Chapter 25

9.3K 219 14
                                    

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa sa mga naisusulat kong kwento. :)

Please Like and Follow :)

*****

"Cindy tapos na yung kanta gusto mo pa bang sumayaw?."Bulong sakin ni Leo na nakangiti.Saka lang ako natauhan at narinig yung mga taong nagpapalakpakan.Iling lang ang sinagot ko sa kanya.

Hinawakan nya yung kamay ko.Kaya sumunod lang ako sa kanya sa pag lakad.
Napatingin ako sa kanya ng makita ko na sa ibang gawi kami papunta.Kaya napahinto ako ng paglalakad.

"Come."Maikling sabi nya sakin.Saka sya ngumiti.

Sumunod lang ako sa kanya papunta ng mini stage.Pakiramdam ko napuno ng kaba yung dibdib ng mga oras na yun.

Hawak parin nya yung kamay ko habang paakyat na kami ng mini stage.Muli syang ngumiti sakin bago nya tuluyang hawakan yung mic.

"Ahhm Tutal nandito na rin kayong lahat .."Saglit syang tumigil mag salita na parang may bumara sa lalamunan nya napatingin ako sa kanya siguro kinakabahan sya isip isip ko."Ahhm gusto ko rin sanang samantalahin yung pagkakataong ito para pormal kayong imbitahan sa nalalapit naming kasal ni Cindy."Tumingin sya sakin at hinawakan ang beywang ko.Ako naman napalunok nalang at tipid na ngumiti."Talagang minadali ko yung pag aayos ng kasal namin nakakainip na din kasi."Nagtawanan naman yung mga bisita."Lahat ng mga nandito malalapit sa pamilya namin.Ah tito Greg tita Almira "Lumingon sya sa dalawang magkatabi sa upuan.Tantsya ko nasa mid sixty na sila."Salamat po at lagi kayong nandyan para samin."Ngumiti naman yung dalawang matanda kay Leo.

"Kiss "May biglang nagsalitang lalake

"Sa kasal na."Sagot ni Leo na napangiti lang.

Pababa na sana kami ng halos sabay sabay silang nag sigawan.."KISS..KISS..!"Kasabay din ang tunog ng mga kutsara at baso.Ano ba yan pakiramdam ko tuloy kinasal na kami hehe.

Ramdam ko yung pagpigil ng kamay ni Leo.Shit tototohanin ba nya yung pagbubuyo samin.

Napalunok akong bigla ng hawakan nya yung kabilang pisngi ko.Napatitig lang ako sa mata nya at saka ako pumikit.Bahala na isip isip ko.Tutal pinasok ko 'to.

Ramdam ko yung paglapit ng mukha nya na lalong nagdulot ng malakas na kaba sakin.

Shit!Eto na!Relax Cindy Relax.!Sunod sunod na paglunok yung ginawa ko.Pero napadilat akong bigla ng maramdaman ko kung saan nya ko hinalikan.Whooa buti naman sa pisngi lang isip isip ko.Bigla tuloy akong nakahinga ng maluwag.Pero pakiramdam ko nilinlang nya ko para idilat ko ang mga mata ko.Nanlaki bigla yung mga mata ko sa ginawa nya sakin.Mabilis nyang  nagawa na  mahalikan ko.Saglit lang pero bakit labag na labag sa kalooban ko yung ginawa nya sakin.

Malakas na sigawan yung umalingawngaw sa paligid.Sari saring sigawan ang mga naririnig ko sa kanila.

"Isa pa."Sabi ng lalake sa bandang unahan.

Pero nagpatuloy nalang kami sa pagbaba sa mini stage.Nang makaupo na kami sa mesa namin lumapit naman si Alvin na may dalang paper bag.

"Sir heto na po yung invitation."Sabi ni Alvin na naka suot na puting polo.

"Salamat."

"Invitation?"Tanong ko sa kanya ng makaalis ai Alvin.

"Oo ..ako na nag ayos lahat ng kailangan natin."Saka sya ngumiti."Tara tulungan mo ko."Hinawakan nya yung kamay ko para sa pagtayo.

Isa isa naming pinamigay yung wedding invitation namin sa mga bisita.Pakiramdam ko hindi ko maiangat yung mga paa ko ng makita ko si Sid na nakatitig samin.Shit!Heto naman sya.Mabilis kong iniwas yung tingin ko sa kanya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Natapos din.. Isip isip ko saka kami bumalik ng table namin.

"Wine?"Alok ni Leo sakin ng may lumapit na waiter samin.Tango lang ang sagot ko.

"Ah kayong dalawa kailangan nyo bumalik next week ha."Nilingon ni Leo si Joe at Jaymie.

"Syiempre naman kuya."Si joe.

Si Jaymie naman nakangiti lang at patuloy lang sa pagkain.

Ilang minuto pa ay nagpaalam si Leo para asikasuhin yung mga bagong dating na bisita.

"Ate.."Tawag sakin ni Jaymie."Napatingin naman ako sa kanya.

"Si kuya Sid kanina ma masama yung tingin sa inyo."Ngumuso sya sa gawi ni Sid.

"Oh inaano ko ba sya?"Sabi ko nalang.

"Sus kuwari ka pa ate."Siniko nya ko.

"Jaymie ha."Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Love triangle lang ang peg."Si Joe na nagboses bakla pa.

"Pepegpegin ko pagmumukha mo mamaya!"Mataray kong sabi sa kanya.

"Ay si ate oh." Yumuko nalang sya at nagpatuloy kumain.

Hindi ko alam pero alam kong nagalit sya sa paghalik sakin ni Leo.Pero paki ko ba kung magalit sya no!

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon