Chapter 40

22.8K 649 12
                                    

"Okay po, Sir."

Malalim na nagbuntong hininga si Aizan nang lumabas na ang sekretarya niya.

Another appointment cancelled.

Halos pang limang araw na siyang walang ginawa sa opisina kundi ang mag isip kung saan na kaya ang mag ina niya ngayon. Hindi niya akalaing tinutotoo talaga ng Daddy ni Precious ang banta nito.

Limang araw palang niyang di nakikita ang mag ina niya. Pero bakit pakiramdam niya parang ilang taon na siyang nalalayo sa mga ito. Noon paman nakasubaybay siya sa dalawa. Ang mag ina niya ang tanging rason kung bakit siya nag pursige ngayon na makamit ang kung anong meron siya ngayon. Ito ang naging inspirasyon niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya.

Marami na siyang tao na binayaran para mahanap kung nasaan ngayon ang mag ina niya. Pero sadyang magaling talaga ang Daddy ni Precious, hinaharangan nito ang mga taong inuutusan niya.

Wala siyang gana na mag trabaho kaya napagdesisyonan nalang niyang umuwi at magpahinga keysa sa magtunganga rito sa opisina.

Pagkapasok na pagkapasok ni Aizan sa Condo niya. Nanghihinang napahiga siya sa kama. At sa pagkakataong iyon, parang bumabalik na naman ang nararamdaman niya noon noong iniwan siya nito. Yun bang pakiramdam na may kulang sa buhay niya.
Sa ilang araw niyang paghihintay sa mga update ng mga taong binayaran niya para hanapin ang mag ina niya hindi niya mapigilang ang sariling lunurin sa alak. Natatakot siya na baka hindi na siya papayagan pa ng Daddy ni Precious na makakasama pa mag ina niya. Hindi niya yata kakayanin yon.

Nakapikit na si Aizan nang mga sandaling iyon ng maramdaman niya ang pagvibrate ng kanyang phone.

"Yes?"

Walang ganang saad niya sa kabilang linya. Hindi na nga lang siya nag aksaya pa ng oras na tignan kung sino ang caller..

"Son? What the heck!"

Napapikit lalo si Aizan lalo na nang marinig ang striktong boses ng Daddy niya sa kabilang linya.

"Napapabayaan mo na ang Kompanya! Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?! Ilang araw ka ng ganyan!" Inis na inis na bukyaw nito sa kanya.

"I'm sorry Dad,"

"Come on, what's your problem?"

"Dad, I don't know where are they."

"Who?"

"Precious and our daughter."

"So, they are now hiding from-"

"They are not Dad,"

"What-"

"Her Dad."

"You're in trouble, son."

"Yes Dad, I don't know what to do."

"I will talk to Mr.-"

"Dad."

"Let me. For now, rest.

"Dad,"

"Just for now. You need to rest, son."

Walang imik na tumango nalang si Aizan
na parang nasa harap lang ang Daddy niya.

"Thank you, Dad."

"You're always welcome son. So for now, rest and I'll talk to her Father."

Alam ng mga magulang niya ang tungkol kay Precious at sa anak nila. Nabusog nga siya ng mura at sampal ng Mommy niya nang malaman nito ang sekreto niya. Marami rin kasi siyang pictures nila Precious at Ieasis na naging dahilan ng pagkabuking niya sa sekretong matagal na niyang tinatago sa kanyang mga magulang.

Malalim na nagbuntong hininga si Aizan at humiga sa kama. Akmang pipikit na sana siya nang maramdaman na naman niya ang cellphone niyang nag vibrate.

"Hello?"

Lumipas na ang ila g segundo na hindi parin ito sumasagot. Napakunot ang noo niya nang makita na unknown number ang tumatawag.

"Fvck. Get-"

"Chill' dude. It's me."

Narinig niya pa ang paghalakhak nito sa kabilang linya.

"Who the fuck is this?"

"Kung alam ko lang na bubungad lang sa akin ang mga mura mo hindi na sana kita tinawagan pa-"

"I don't-"

"Are you sure? This is Jerome. Precious' friend. I know where -"

"Bat ngayon mo lang sinasabi? Where are they? Please, I'm begging you-"

"Queen City Of The South."

"What?"

"Hehe." And with that the call ended.

"Bullsh*t." Marahang napahawak sa ulo si Aizan.

"Where are they?"

"Queen City of the South."

Dali dali naman siyang napatayo sa kama at naglakad papunta sa may laptop niya. Mabilis na sinearch niya ang katagang sinabi ni Jerome.

Maya maya lang rin ay lumabas na ang mga lugar na sa tingin niya ay maaring pinag stayhan ng mag ina niya.

Cebu.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon