"Ay ang ganda mo lalo girl."Puri sakin ng bakla na nag aayos sakin."Mukha kang manika kapag naayusan."Hinawakan pa nya yung pisngi ko.Napangiti lang ako sa mga sinasabi nya."Alam mo ganyan din ang level ng ganda ko noon eh."
"Eh ano nangyare?"Tanong ko sa kanga.
"Kaso lang isinumpa ako ng diwata sa kaharian namin."Napata tawa nalang ako.
"Ay ay wag kang masyadong tumawa at masisira yung make up."
"Eh pinatatawa mo ko eh."Nakangiti kong sabi sa kanya.Sabay sabay kaming napatingin kasama yung dalawang assistant nya sa pinto ng ilang sunod na katok yung narinig namin.
"Ako na."Pigil ng bakla ng umamba akong tatayo.
"Salamat."Pakiramdam ko hindi ako makakilos ng makita ko yung pumasok sa kwarto.
"Ay si papa Sid pala."Makiring sabi ng bakla.
Lumakad sya palapit sakin.Pero hindi ko sya tiningnan.
"Pwede ba tayong mag usap."Sabi lang nya.Malapit sya sakin kaya amoy na amoy ko yung alak na nanggagaling sa kanya.
"Sid pwede ba inaayusan pa ko."Hindi ko pinahalatang kinakabahan akong kaharap sya.
"Sandali lang naman."Lalo pa syang lumapit sakin.Lumingon sya sa baklang nag aayos sakin at sa dalawang kasama nya."Pwedeng iwan nyo muna kami."
"Ha eh."Tiningnan ako ng bakla sa salamin.
"Please."
"Ok sir."Sabi lang nya.Haist!"Ganda pagbigyan mo na."Pahabol pa nya.Saka sila tuluyang lumabas at isinara yung pintuan.
"Talagang itutuloy mo parin yang pagpapakasal mo ha!"May galit sa tinig nya.Pakiramdam ko hihimatayin ako anytime!
"Hayaan mo na ko Sid!"Nakayuko kong sabi.
"Hayaan!Putang ina Cindy pagkatapos ng nangyare satin!Ang maririnig ko sayo ngayon hayaan!"Sumisigaw na sya.
"Hindi mo ko naiintindihan eh.!"Maiyak iyak na ko ng oras na yun.
"Talagang hindi ko maiintindihan hanggang hindi mo pinaliliwanag sakin!"Mas lalo pang lumakas yung boses nya.
"Sid baka marinig nila tayo."
"Wala akong pakialam!"Tumayo ako ng inilapit nya yung mukha nya."Sabihin mo wala lang ba sayo yung gabing yun ha!"Hinawakan nya ko sa braso.
"Sid tumigil ka na please nasasaktan ako."
Nakita kong gusto ng tumulo ng luha sa mga mata nya."Bakit sa tingin ba ako hindi nasasaktan ha Cindy!Ang sakit sakit!"Tuluyan ng tumulo yung luha sa mata nya.
"Sid."Hinawakan ko yung mukha nya."May pangako ako kay Leo.Nangako ako na kahit ano yung mangyare magpapakasal ako sa kanya.
"Tssk!Eh paano ko ?paano tayo?Ganon nalang yun!"Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina ko oa pinipigil.
--------
Leo's POV
Nakaka tense pala talaga kapag ikakasal ka.Napangiti nalang ako.Pinuntahan yung mga nag aasikaso sa kusina.Nakita ko si Joe na tumutulong sa paghihiwa.
"Joe bakit hindi ka pa nakabihis."Bati ko sa kanya."
"Tatapusin ko lang 'to kuya Leo pagkatapos maliligo na ko."Nakangiting sabi nya.
"Yung ate mo nakita mo na ba?"
"Hindi pa kuya eh."
"Puntahan ko muna ha."Paalam ko sa kanya.
Mr. Castro Calling...
"Hello Levi." Bungad ko sa kanya.
"Congrats boss sorry hindi ako makakarating." Nagpatuloy ako sa pag akyat ng hagdanan.
"Salamat Levi.Basta dagdating mo dito dito sa pinas magcecelebrate tayo."
"Sabi mo yan boss ah."Masayang sagot ng nasa kabioang linya.
"Oo naman."Napakunot yung noo ko ng makita ko yung mga nag aayos kay Cindy na nasa labas.Kaya nagpaalam muna ko sa kausap ko.
"Bakit kayo nandito sa labas?"Takang tanong ko sa kanila."Si Cindy?"
"Eh ano sir may kausap."Sabi lang ni Jasmine.Sya yung baklang kinuha kong mag ayos kay Cindy.
"May kausap?"Pagtataka ko."Sino?"
"Kapatid nyo po sir."Bigla akong kinabahan sa narinig ko.Nagmadali akong buksan ang pintuan.
Pilit na hinahalikan ni Sid si Cindy.Yan ang tagpong naabutan ko.
Halos malaglag ang balikat ko sa nakita ko.Hindi agad ako nakakilos."Hayop ka!"Malakas kong sigaw sa kanya!Hinila ko sya at bigla kong pinagsusuntok."Really Sid sa araw pa ng kasal ko!"Pinagsusuntok ko sya.Pero sinasalo lang nya lahat ng suntok na galing sakin."Ano ba yung gusto mong patunayan ha!"Pinagpatuloy ko parin yung pag suntok sa kanya.
"Leo please tama na."Nanginig yung boses ni Cindy ng sabihin yun."Leo please."Tiningnan ko lang sya at pinagpatuloy ko yung pagbugbog kay Sid.
Nanginginig ako sa galit.Alam kong hindi tunay ang magiging kasal namin ni Cindy ngayon pero ang masakit yung sarili kong kapatid yung tumarantado sakin.Bakit sya pa!
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..