Nagising si Precious na may mahigpit na kamay na nakahawak sa kanya. Kahit nahihilo ay pinipilit niya paring buksan ang mga mata para tignan kung nasaan siya.
"Besh? Gising ka na! Jeriyaaa! Tawagin mo si Doc at sila Tito at Tita. Oh my god." Natatarantang saad ni Mertylle na nakahawak sa kamay niya.
"Me-Mertylle? Nasaan ako?"
"Nasa hospital ka po. Teka lang at papunta pa si Doc-"
Napahawak si Precious sa ulo ng maramdaman ang pananakit nito. At doon niya rin naalala na nawalan pala siya ng malay kanena habang kinakabahan na tinawag si Aizan.
"S-Si Ai-zan?" Nag alala na siya sa sitwasyon nito. Naluluha ang mga matang napatingin siya kay Mertylle na nakahawak sa kanya.
"Calm down,"
"Si Aizan? Kumusta siya? Nasaan na siya ngayon?" Sunod na sunod niyang tanong rito.
"Besh, please kumalma ka. Okay na si Aizan buti nalang at mabilis lang dumating ang mga nag rescue sa kanya kundi nako pata-"
"Shut up!"
"Tsk! Ba't mo naman kasi yun ginawa?"
Napayuko naman siya sa tanong ni Mertylle. Nagsisi na siya sa nagawa niya kung bakit mas pinili niya pa ang pride niya keysa ang pagpatawad.
Akmang sasagot pa sana siya kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor na kasama ni Jerome..
"Ms. Perez," Saglit lang ang Doctor na nagchecheck sa kanya may mga advices lang ito na dapat niyang sundin para maiwasan ang nangyari kanena at may mga gamot at vitamins siyang e-tatake. At pagkatapos noon, ay nagpaalam na rin ito. Naiwan naman siya kasama si Mertylle na tahimik lang sa kanyang tabi at si Jerome na nakaupo sa sofa..
"Nasaan pala ang anak ko?" Kaagad naman nag angat ng tingin si Jerome sa kanya.
"Pinakain pa muna nina Tito at Tita."
"So, nandito sila Mommy?"
"Obviously."
Napairap naman siya sa sagot ni Jerome. Tahimik naman si Mertylle na nakakapit sa kamay niya.
"Alam mo bang alalang alala kami sa'yo. Si Ieasis kanena pa yun iyak ng iyak buti nalang dumating sila Tito at Tita at tumahan na siya. Ano ba kasing nangyari?-"
"Mertylle, wag muna ngayon. Hindi pa handa si Precious para dyan." Narinig niyang bulong ni Jerome rito. Lihim naman na nagpasalamat si Precious sa narinig. Gusto niya munang pumikit. Kaso nag aalala siya sa kalagayan ni Aizan. Alam na ba ito ng pamilya niya? Baka kamuhian na siya ng pamilya nito at kokombensihin na si Aizan na-
"Oh. About Aizan. Okay naman siya. Bumisita sila Tito at Tita kanena rito after nilang ma check ang anak nila. Okay na si Aizan, kaso hindi pa nga lang pinayagan na pumunta rito kasi kailangan pang magpahinga. Wag ka ng mag overthink dyan halatang halata ka bruha ka." Naluluha si Precious sa narinig kay Mertylle kilalang kilala na nga talaga siya ng mga to.
"Kasalanan ko naman kasi-"
"Shh. Walang may kasalanan nito, okay? So, please rest ka muna. Later baka babalik na ang anak mo at ang Mommy at Daddy mo. Nag alala din ang mga yon sa'yo." Napatango nalang si Precious at pilit na ipinikit ang mga mata.
"Pero alam mo besh, akala ko talaga may Baby #2 na." Mabilis pa sa alas singko na napadilat si Precious sa narinig kay Mertylle mabilis naman itong binatukan ni Jerome.
"Awts! E-totoo naman kasi. Akala ko talag buntis ka na sa pangalawa, hihi. Buti stress lang pala hihi. Akala din kaya ni Tito." Bulong pa nito na narinig rin naman niya. Hindi nalang siya nagsalita pa at pumikit nalang ulit. She need to rest, yon naman talaga ang dapat niyang gawin para makalabas na sa hospital na ito. Ayaw na ayaw niya pa naman ang mag stay rito pero wala siyang choice.