Habang naglalakad kami may natanaw akong hindi kaaya ayang tanawin.Tssk pakaway kaway pa!Ano sya artista!Pulitiko!
"Cindy tara dito."Naglapitan naman yung mga kasama ko.Kayo si Cindy?Isip isip ko.
Napabulong ako."Ang dami ko palang kapangalan."Wala akong nagawa kung hindi sundan nalang sila.
Habang papalapit na'ko.Hinahawan niya yung ibaba ng damit niya.At dahan dahan niyang inangat yun para hubarin.Pakiramdam ko ang bagal ng pag hubad niya.Unti unti ang paglabas ng katawan niya hanggang tuluyan niyang maalis sa ulo niya.Pagkatapos nun hinagod niya yung kamay niya sa dibdib niya.
"Ready ka na?"Saka s'ya ngumiti sa'kin.Pairap ko syang tiningnan.Tssk ano feeling n'ya photo shoot 'to?Kung makapag topless sagad.Akala mo namang may abs, ni isang guhit nga ng abs wala akong matanaw,nabalutan yata ng tabang lamig yung katawan.
Libang na libang ako kakukuha ng pinya.Tinuruan kasi akong mamitas ni mang Nilo.Pero nawala yung aliw ko sa nakita.Enjoy na enjoy ibilad yung katawan n'ya sa araw tssk.Nakakatatlong pitas palang yata sya ng pinya kaka pose.
"Hindi mo sinabing balak mong mag model dito.Pinagdala sana kita ng camera."Sabi ko sa kanya ng hindi ko na matiis yung nakikita ko.
"Ay itong phone ko maganda yung camera."Inilibas niya yung cellphone.Nginitian ko siy at hindi naman s'ya tanga para hindi nya mapansing plastic yung pag ngiti ko.
"Sid umahon na kayo't kakain na."Tawag ng matandang kausap ko kanina.Mabilis nagkilisan yung mga tauhan para makapunta ng kubo.Isang mahabang lamesa ang nakita ko.May sapin ng dahon ng saging at sama sama ang mga pag kain.BOODLE FIGHT?
"Oh h'wag mo sabihing ikukuha pa kita ng plato.?Si Sid.
"Bakit may plato ka bang nakikita.!"Sagot ko sa kanya.
"Baka kasi maselan ka!"Ngumiti lang s'ya at umirap naman ako.
"Oh bigyan n'yo ng upuan si ma'am Cindy!"Sabi ng isang babae.lumapit s'ya sa mga lalakeng nag uunahan sa pagkain." Abay mahiya kayo sa bisita!"Isa isang nag tabihan ang mga lalake.
"Ayos lang po."Sabi ko naman.
Masaya palang kumain ng ganito.Yung marami tapos nagkakagulo.Sa totoo lang na enjoy ko yung moment na'to.
"The best talaga yung luto mo ate Marta."
"Naku nambola ka na naman Sid."Sagot naman ng babae.
"Pero mas the best yan kapag sinundan n'yo ng pagkaen sa saging ko."Napatingin lang ako sa kanya.
"Ay oo nga iba ang saging ni sir ang laki pa."Sagot ng babaeng kanina pa nakadikit kay Sid.Si Yumi.
"Malaki na masarap pa."Dagdag pa ni Sid."Anong saging ba yung pinag uusapan nila wala naman akong nakikitang saging.
"Oo nga sir ang tagal ko nga bago makain lahat."Saka tumawa yung hitad Tssssk parang gusto kong masuka.
"Cindy mamaya ipapatikim ko sayo yung saging ko ha."Saka s'ya kumindat.Eiiwww."Sigurado wala ka pang nakikitang ganong kalaki kahit sa Maynila."Dagdag pa ng bastos na lalaking to!
"Di bale nalang na si Yumi ang makatikim ng saging mo.Matabang kong sagot.Kadiri!
"Oh ayan na pala."Lumingon si Sid sa dumadating."Eto tikman mo."Sabi nya sakin.
"Wow."Shit!Anong saging to!Ang laki nga!Malaki pa yata sa braso ko!
"Oh ano naniwala kana?"Iba yung tingin n'ya sa'kin siguro nabasa niya yung iniisip ko kaninan"Plantain ang tawag dyan."Dagdag pa niya.Hinawakan ko yung,saging at kinumpara sa braso ko.Nagtawanan silang lahat.
Bubuksan ko sana pero pinigil ako ni Sid.
"Pinakita ko lang sayo yung laki.Pero dapat niluluto yan bago kainin."
"Parang saging na saba?"Tanong ko sa kanya.
"Oo ,tikman mo to'."Inabot nya sakin yung lutong saging.Parang chicken nuggets yung size.
"Wow"Nasabi ko nalang .May cheese kasi sa loob.Infairness masarap haha.
"Ang dami palang pwedeng gawin sa saging."Biglangvkong nasabi.
"Oo naman"Sagot ni Sid."At pwede mo rin paglaruan."Saka sya ngumiti ng nakakaloko.
"Bastos."Sabi ko sa kanya.
"Ha ang dami kayang banana games.
Hindi ko nalang s'ya pinansin hanggang makarating kami ng bahay.
Kailangang dito lang ako sa kwarto.Mas safe ako dito.
"Ma'am pinatatawag po kayo ni sir Leo."Bigla akong natayo.Buti nalang dumating na s'ya kanina pa'ko nagugutom.Nagmadali akong bumaba.
Pero wala akong Leo na nakita.Pamumukha lang ni Sid ang bumungad sa'kin sa mesa.
"Tara kumain na ta'yo."Ngumiti sya.
"Talagang ginamit mo pa si Leo mapa,baba mo lang ako!"Saka ko sya tinalikuran.
"Tara na kumain kana, alam kong nagugutom kana."Pero tumalikod ako at umalis.
Napansin kong hinabol niya ko kaya binilisan ko yung lakad ko.Pahakbang ng ko ng hagdan ng matalisod ako.
"Ahhhh aray."Reklamo ko.Bwisit ang sakit!
Hinakawan niya yung braso ko inalalayan niya ko hanggang maka upo.
"Dyan ka lang kukuha lang ako ng yelo."Hindi nga ako umalis at hindi ko rin kayang maglakad ng maayos.
Hinawakan niya yung paa ko para laguan ng yelo.
"Ako na."Sabi ko sa kanya.
"Hay umayos ka nalang ng upo."Hinayaan ko sya sa ginagawa niya.Pero habang hawak niya yung paa ko.Pakiramdam ko may kuryenteng dumadaloy galing sa kamay niya.Shit ayoko yung nararamdaman ko!
Bigla akong tumayo kahit masakit pa.Hindi ko alam kung para saan..Basta ayoko ng naramdaman ko kanina.
"Ano ba yung problema mo!Huwag mo sabihing..."Saka sya ngumiti at hindi tinuloy ang sinabi.Alam ko na yung naisip mo Isidro!
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomantizmLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..