Chapter 2

16.3K 315 8
                                    

Bumangon na ko para maligo.Hay trabaho na naman walang hanggang trabaho.Napabuntong hininga nalang ako.Lahat na yata ng trabaho napasok ko na food server,promo girl kung ano ano pa.Hanggang 3rd year college lang kasi yung natapos ko ang hirap maghanap ng trabaho lalo na't undergraduate ka.Ang bata pa kasi nila Jaymie ng mapadpad kami dito kaya hindi ko na naituloy yung pag aaral ko.

Sinubukan ko na ding mag promotion para mag japan kaso dalawang araw palang hindi na ko makalakad sa sakit ng katawan ko sa pagsasayaw.Wala din naman akong talent sa pagkanta.Minsan may nag alok naman sakin papuntang Taiwan kaso si Joe naman naging sakitin kaya mas pinili ko nalang dito sa pinas basta sama sama kami.Kung may mayamang lalake nga na mag kakagusto sakin baka mapatulan ko na basta matulungan lang kami ng mga kapatid ko.

"Hay bwisit walang tubig!"Kung kailan nagmamadali ka saka mawawalan ng tubig!Kinuha ko yung timba at saka ako bumaba.Sa ibaba kasi sila Tsang Myrna sa kanila kami umuupa pero mura lang naman sabi nga niya presyong kamag anak.Hindi naman agad niya ko siningil nung unang salta ko dito ang sabi niya maghanap daw muna ako ng trabaho at saka nalang magbayad.

"Good morning tisay"Bati sakin ng lalaking naka hubad na malaki tyan.

Dirediretso lang akong naglakad.

"Tsong si Tsang po?"Tanong ko sa asawa ni tita na nakaharap sa inuman.

"Nasa loob pumasok ka nalang."Saka siya tumagay ng gin.

"Tisay shot ka muna isa lang."Nagsalita na naman yung malaki yung tyan.

"Hindi pa ko kumakain eh"Sabi ko nalang.

"Isa lang naman 'to naman oh ipapahiya pa ko."Inaabot niya yung basong may lamang alak.

"Hay nako kuya diego huwag mo kong itulad sa'yo na ginagawang kanin 'yang alak."Saka ko siya iniwan.Narinig kong nagtawanan sila.

"Wala kang dala diego ay kuya diego."Sabi sa kanya ni Tsong.Saka sila nagtawanan.Napakamot naman si Diego ng ulo hehe.

Matagal ng nanliligaw sa'kin yung Diego na yun.Matandang binata daw.Kaya lagi akong niloloko nila tsong na sagutin ko na daw.Tsssk Hindi na nga kami maka ahon sa hirap magdadagdag pa ko ng isang lasenggero sa buhay ko.Hindi bale ng hindi na ko mag kaasawa.

"Tsang baka po may tubig kayo.Naubusan kasi ko eh."

"Nandyan sa drum kumuha ka at marami naman 'yan."Sabi niya sakin habang nag titiklop ng damit.

"Sige po palitan ko nalang mamaya kapag nagkatubig na."

"Hayaan mo na kumuha ka nalang diyan."

"Sige po."Kaya nag salok na ko ng tubig."Ah tsang si Madel po?"

"Ah maagang umalis ngayon daw yung simula niya sa bagong trabaho."

'Ah ganon po ba."Dati kong katrabaho si Madel sila yung nag pasok sakin sa may Tutuban.Pero sabi niya mahina daw yung sahod kaya umalis at naghanap nalang ng ibang trabaho.

.....................................................................

LEO'S POV

"Yes I know,Alam mo naman na kailangan kong icheck 'tong business ni mama di ba? Sabi ko sa kausap ko habang sakay ako ng escalator.Sinenyasan ko yung driver ko na sumunod lang sakin.

"Yes sir,Pero 3 o'clock ang meeting."

"Then cancel it kung wala pa ko."

"Pero sir,Matagal ng naka set yung meeting na'to."

"Ok,I'll be there in 40 minutes. Pag katapos nagpaalam na yung kausap ko.

Kailangan ko paring bantayan yung business ni mama.Palagi siya dito noong nabubuhay pa siya.

Flora's Wedding Fashion Boutique.

Gumagaan yung pakiramdam ko twing nagpupunta ko dito at nakikita ko yung pangalan ni mama.Naalala ko tuloy nung tinanong ko siya na bakit wedding dress ang naisip niyang business.Sabi niya walang bisa ang pagsasama kung hindi kayo kasal.
Ayaw kasi niya ng live-in relationship.(Cohabitation)

"Ay sorry sir."Sabi ng isang babae na bumunggo sakin.Tinulungan ko siyang pulutin yung mga nahulog na damit na dala niya."Pasensya na talaga sir nagmamadali kasi ko eh ang daming customer."Napakamot ng buhok yung babae at bigla siyang tumingin sakin.Napatitig ako sa mata niya.

Wow angel eyes .Nasabi ko nalang sa isip ko.And her lips uhmmm very tempting.Ang nipis at parang ang sarap halikan.

Damn!Ano ba 'tong nasa isip ko.Saway ko sa sarili ko.Madalang lang naman ako humanga sa isang babae as in sobrang dalang.Nag sorry ulit siya bago umalis.

"Boss ang yummy nun ah."Sabi ni Alvin.Pumalit siya sa tatay niya bilang driver ko.Malabo na raw kasi ang mata ng tatay niya at na diagnosed siya na may katarata sa mata kaya nakiusap na si Alvin nalang yung ipalit ko sa kanya.

"Isusumbong kita kay Mang Ramon unang pasok mo sa'kin babae agad ang inaatupag mo."Pananakot ko sa kanya.

"Boss naman ang ganda naman talaga eh parang hindi pang Tutuban yung beauty"Dagdag pa niya.Kitang kita ko yung paghanga niya sa babae at hanggang ngayon ay sinusundan parin niya ng tingin.

"Kung di pang Tutuban pang sa'n naman ang beauty niya ?"Nakangiting sabi ko.

"Pang palasyo boss o kaya pang model."Natawa nalang ako.Pero tama nga siya.Maganda nga sya.

"Bakit mo naman nasabi yon?Tanong ko ulit sa kanya.Natutuwa kasi ako sa reaksyon niya na para bang ngayon lang nakakita ng maganda.

"Ang kinis ang puti pa kutis mayaman."Natawa lang ako.

"Porke ba maputi at makinis mayaman na agad?"

"Oo naman boss ,kita mo yung kulay ko brown."Tinuro niya yung balat niya."O diba bagay sa trabaho ko."Pahabol niya.Natawa nalang ako.Pero may point siya.

Pagkatapos kong mag audit sa shop ni mama inaya ko na agad si Alvin sa office para maabutan ko yung meeting.

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon