Chapter 18

9K 205 4
                                    

Sid's POV

Nakataas ang paa ko sa mesa habang inaantay ko yung pag dating nilang dalawa.

Mukang nag enjoy sila ah!Ang sabi ngayon sila uuwi pero alas tres na ng hapon wala pa sila!Magkasama kaya silang natulog!Tssk!

Sinalinan ko ng alak yung baso ko.Saka ko sinandal yung ulo ko sa upuan.

Bakit wala pa kayo!!!

Muli akong uminom ng alak.

"Sir."Muntik na kong mapalundag sa gulat.

"Shit!"Pabulong kong sabi."Ano ba!Bakit ba nanggugulat ka!"Sigaw ko sa kanya.

"Sorry po baka kasi gusto nyong kumain muna ka-kanina ka pa kasi nag iinom eh."Sabi sakin ni Nay Perla.Nahiya tuloy akong bigla ngayon ko lang sya nasagot ng ganon.

"Mamaya na ho busog pa ko."Pagkasabi ko non tumalikod sya saka sya umalis.

Halos naubos ko na yung isang bote ng alak.Wala pa rin sila!Bwisit!Talagang naiinis ako.Hindi ko alam kung dahil saan.

"Oh anong drama yan?"Lumakas bigla yung tibok ng puso ko.Nilingon ko sya.

"Celebration lang kuya."Ngumiti ako sa kanya at kay Cindy na hindi man lang tumingin sakin.

"Ah ok."Aktong papalakad na sila.

"Kuya.."Lumingon sya sakin..

"Uhmm?"

"We need to talk."Sabi ko lang sa kanya.Gusto ko dalawa lang kaming mag uusap.

"How much."Walang gana nyang sagot.Lagi yan ang tanong nya sakin twing gusto ko syang makausap.Sabagay madalas kasi kong magpaalam na kukuha ko ng pera.Tssk!

Napangiti ako ng tipid."Mukang pera na ba yung tingin mo talaga sakin ha."Umiling lang ako.

"Sabihin mo na ngayon ay kailangan kong magpahinga."

"Tayo lang dalawa walang ibang tao."Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ok later."Saka sila nagpatuloy sa paglalakad.

Narinig ko pa na nag tatawanan silang dalawa habang naglalakad.Mukhang mga nag enjoy talaga!Nakatingin parin ako sa kanila hanggang mawala sila sa paningin ko.

Hindi ako mapakali pagpasok ko ng kwarto.Paikot ikot lang ako sa paglalakad.Naghihinatay ng oras para makausap ko na si kuya.

Ilang katok ang ginawa at saka ako pumasok sa kwarto nya.

Napatingin sya sakin habang naka yuko sa mesa at nag susulat.

"Kuya ."Nag ipon ako ng lakas ng loob.Ngayon ko lang kasi sya kakausapin sa ganitong bagay.

Tipid na ngiti ang ginanti nya."Hindi ba makakapag antay ng bukas yan Sid.?"Pero hindi sya tumingin sakin nagpatuloy lang syang mag sulat.

Binaba ko sa mesa yung pina print kong ilang documents at mga pirmado nyang papeles na nag sasaad na binayaran nya sa bangko yung utang ni Cindy.

Napatingin sya sakin."Gusto ko lang ipaliwanag mo 'to.Kunot noo nyang kinuha yung papel.

"Bakit mo binayaran sa bangko yung malapit ng ma ilit na lupain nila Cindy?"Tinitigan ko sya.Hindi ko alam pero parang may kaba kong nakita sa mukha nya ng sabihin ko yun.

"Ano ngayon malapit na kaming ikasal hindi ba?"Lintik na kasal yan isip isip ko."Yan ba yung sasabihin mo lang sakin ha?

"Tsssk!Kilala kita kuya hindi ka maglalabas ng pera basta basta!Isang milyon?"Itinaas ko pa yung boses ko.

"Bakit kailan ba kita sinita sa mga perang winawaldas mo ha!"Malakas din ang boses nya.Hindi ako sanay na nakikipagtalo sya sakin.

"May dahilan ako!At isa pa ginagastos ko yun para sa sarili ko hindi para sa ibang tao!"Pagtataanggol ko sa sarili ko.

"Magiging asawa ko na sya at kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa pera ha!"Tumayo sya ng upuan."Sa tutuusin nga balewala yun sa mga perang mga nakuha mo!"Nagbuntong hininga sya at binaba yung ballpen na hawak nya."Muka yatang nagkakainteres ka na pa imbestigahan ako.Wag kang mag alala hati parin tayo kung ano man yung mga namana natin."Napailing lang ako.

"Wala akong pakialam dun!Ang gusto ko lang malaman kung totoo ba yung pagmamahalan nyo!O may isang mangggamit sa inyo!"Galit kong sabi.

"Mag ingat ka sa pananalita mo Sid ha ayoko ng tono ng pananalita mo!"

"Malalaman ko rin ang totoo!"Saka ako lumakad palabas ng pinto.

Hindi talaga ko makatulog.Kakaisip sa mga nalaman ko.Cindy ano yung motibo mo kay kuya!Hindi ka ganyan dati nung nakilala kita.Kuya ano yung dahilan mo!Para kong masisiraan ng ulo kakaisip!Kailangang makausap ko si Cindy!

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon