin kasi natatakot siya na baka may gawing masama ang ama sa kay Aizan.

Kaya ang tanging naisip niya ay ang makalabas si Aizan sa harap ng ama niya. Laking pasalamat niya at kaagad na nabasa nila Jerome at Mertylle ang simpleng tingin niya. Kaya kahit nagpupumiglas ay napalabas pa rin ito.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon