Chapter 43

21.8K 559 36
                                    

"FVCK."

Madiing usal ni Aizan habang tinitignan ang reflection niya sa salamin.

"Nagustuhan mo ba-"

"I will remove this fvcking sh-"

"NO! Ito lang ang paraan para mapalapit ka sa mag ina mo na hindi mahahalata ni Tito. Pagtatanggalin mo yang make up na ginawa ko, magsisi ka talaga Aizan. Hindi ako magdadalawang isip na tawagan si Tito para ipaalam na nandito ka sa Cebu. Mas masaya-"

"Shut up!"

"Tsk. I'm giving you a favor. You should be happy. Maganda naman yung pagkakamake up ko sa'yo ha. Tsaka, yan yung mga dating mo noon bat nagagalit ka na ngayon?"

Mariing napapikit si Aizan sa narinig kay Mertylle. Hindi ata nito naiintindihan na nagbago na siya. Na hindi na siya ang dating Aizan na kinamuhian ni Precious.

"Mertylle, hindi na ako ang baklang kilala mo noon. Hindi na ako ang gagong Aizan na pinagtulakan ang mag ina niya palayo." Mahinang usal niya na nagpakalma kay Mertylle. Malalim itong nagbuntong hininga at marahang tinapik ang balikat niya.

"You can do this. Ito lang kasi ang matutulong ko sayo. Alam ko kung paano magalit si Tito, at ayaw ko namang mapahamak ka. Baka mapatay ka ni Tito pag malaman niyang sinundan mo sila rito. Ito lang kasi ang sa tingin ko makakatulong sayo upang makalapit ka kina Precious." Mahabang paliwanag ni Mertylle sa tabi niya.

"Pero ano- pag ayaw mo sa ginagawa ko. Pwede namang burahin nalang natin-"

"No. Wag na gagawin ko na. Kung ito lang ang tanging paraan para ma-makausap ko s-sila."

"Hays!"

"Miss na miss ko na s-sila." Naluluhang saad ni Aizan.

Naawa naman si Mertylle na nakatingin sa hitsura ni Aizan na nakayuko na ngayon. Marahan niyang hinaplos ang balikat nito na nagpaharap rito.

"So, baka makakatulong tong ginagawa ko. Malalapitan mo sila,"

"Talaga?" Parang batang saad ni Aizan. Marahan namang tumango si Mertylle at sinabi na rito ang mga plano niya.

Kasalukuyan palang naka check in sila Precious sa isa sa resort na pag aari ng mga Perez rito sa Cebu. At ito lang ang tanging paraan ni Aizan para makita ang mag ina niya. Kahit pa na nakakatawa siyang tignan sa itsura niya.

"Nandito na tayo." Narinig ni Aizan na saad ni Mertylle sa tabi niya. Bakla man pakinggan pero kinakabahan siya na na eexcite na nasa loob ng resort na ito ang mag ina niya.

"Wag mong kalimutan ang plano natin Aizan. Susunod naman ako sa'yo. Basta wag kang magpapahalata. Kasi isang pagkakamali mo lang ay baka mapapatay ka ni Tito sa loob ng teritoryo niya. So, please be careful." Paalala ni Mertylle sa kanya bago siya hinayaang lumabas sa sasakyan nito.

Pikit mata niyang kinalimutan ang pagiging Aizan at nagsimula nang kumembot papasok ng Resort. Mabilis lang din siyang nakapasok kasi nakaready na ang lahat. Mahinang napangite siya sa ginawa ni Mertylle. At itinatak sa isip na pag magkabalikan sila ni Precious. Bibigyan niya talaga ng malaking gantimpala si Mertylle.

Mabilis lang siyang nakarating sa kwartong nilaan ni Mertylle para sa kanya. Mabilis siyang humiga sa kama at iniisip ang maging kalabasan sa plano ni Mertylle. Saan naman kaya niya makita si Precious? Sigurado siyang malaki ang Resort na ito at mahihirapan siyang hanapin si Precious.

Maya-maya lang rin ay mapaupo siya sa kama nang tumunog ang phone na nagpapahiwatig na may mensaheng dumating. Kaaga niya itong binuksan at bumungad sa kanya ang mensahe na galing kay Mertylle.

The Gay Who Got Me Preggy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon