Ayaw ko mang kausapin ang lalaking ito pero wala akong magawa. Kasi tinutulak na ako nila Mertylle at Jerome na makipag usap na rito. Kaya sinundan ko nalang ito nang mag walk out ito kanena. At ngayon nasa labas kami ng bahay sa may kotse niya. Nang buksan nito ang passenger seat nakakunot ang noo ko itong tinignan.
"Mag usap tayo rito sa loob."
Kahit kinakabahan ay pumasok naman ako. Hays! Ikaw nalang ang bahala sa akin Lord. Wala naman siguro itong gagawin si Aizan sa akin diba? Eh bakit ganun nalang mag react ang puso ko?
Ilang minuto rin ang lumipas at wala paring naglakas ng loob na magsalita sa amin. Diba siya itong mag usap kami? Then bakit di siya nag sasalita. Well, kung di pala siya mag sasalita lalabas nalang ako rito. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya nang mabilis naman nitong pinigilan ang kamay ko.
"Precious, let's talk."
"Aizan kanena pa tayo rito at hindi ka parin nag sasalita. Marami pa akong gagawin sa loob. Baka hinahanap na ako ng anak-" Napatakip ako sa sarili kong labi nang nadulas ako.
"So, I'm right. She's mine."
"What are you saying?"
"The little girl."
So he's referring to my Baby Ieasis?
"Wow! So you are claiming her as yours? Kailan ka pa nagkakaroon ng ganyan ka taas na self confidence? She is not yours Aizan. Anak ko siya." Madiin ang bawat salita na binitawan ko.
"Hindi siya mabubuo kung wala ako."
"Ang kapal ng mukha mong bakla ka."
"Hindi ako bakla, Precious."
"Ulol! Tumahimik ka! Buksan mo ito at lalabas ako! Wala kang anak sa akin Aizan! Wala kang anak sa akin simula nang araw na iyon. Wag mo ng ipaalala sa akin Aizan ang sakit na ipinaranas mo sa akin noon. Wag ma Aizan, tama na. Okay na ako. Nabubuhay ko naman siya kahit wala ka. Please, wag mo na kaming gulohin. Kaya kong maging ama at ina sa kanya. Hindi ka na niya kailangan. Masaya na kami ng anak ko." Hindi ko na napigilan pa ang luhang umahos sa mga mata ko. Bumabalik na naman ang sakit na ipinaranas ni Aizan sa akin noon. Ang mga maanghang nitong salita na kailan may hindi na mawawala sa aking isipan. Napayuko naman si Aizan sa manibela. Yumuyog ang balikat nito at doonnko lang napansin na umiiyak din pala ito.
"Sorry, Precious. Sorry kasi nagpadala ako ng selos noon. Naiinis ako sayo noon nang makita ko kayo ni Melmar na magkayakap sa CR. Noong araw na iyon na realize ko na hindi ako isang bakla. Kasi umiibig ako sa isang babae, nagselos ako. Gusto kong suntukin si Melmar noon. Gusto ko siyang bugbogin sa pag yakap niya sayo. Ang sakit sa puso non Precious, doon ko lang naramdaman ang sakit ng magselos. At ang mag isip ng kung ano ano. Kaya nang inamin mo sa akin na buntis ka nagpakatanga ako. Mas pinairal ko ang selos at galit ko. Sorry.. sorry." Walang imik akong nakatingin rito habang patuloy parin na umaagos ang luha.
"Aizan, please. Buksan mo muna ito. Ang sakit pa kasi. Hindi madaling magpatawad. Lalo na at maalala mo sa pagpikit ng mga mata mo ang mga maanghang na salita na iyong naririnig galing sa taong minamahal mo. Hindi madali, please. Let me go. Let me rest. I'm so tried of crying. Please." Pagmamakaawa ko rito.
Umiiyak naman itong pinindot ang unlock sa tabi nito para mabuksan ko ang pinto. Mabilis akong lumabas at marahang pinupunasan ang mga mata. Sa pagtalikod ko rito, matinding pagigil ang ginawa ko. Ayoko siyang lingunin. Mahal ko parin si Aizan. Pero masakit parin ang mga salitan binitiwan niya noon. Kahit na nadala lang siya ng emosyon. Kasi naniniwala ako na pag mahal mo ang isang tao hindi ka niya sasaktan. At sa ginagawa niya tingin ko hindi ito pagmamahal. Masama na kung masama pero wala parin akong balak na ipakilala ang anak ko sa kanya. Ayokong masaktan ang anak ko. Okay na yung ako. Hindi ako magsasawang paulit ulit itong sabihin.
Naglalakad na ako papunta sa pinag iwanan ko kay Ieasis kanena nang mapansin ko si Aizan na nakasunod sa akin.
B*llshit! Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking ito? Nakangite na itong naglalakad papalapit sa akin.
"A-Aizan? Ano na naman ba ito?"
"Gusto ko lang siyang makita." Aniya..
"Mommy! You're here na. Saan ka ba galing? Kanena pa kita hanap?" Natawa naman ako sa pagtatagalog nito.
"Hinahanap yan baby hindi hanap,"
Napakamot naman ito sa ulo at napalingon sa likuran ko.
"Who is he, Mommy?" Mataman itong nakatingin kay Aizan. Mag ama nga sila pareho sila kung paano tumingin sa isang tao. Yun bang parang tinutunaw ka?
Kumaway naman si Aizan rito at nginitian siya. Tinugonan naman siya nang ngite ni Ieasis.
"Ah. He's a friend, Baby. He is your T-Tito Aizan." Nauutal pang sagot ko. Nanubig naman ang mga mata ni Aizan sa sinabi ko.
"Hi, Baby!" Aniya at niyakap si Ieasis. Napansin ko naman ang gulat sa mukha ni Ieasis. Pero ngumite lang rin ito kalaunan.
"Hello, po. Dami mo pala talagang friends, Mommy."
"Yes." Sagot naman ni Aizan.
"But, your face looks familiar to me, Tito. Have we met before?"