Cindy's POV
Pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko.Unti unti kong dinilat yung mga mata ko at ininda ko yung kirot na naramdaman ko.
Pinilit kong bumangon.Pero napahinto ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko.Agad akong lumingon kung sino ang may ari non.
Sid?
Aalisin ko sana yung kamay nya pero baka magising sya.Himbing na himbing kasi yung tulog nya habang nakadukdok sya kama.
Iginala ko yung mata ko sa paligid.
Nasaan kaya si Leo?Bakit si Sid ang nakabantay sakin dito sa ospital?Napatay kaya nya yung ahas?
Talagang yung ahas parin yung laman ng isip ko.Kasi naman sobrang laki buti nakita agad ako ng impaktong to.Narinig ko yung pagtawag nya ng pangalan ko habang papalapit sya.
Tapos bigla ng lumabo yung paningin ko kanina.Hindi ko alam pero bigla akong napatitig sa kanya.Parang natutukso nga rin akong hawakan yung ulo nya.
Haist ano ba tong nararamdaman ko!
Saway ko sa sarili ko ng makita ko na nakaangat na pala yung kanang kamay ko para hawakan sya.
Pero huli na nang bawiin ko yun.
"Cindy."Tawag nyan sakin na parang inaalimpungatan pa.
Shit! Nakita nya ko!
"A-akala ko si Leo."Palusot ko sa kanya.
Ngiti yung ginanti nya sakin."Mas mahaba yung buhok ko sa kanya at mas maputi sya."Alam ko isip isip ko."Kumusta na yung pakiramdam mo?"Umayos sya ng upo.
"Ok na ko."Tipid na ngiti ko."Salamat nga pala."
"Kasalanan ko naman eh."Buti alam mo isip isip ko ulit.Tumitig sya sakin.Pero umiwas ako ng tingin.Inikot ko kunwari yung mata ko sa buong kwarto."Sorry ha."
"Ok na yun ayoko lang sana maulit."Seryoso kong sabi sa kanya.
"Makakaasa ka."
"Ah sana hindi nyo sinabi sa mga kapatid ko yung nangyare."Saglit akong napatigil."Ayoko kasing mag alala pa sila."
Nakita ko na napakamot sya ng ulo."Ano kasi ahh..Sinundo sila ni kuya."Nanlaki yung mata ko sa narinig ko.
"Hay bakit pa okey naman na ko pwede na nga akong lumabas ngayon eh."Ayoko pa namang mga nag aalala yung mga yun at isa pa buntis si Jaymie.
"Si Joe lang yata yung sasama sana kaso nagpumilit daw si Jaymie."
"Kailan nya sinundo?"
"Kanina lang maaga syang umalis kaya ako muna yung nagbantay sayo."Ang hirap magtanong ng magtanong lalo na kung dalawa lang kami ngayon sa kwarto haist!.Magsasaliya pa sana ko ng biglang bumukas yung pintuan.
"Ate."Halos sabay na tawag ni Joe at Jaie sakin na tumatakbo palapit sakin.
"Ate kumusta kana?Si Joe.Hinawakan nya yung kamay ko.
"Ayos lang ako dapat hindi na kayo pumunta lalo na yang si Jaymie."
"Ano ka ba ate ok lang naman ako kaya ko pang bumyahe."Si Jaymie na
napatitig kay Sid.Shit magkakilala nga pala sila!"Kuya Sid?"Nagkunot noo sya."Kuya Sid!!"Malakas na sigaw nya at inakap sya."Patay na."Ah Jaymie."Kinurot ko sya sa braso.Buti malapit sya sakin kaya ko sya naabot.
"Ate paan-.
"Si Ron nasaan alam ba nya na sumama ka kay Leo papunta dito?"Pag iiba ko ng usapan.Sinadya kong hindi na sya patapusin sa sasabihin nya at mukhang nahuhulaan ko na.
"Oo ate alam nya."Nakatingin parin sya kay Sid.Alam kong nagtataka sya kung bakit sya nandito.
"Magkakilala kayo?"Singit ni Leo.Haist heto na nga kinatatakutan ko.
"Ahh hindi."Nakahinga ko ng maluwag ng sumagot si Sid.
Napatingin lang sakin si Jaymie.
"Ganyan lang talaga bumati yan."Pagsisinungaling ko.
"Ahh..Sagot lang ni Leo."Oh maiwan muna namin kayong magkakapatid dyan.
"Sige salamat."
Nang makalabas na ng pintuan si Sid at Leo.Umupo sa tabi ko si Jaymie.
"Ate bakit hindi nya ko kilala?Hindi na ba nya ko natatandaan?At bakit nandito sya?At bakit kilala nya si Kuya Leo?"Napapikit nalang ako sa tanong nya.
"Pwede bang isa isa lang yung tanong?"Reklamo ko sa kanya.
"Naguguluhan kasi ko ate eh.Alam kong bata pa ko non pero wala namang pinagbago yung mukha ko sya nga din eh tumaba lang ng konti."
"Kilala ka non hindi pang sinabi at nakaharap si Leo."
"So Hindi alam ni Kuya Leo na naging magjowa kayo dati?"Tumango ako.
"Magkapatid sila."
"-Ha!" Sabay na sabi ng dalawa kong kapatid.
"Teka ate sya ba yung first boyfriend mo na kinukwento ni ate Jaymie?"Ang daldal talaga ni Jaymie.
"Walang alam si Leo sa past namin at isa natagal na yun.
"Ate kailan ka pa naging barbecue?"Si Joe na natatawa.
"Anong barbecue?Nagtawanan si Jaymie at Joe..
"Eh tinuhog mo yung magkapatid eh."Nagtawanan ulit sila.
"Tanga baka stick si ate yung dalawa yung barbecue"Si Jaymie nagpatuloy sila sa pagtawa.
"Mga siraulo kayo!Hindi ko rin alam dati na magkapatid sila no!"Galit kong sabi sa kanila.
Napatigil lang kami ng kwentuhan ng may kumatok sa pinto.
PLEASE LIKE AND FOLLOW...
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..