Sid's POV
Nagmamadali akong tumakbo para puntahan si Cindy na nakahandusay yung katawan sa damuhan.Alam kong naabutan ko pa syang may malay at napatingin pa sya sakin.
Mabilis ko syang binuhat.Niyuyugyog ko parin sya habang lakad takbo akong pabalik ng bahay at buhat sya.
"Cindy gumising ka!"Puno ng takot ang puso ko.Pakiusap gumising ka."Cindy!"Muli kong tawag sa kanya.Lalo ko pang binilisan ang pag lakad ko ng makita ko ng malapit na kami.
"Kuya!Kuya!"Malakas kong tawag sa kanya.
"Sir bakit po ano nangyare sa kanya.?
"Nay Perla paki tawag si k-kuya.."Takot na takot parin ako.Pakiramdam ko ang lamig na ng katawan ni Cindy at mukha syang maputla.
Mabilis akong nakarating sa kotse.Hindi ko na ininda yung ngawit ng braso ko.
"SHIT!" wala nga pala kong dalang susi.
Pabalik na sana ko ng makita ko si kuya na tumatakbo.
"Ano nangyare sa kanya?"Halata ang pagkagulat sa mukha nya.
"Hindi ko alam nakita ko lang syang walang malay malapit sa may pine tree."
Mabilis kumilis si kuya para buksan ang sasakyan.Hindi ko alam kung ilan yung naging takbo ni kuya ng sasakyan.Basta ang alam ko lang sobrang bilis namin.
I'm sorry Cindy.Kasalanan ko 'to.Kung hindi kita hinabol wala sanang nangyareng masama sayo.
Hinawakan ko yung mukha nya.Hindi ko napigil ang sarili ko na akapin sya at mapaiyak.Wala na kong pakialam kung makita man ni kuya yung ginagawa ko.
"I'm sorry"Bulong ko sa kanya.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami ng ospital.
"Sir bawal pong pumasok."Sabi ng nurse na kasama namin nung ipapasok na sya ng emergency room.
Parehas lang kaming nakasandal ni kuya sa pader habang nakaupo at naghihintay ng paglabas ng doctor.
Mas gugustuhin ko pang makasal at makasama nya si kuya kahit masakit sakin.
Napatingin ako kay kuya na kita sa mukha nya ang pag aalala.
Kesa naman mawala sya sakin ng pang habang buhay.
Nakita ko yung pag bukas ng pinto kung saan dinala si Cindy.Kaya bigla akong napatayo ng makita ko yung doctor na lumabas.
-"Doc kumusta na po yung pasyente.?"Sabay naming tanong ni kuya.Napatingin ako sa kanya nakatayo na rin pala sya.
Nilingon kaming dalawa ni kuya ng doctor.
"Ah sino sa inyo yung kasama nya?"
-Ako po."Sabay na naman kami.
"Ako doc.She's my fiance."Hindi na ko nagsalita ng sabihin ni kuya yun.
"Well Mr.?"
"Carillo.."Sagot naman ni kuya.
"Well ahh Mr. Carillo mabuti at nadala nyo sya dito agad.Siguro natakot sya ng makita nya yung ahas kaya nawalan sya ng malay at isa na ring sintomas yung panlalamig ng katawan at pamumutla balat nya.
"Ahas?"Paninigurado ko.Tumango lang ang doctor.
"But she's fine now."Ngumiti sya."Nabigyan na namin sya ng Td vaccine at anti venom."Dagdag pa nya.
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yung sinabi ng doctor.
"Pwede na po ba syang ilabas ngayon doc?"Si kuya.
"Kailangan syang i admit muna dito sa ospital for overnight observation.She may need more than one dose of antivenom at isa pa kailangan pa ng ilang test ,nagpadala na ko sa laboratory ng blood and urine samples nya.
"Gaano po ba sya katagal makakarecover?"Usisa ko.Alam ko lang kasi sa kagat ng aso.
"Antivenom can also cause serum sickness lima hanggang sampung araw.Makakaramdam sya ng pananakit ng katawan pati joint at panghihina."Saglit syang huminto."Kaya kailangan parin syang i observe ngayon kahit walang symptoms na nakikita sa kanya."Dagdag pa nya.
Ilang oras din kami ni kuya na naghintay hanggang ilipat sya ng kwarto.
"Sid bumalik ka muna ng bahay at magpahinga."Napatingin ako sa kanya.Nakita ko na inaantok na yung mata nya.
"Ako nalang kuya yumg magbabantay sa kanya.Hindi ba may meeting ka bukas?"
"Shit oo nga pala."Nahampas nito ang sariling noo nya."Icacancel ko nalang."Saka sya napatingin kay Cindy na natutulog pa hanggang ngayon.
"Kung importante yun ako nalang muna dito."
"Sigurado ka?"
"Oo naman."Ngumiti ako sa kanya."Sige na ako na dito"
Tumayo sya at lumapit sakin."Salamat."Pagkatapos non ay nagpaalam na sya.
Umupo ako sa tabi kung saan sya nakahiga.
"I'm sorry Cindy."Napatitig ako sa mukha niya at nagbuntong hininga.Hinawakan ko yung kamay nya.
Hindi na yata talaga tayo pwede.Pangako hindi na ko magiging sagabal sa inyo ni kuya kung yan ang gusto mo.
Unti unting tumulo yung luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..