Hindi ko alam kung tama yung naging desisyon ko pag sama kay Leo sa pag uwi ng probinsya niya.Pero wala na 'kong mahanap na paraan.Wala naman akong ipon at nagagastos kong lahat sa pampaaral ng mga kapatid ko at pag huhulog sa bangko.Bago ako sumama nakiusap muna ko sa kanya na paglabas nalang ni Jaymie saka kami umalis.Pumayag naman siya at nagpumilit siya na ilipat kami ng ibang tirahan pero malapit lang sa bahay nila tsang.Kumuha din siya ng katulong para may makasama sila Joe at Jaymee sa bahay para hindi na raw mahirapan si Jaymie sa pagbubuntis niya.Bukod pa dun kumuha din siya ng private doctor at nag iwan ng malaking halaga sa mga kapatid ko.Sinong babae ba ang hindi ma papa oo sa ginawa niya.Sinong babae ba ang makakatanggi sa alok niya.Yun nalang ang iniisip ko na kung sa ibang babae din mangyayare yun baka katulad ko din ang magiging desisyon niya.
"Kinakabahan ka ba?"Napalingon ako sa kanya.
"Ah iniisip ko lang yung mga kapatid ko."
"Nakalabas naman na si Jaymie ng ospital at kapag gusto mong umuwi pwede ka namang dumalaw sa kanila."Hinawakan niya yung kamay ko.Bigla ko namang inalis kaya napangiti siya.
"Malayo pa ba tayo."Tanong ko sa kanya.
"Malapit na."Nakangiti lang siya."Ah ibigay mo 'to sa kapatid ko para matuwa naman siya sa'yo."Inabot niya yung isang basket na strawberries.Sa totoo lang hindi ako nagtanong tungkol sa kapatid niya ni hindi ko nga alam kung ilang taon na siya.
Isang malaking gate ang bumungad sa'min ng bumagal yung sinasakyan naming kotse.Isip isip ko nandito na siguro kami.
Hindi ko mapigilang hindi humanga sa lawak ng lupain na napapaligiran ng maraming puno.Wow sabi ko nalang sa sarili ko ng lumitaw ang napaka laking bahay na kanina ay natatakpan ng mga puno.
"Home sweet home."'Nag inat pa si Leo ng kamay ng maka baba.
"'Tara na, para makilala mo na yung kapatid ko.Sumunod lang ako sa kanya.Yung driver namam niya buhat ang mga gamit na dala namin.Ang tangi ko lang dala ay yung strawberries na pinabibigay niya sa kapatid niya.
"Sir welcome home."Bati sa amin ng isang matandang babae.Tinapik naman ni Leo yung likod ng matanda.
"Nay Perla si Sid po?"Sid?ulit ko sa isip ko pero dinedma mo lang at lumapit ako kay Leo.
"Nag sswimming sir."Kaya agad hinawakan ni Leo yung kamay ko.
"Kailangan 'to.Nang makita niyang napatingin ako sa pag hawak niya.Gaano ba kalaki uung mansion na 'to at ang layo na ng nilalakad namin wala pa'kong matanaw na swimming pool.Didiretso sana ko sa natanaw 'kong pintuan ng hilahin niya 'ko.
"This way."Ay may pintuan pa pala 'dun hehe.
Pag karating namin sa pool wala naman akong nakita.Kaya nabigla ako ng may umahon sa dulo ng swimming pool.Napatitig ako sa pag ahon niya habang nakatalikod siya.Pababa ang tingin ko sa kanya ulo hanggang paa hanggang makaahon siya.At sinimulan ko naman sa paa hanggang..Shit naka brief !Nilampasan ko yun ,at sa bandang abs naman ako nag simula hanggang..Kinurap kurap ko yung mata ko.Hindi hindi totoo 'to!Sabi ko sa sarili ko.
"Cindy meet my younger brother Sid."Pero hindi ako nakapag salita.At isang alaala ang biglang nag balik sa isip ko.Alaala na matagal ko ng kinalimutan.
8 years ago
“Aray ano ba!” Reklamo ko ng tamaan ako ng bola sa likod.
“Sorry miss napalakas yung sipa ko eh.”Sabi ng isang lalake.Pamilyar lang siya sakin sa mukha pero hindi ko siya kilala.
“Bakit ba kasi dito kayo naglalaro nandon yung gym oh.”Sabay turo sa kanya.”Ang sakit tuloy ng likod ko.”Reklamo ko sa kanya.
“Buti nga ikaw sa likod lang kita tinamaan eh.Pero ikaw dito mo ko tinaam matagal na.”Saka niya tinuro yung puso niya.
“Wow! grabe yung linyang yun ha.Ilang babae ba nagamitan mo niyan.?”Lokong to pati ko igugoodtime.
“Wala ikaw palang hindi ba effective?”
“Hindi at nakakabwisit.”Saka ako tumayo at nilayasan siya.
“Sinasadya kong tamaan ka para pansinin mo ko suplada ka kasi eh.”Hiyaw niya sakin.Aba lokong ‘to ah.Binalikan ko siya.
“Pwedeng pahiram.”Tinuro ko yung bola ng soccer Binigay naman niya sakin.
“Pansin ba gusto mo eto papansinin na kita..”
Sinipa ko ng sobrang lakas papunta sa kanya.Ang bilis ng pangyayare kaya hindi niya nagawang umilag
AHHHHHH!! Reklamo niya habang naka bulagta na sa baba.Nakunsensya naman ako kaya nilapitan ko siya.
“Ayos ka lang ba?”Tinulungan ko siyang tumayo.
Medyo nahihilo ko.”Sabi niya
“Hala may dugo ka sa ilong”Nilabas ko yung panyo ko para punasan yung dugo.”Ba’t kasi hindibka umilag!”
“Eh hindi kasi ko nakailag agad ,yung panty mo naman kasi biglang nag pakita.”Saka ko siya sinampal ng malakas.
“MANYAK!”Sigaw ko sa kanya saka ako umalis.
Halos araw araw palagi na siyang nagpapapansin.Kung minsan nagugulat ako na nasa classroom namin siya.Nagpapadala ng bulaklak.Hindi ko siya pinapansin kahit ano yung gawin niya.Hanggang sa isang araw may lumapit sa'king lalake, may inabot na photo album. Ang sabi niya isauli ko din daw bukas ng gano'ng oras kasi raw kinuha lang niya sa gamit ni Sid 'yun.Nakita na puro picture ko pala yung laman non.Mga picture ko na kuha niya mula nung 2nd year college ako hanggang ngayong 3rd year.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..