Chapter 7

11.7K 246 7
                                    

Magmula ng makita ko yun natatawa nalang ako kapag may ginagawa siyang pagpapapansin sa'kin.Hanggang isang araw lumapit siya sakin.

"Cess kailan mo ba ko sasagutin?" May dala dala siyang malaking payong.

"Ha?Bakit nanliligaw ka ba sakin at Cindy ang pangalan ko!"Sabi ko sa kanya.

"Oo ang tagal na kaya."Natawa lang ako."Cess short yun ng princess mukha ka kasing prinsesa eh."Sabi pa niya.

"Parang hindi ko yata naramdamang nanliligaw ka?Ni hindi ka nga nagpaalam eh."Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang magpaalam kapag manliligaw ka.Pinararamdam 'yun."Parang bata ito."Sagutin mo na ko malapit na kong maka graduate kaya nga naglakas loob na'ko sayo eh?"Sabi pa niya.

"Nasisiraan ka na ba ha!"Saka ko siya tinalikuran.

Habang naglalakad ako bigla siyang sumigaw."Ganito nalang kapag umulan ngayong tayo na.Kapag hindi hindi na kita guguluhin."Natawa ko 'Panong uulan eh tirik na tirik yung araw."Ano deal?"

"Hay ewan ko sa'yo".Akmang tatalikod na ulit ako ng bigla uli siyang nag salita.

"Takot ka lang eh. Pag hindi umulan ng 5 minutes ibig sabihin basted ako at hindi na kita guguluhin."5 Minutes?Siraulong tao.Nakita ko naman sa balita kagabi na hindi uulan.

"Ok deal 5 minutes."Sabi ko sa kanya para tigilan na drin ako at sure naman ako na hindi naman uulan.

Inabot niya sa'kin yung payong.

"Para san 'to.?"Napakunot noo ko.

"Para hindi mabasa."Napatawa ko ng sobrang lakas.

"Ganyan ka kasiguradong uulan ha."Tumatawa parin ako.

"Oo naman kaya mamaya girlfriend na kita."

Tuwang tuwa ako ng makita ko yung oras 20 secods nalang.Haha sure hindi na uulan.

"Yung payong."Hinawakan niya yung payong ."Sukob ka."Pagkasabi niya non.Bigla nalang bumuhos ang ulan.Shit!Bakit umulan!Bakit!Bigla akong namutla at lumunok ng sunod sunod.

"Cess pa'no ba yan akin ka'na."Nagulat ako ng bigla niya kong nakawan ng halik.

"Hindi hindi pwede 'to."Itinaas ko yung dalawang kamay ko.Kaya nasagi ko yung payong.."Bakit
ka umulan BakiiiiiiiiiTTT!Mahabang sigaw ko habang nakapikit pag katapos nun unti unti 'ko ng dinilat yung mata ko.Tiningnan 'ko yung paligid ko.Kaya biglang naningkit yung mata ko.

"Fountain?"Hinarap ko siya."Humanda ka sa'kin."Tumawa lang siya saka tumakbo."ISIDRO!!

Hanggang magising ako isang araw na mahal ko na siya.Siya yung unang lalaking pinapasok ko sa puso ko.

"Cindy ."Biglang bumalik ang katinuan ko ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko."Si Sid ang kapatid ko."Ulit ni Leo.

Mabilis naman akong nakapag isip"Hi."Sabi ko nalang.Tiningnan ko siya pero hindi manlang ngumiti.Nakatitig lang siya sa'kin.

"Hindi ba may ibibigay ka sa kanya."Si Leo.Saka ko inabot yung strawberries.

"Salamat."Matipid na sagot niya.

"Sid be nice to your future sister in law."Pagkasabi ni Leo non nakita ko si Sid na tumigas yung panga.Shit ano 'ba 'tong napasok ko!Sa dami namang lalake sa mundo bakit si Sid pa yung naging kapatid niya.

Pagkatapos niya 'kong ipakilala inaya na niya ko sa magiging kwarto ko.Ang sabi niya dun muna ko sa guess room.

"Ito ang kwarto ko."Binuksan niya yun para ipakita.Pagkatapos lumakad pa kami para itour ako sa bahay nila."Kay Sid."Sabi lang niya pero hindi niya binuksan.Pagkatapos ng ilang hakbang binuksan niya ulit ang isang pintuan.

"At ito ang magiging kwarto mo."Sabay bukas niya ng pinto.Wow sabi ko sa isip ko nanlaki yung mata ko sa laki ng kwarto.Sampung beses yata ang laki nito kesa sa tinitirhan namin sa Maynila.

Pagkatapos niya akong ihatid ng kwarto nagpaalam na rin si Leo para daw makapag pahinga ko.Kaya ang ginawa ko tinawagan ko nalang yung mga kapatid ko para ma icheck ko naman sila.Pagkatapos naming mag usap napatitig nalang ako sa kisame.

"I love you Cess."Dahandahan niya 'kong hinalikan ,matagal at unti unti kong naramdaman yung pag gapang ng kamay niya sa katawan ko.Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.Hanggang maramadaman kong isa isa na niyang inaalis yung suot 'kong damit.

"Sid."Bigla ko siyang pinigilan sa ginagawa niya."Hindi pa'ko ready.Tumigil naman siya.

Akala ko ok ang lahat samin.Kahit ng magkasakit si Papa dinadamayan niya ko.Minsan dumalaw din siya kay papa at nakilala din niya si Jaymie kaya lalo ko siyang minahal.

Kaya dumating yung oras na handa na'kong ibigay ang lahat sa kanya sa mismong graduation niya.Bumili pa'ko ng bagong panty at bra para lang paghandaan yung araw na yun.Pero naabutan 'ko siyang may kahalikang iba sa dorm niya.Tumakbo ko palayo habang umiiyak.Kasabay nun yung pag tawag ng kamag anak namin na wala na raw si papa.Kaya litong lito 'ko ng gabing yun.

Dumaan ang araw ilang araw 'ni hindi ko nakita yung anino niya.Nakitawag din ako sa kamag anak namin para makausap siya sa kabila ng nagawa niya pero hindi 'ko na siya macontact.Nag text din ako sa kanya na kung maari dun nalang magtext pero wala rin akong natanggap ni isang reply niya.Hanggang pagkalibing ni papa kung kailan kailangan ko siya.Nung araw na 'yun pinaalis na rin kami sa tinitirahan namin kinuha lahat ng sasakyan at ibang ari arian namin dahil sa laki ng utang ni papa 'ni isa sa kamag anak namin wala akong malapitan dahil sa may pagkaka utang din si papa sa kanila.Kaya naisipan ko na dalin ang kapatid ko sa ibang lugar para mag bagong buhay at kinalimutan ko ang lahat lahat sa buhay ko kasama siya.

"Cindy."Ilang katok ang narinig ko bago ko mabuksan yung pinto.

"Leo."

"Sabi ni Nay Perla kanina pa siya kumakatok sa pinto pero hindi ka raw nag bubukas.

"Ah baka nasa cr ako non nagpapalit ng damit."Buti nalang at nakapagpalit na ko ng damit.

"Akala ko kung napano ka na eh."Nginitian ko naman siya."Bumaba kana at kakaen na tayo.Ang sabi ko nalang sa kanya susunod nalang ako.

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon