Habang nililiko ni Alvin yung manibela.Napatingin ako sa mga nag titinda sa may bangketa.Sa mga taong naglalakad sa kalye.Ito ang buhay namin ng mga kapatid ko at dito rin kami tatanda.
Napaikot yung mata ko sa loob ng kotse.Alam kong mamahalin yun at kahit sampung taon akong magtrabaho hindi parin ako makakabili ng ganitong sasakyan.
Napabuntong hininga nalang ako alam ko kasi pansamantala lang ang lahat ng 'to.
"Ma'am sa Perla po diba?"Nahinto ako sa pag iisip ng magsalita si Alvin.
"Oo."Maikli kong sagot sa kanya.Mag isa nalang kasi akong sakay ng kotse.Sabi ko kasi kay Leo mauna na sya sa hotel ihatid baka kasi malate sya sa meeting nya.
Napatingin ako sa babaeng naglalakad.Kinilala ko syang mabuti at ng makilala ko sya mabilis kong binkusan yung bintana ng kotse.
"Madel!!"Malakas na tawag ko sa kanya.
"Cindy!"Nagtatalon sya na parang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Alvin paki hinto."Kinalabit ko yung driver sa likod nya.
Mabilis akong bumaba ng kotse.Inakap nya ko ng mahigpit.
"Insan kumusta ka na?Lalo kang gumanda ah."Halata ang tuwa sa mukha nya.
"Ok lang?Kayo kumusta?Pupunta ko sa inyo mamaya.Madami kong ikkwento sayo."Nilingon ko si Alvin."Alvin dun kana pumarada sa kulay green na gate.Tinuro ko kung saang gawi sa kanya.
"Sige Ma'am."
Nang makalayo si Alvin.
"Bruha ka nag mukha ka na talagang artista."Tinampal nya yung balikat ko.
"Luka luka ka talaga."Nagpatuloy kami ng paglalakad.Hanggang makarating kami ng tapat ng gate namin..
"Mamaya nalang."Sabi ko sa kanya.
Siguradong matutuwa sila Joe at Jaymie.Excited akong pumasok sa loob.Para sorpresahin sila sa pagdating ko.
Nakailang katok din ang ginawa ko bago may mag bukas.
"Ate!"Si Joe.Napaakap ako sa kanya.
"Si Jaymie?"Hinubad ko yung sandals na suot ko.
"Ah nasa ..nasa kwarto."Mabilis kong tinungo yung kwarto nya.Medyo nanibago yata ako.Ilang araw ko lang din kasing tinuluyan itong bahay pagkatapos kasing lumabas ni Jaymie sa ospital sumama na ko kay Leo.
Biglang kumulo yung dugo ko sa nakita ko nakahiga si Jaymie tapos nakapatong yung ulo ng lalake sa tyan ni Jaymie na para bang may pinakikinggan."Ano yung ginagawa ng lalakeng yan dito!"Galit kong sabi sa kanya.Nagulat silang dalawa at umayos ng pwesto.
"Ate."Halata ang pagkagulat sa mukha nya.Tuluyan akong pumasok ng kwarto.
"Akala ko ba hindi ka na makikipag kita sa kanya ha!"Tinitigan ko yung lalakeng nakabuntis sa kanya."Ikaw!lumayas ka dito.!"Sabay turo ng pintuan sa kanya.
"Ate naman.Mahal ko si Ron."Maluha luhang sabi nya.
"Lintik na pagmamahal yan!Kita mo yung nangyare sayo sinira yung buhay mo!"Pati pag aaral pati mga pangarap ko nawala lahat!
"Hindi naman nasira Ate nadagdagan pa nga eh."Sabi ni Jaymie.
"Tumigil ka Jaymie ha!"Saway ko sa kanya.
"Ate mahal ko po si Jaymie.At handa ko na syang panagutan."Singit ng Ron.
"Huwag mo kong maate Ate ha hindi kita kapatid."
Napakamot ng ulo yung lalake."Pakakasalan ko po sya."
"Kasal?Tapos ano?Madadagdagan pa yung anak nyo?Ano yung ibubuhay mo sa kapatid ko ha!"Masungit kong sabi sa kanya.Tatlo nga lang kami hirap na hirap na ko kakatrabaho para lang mapag aral silang dalawa.Hay!Jusko!
"Magsisikap po ako.Nakanap na po ako ng trabaho."Nakayuko sya habang nagsasalita.
"Siguradin mong maibibigay mo sa kapatid at magiging pamangkin ko yung dapat sa kanila."
"Opo".Nanliwanag yung mukha ni Jaymie.
"Payag ka na ate na magpakasal kami?"Masayang tanong nya sakin.
"May sinabi ba kong payag na ako."Seryoso kong sabi.Hay ano pa nga ba yung magagawa ko.Ayoko namang maging kontrabida sa kapatid ko.At isa pa ayoko namang lumaki na walang ama yung pamangkin ko.
"iiihhh ate naman eh.."Ngumuso ito.
"Basta pag isipan nyo munang dalawa mahirap yung magsisi kayo sa huli."Puro tango lang ang sagot nilang dalawa
Pagkatapos ng mahabang usapan namin.Inaya ko naman na dun nalang kumain yung nobyo ni Jaymie.Buntis yung kapatid ko at kailangan na mabantayan din sya lalo pa na wala ako sa tabi nya.Kung katulong naman na kinuha ni Leo namatay daw yung tatay kaya kailangang umuwi muna ng probinsya.
PLEASE LIKE AND FOLLOW...
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..