Chapter 45

21.6K 551 19
                                    

"Good morning Mommy!"

Nanlaki ang mga mata ni Precious nang madatnan si AC at ang anak niyang nanood ng tv. Nakangite pa ang dalawa na parang normal lang ang ginagawa ni Ac sa loob ng room nila.

"Baby?"

"Mommy, maaga pong u-malish si Tita Jeriya kaya po si Tita AC po muna ang kashama ko rito." Nakangite pa ang anak niya na sinalubong siya ng yakap.

Speechless naman siyang napatingin kay AC na ngayon ay nakangite na rin sa kanya. At heto na naman ang weird niyang pakiramdam pag nandito lang si AC malapit sa kanila.

"Hindi na rin po nakapag paalam si Tita Jeriya, nagm-madali po kasi siya."

Wala naman siyang nakagawa kundi ang yakapin nalang pabalik ang anak at ngitian si AC. Gusto man niyang pagalitan ang anak sa pagpapasok ng stranger sa room nila ay hindi naman niya nagawa kasi sumasalungat ang puso niya na parang kilala na niya si AC.

"Hi, Good morning. How's your sleep?" Nakangite namang saad ni AC sa kanya. Namula naman ang mukha niya nang maalala na hindi pa pala siya nakapag hilamos. Hindi naman kasi niya inaakaala na sa pag labas niya sa kwarto nila ay bubungad sa kanya ang mukha nito. Teka, bakit naman siya nahihiya kay AC? Bakla naman ito at hindi lalaki. Hays!

"O-okay lang naman." aniya at pilit na umiiwas sa mga tingin nito.

Tumango- tango naman ito at may naglalarong ngite paring nakapaskil sa mga labi nito.

"Ang laki pala ng room niyo. Iba talaga pa anak ng may ari ng Resort."

"Hihihi."

"Yes po. Si Grandpa ko po."

"Kaya pala."

Halos matumba si Precious sa kinatayuan nang marinig ang lalaking-lalaki na boses ni AC. Napansin din niya na parang nagulat din si AC pero tumikhim lang ito at nag iwas ng tingin.

His voice..

"Mommy, I'm so hungry na po." Nakapout na saad ni Ieasis na ikinangite niya. Hays! She's overthinking again. Kung ano ano nalang ang naiisip niya. Baka nagkamali lang siya ng iniisip. Nais niyang pektusan ang sarili sa naiisip kay AC, at malungkot na napayuko sa anak.

"Let's go down, Baby."

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Precious ang naglalarong lungkot sa mga mata ni AC habang tinitignan siya. Gusto na niyang sampalin ang sarili sa mga naiisip. Bakit naman ito malulungkot sa kanya?

Pilit nalang winawaglit sa isipan ni Precious ang mga kagagahang naiisip niya. Nang dumating ang hapon, nagyaya ang anak niya na maligo sa beach. Hindi naman niya ito mapigilan. Kaso wala siya sa mood maligo ngayon kaya sa may gilid nalang siya nakaupo at pinagmasdan ang anak na masayang nagtitimpasaw sa tubig kasama naman nito si AC sa kilid na parang takot na takot ma basa ng tubig.

Weird.

Maya maya lang rin ay napansin niya na naglalaro na ang dalawa. At gumagawa na ito ng sand castle. Hindi niya mapigilan ang sariling mapangite sa nakikita sa anak. Masaya ito habang kausap at kalaro si AC. Simula nang makilala nila si AC, hindi na niya nakikita pang umiiyak ang anak at hinahanap ang Daddy. Masaya siya kasi kahit papano ay nakakalimutan nito ang ama. Sumikdo naman ang sakit sa puso niya nang maisip na naman si Aizan. Hindi man lang ata ito nag alala sa kanya. Hindi rin niya narinig ang nangangamusta man lang ito sa kanila. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nang dumating sina Mertylle at Henry. At wala man lang siyang balitang narinig sa dalawa tungkol kay Aizan. Ayaw naman niyang magtanong kasi baka iisipin nito si- Oo na ma pride na siya. Pero, nagbabasakali parin siyang mag reach out si Aizan sa kanila. Kahit para nalang kay Ieasis.

Parang may humaplos sa puso niya pag makikita ang ngiteng at tawa ng anak niya. Gusto niyang yakapin si AC at magpasalamat rito sa pagpapangite at pagpapatawa sa anak niya. Parang nabato balani naman siya nang magtama ang mga mata nila ni AC, parang nanlamig nalang siya bigla at napaiwas nang tingin rito.

Ewan niya pero sadyang ang oa na niya simula na nang makilala nila si AC. Simpleng tingin lang nito at ngite, parang may something siyang naramdaman na hindi niya kayang pangalanan. Ayaw naman niya itong pangalanan. Natatakot siya sa posibilidad na baka nahulog- no way! Hindi na siya mahuhulog sa isa pang bakla. Grabe na ata siya! Kung noon okay pa sa kanya ang mahulog sa bakla, ngayon ayaw na niya. Alam na niya ang hirap pag magkagusto sa taong lalaki din ang gusto. Ayaw na niyang umiyak at magpapaawa na sana tanggapin sila ng anak niya. Sapat ng isang beses niyang naranasan ang hearbreak galing sa isang bakla. Ayaw na niyanv masaktan ulit at dahil na naman sa isa pang bakla.

Kumalma naman ang puso ni Precious nanc makita ang papalubog na haring araw. Kay gandang tignan, ito yung pangarap niya lang noon. Pero ngayon nangyari na, kung lahat lang sana na pangarap niya ay magkakatotoo. Hindi na siguro siya at ang anak niya mahirapan ngayon.

"Argh! Ang drama ko naman ata." Bulong niya sa sarili at napalingon na naman sa pwesto ni AC. Kaso laking gulat niya nang makitang wala ng AC na kasama ang anak niya. Akmang tatayo sana siya at lalapitan ang anak kaso may malamig na boses ang nagsalita sa likod niya na nagpapatigas sa katawan niya.

"Are you looking for me?"

Hindi halos malunok ni Precious ang sariling laway sa sobrang kaba- no, sa malakas na kabog ng puso niya. Kilala niya ang boses na iyon, kaso imposible naman atang- Nilingon niya ang likuran niya at napaawang ang labing nakatingin sa taong nakatayo sa harap niya. Nakangite ito sa kanya at nababahid sa mukha ang sobrang pangungulila. Oh mooo! What are you thinking Precious? Pero hindi siya nagkakamali sa pagkakarinig niya kanena, pero impossible naman atang ito ang taong nasa isip niya. Pero ang tibok ng puso niya na tanging sa isang tao lang tumibok ay tumibok din ngayon.

Kay raming tanong ang nais lumabas sa labi ni Precious na hindi niya naman hinayaang pakawalan.

Her weird feelings.

"AC?"

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon