AAAHHHHHH!!Bakit ako pumayag magpahalik sa kanya kagabi!Hindi na dapat ako nagpaiwan!Shit!Ano yung iisipin nya sakin na magpapakasal ako sa kapatid nya pero nakipaghalikan ako sa kanya kagabi!Paano kong haharapin to!At paano ko sya haharapin!
Teka baka naman hindi na nya maalala yun kasi lasing sya.!AHHHHHHH!!Pinaghahampas ko yung unan at binalikan kung ano yung mga nangyari kagabi.
Nakakainis talaga!kunwari ako nalang yung walang maalala!Tama ganon nalang dedma nalang ang gagawin ko.Bigla akong kinabahan ng may kumantok ng ilang beses.
"Ma'am pinabababa po kayo ni sir Leo."Naku naman!
"Paki sabi susunod na'ko."Bakit ba kasi kailangang sabay sabay na kumain.
Mukang hindi ko sya maiiwasan talaga kainis!Pagbaba ko palang ng hagdan pagmumukha na nya yung nakita ko.
Pero hindi nya ko pinansin.Salamat naman nakahinga ako ng maluwag.Hindi nya siguro naalala yun.
Tahimik lang kaming kumain ng ibaba ni Leo yung kutsara at tinidor nyang gamit.
"Ah Cindy mas ok siguro kung next week na tayo magpakasal."
"Next week??Nabigla kong sabi.Hindi lang pala ako pati na rin si Sid.
"Bakit?Nasabi ko naman na sa mga kamag anak namin uhmm natin na magpapakasal na tayo at naayos ko na rin yung mga kailangan."Sabi lang nya at muling kumain.
Next week?Agad agad?Sshhht
"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin honey na nag aayos ka na pala tungkol sa kasal natin."Kung maka honey ako akala mo totoo.
"No need honey pinaayos ko na yun."Ngumiti sya sakin parang nagustuhan nya yung pag kasabi ko.
"Mukang nagmamadali ka naman kuyang makasal."Sumingit si Sid na seryoso yung tingin kay Leo.
Nangiti si Leo."Why not?Baka makawala pa 'tong si Cindy sakin.Di'ba honey?Tumango lang ako. lintik na buhay 'to!
"Sabagay nga kung ako man ang nasa sitwasyon mo kuya pakakasalan ko agad si Cindy wala pang isang linggo."Plastik ka talaga Isidro!Kilala ko yung ngiti mo na yan!"We'll congrats ngayon palang binabati ko na kayo."Ngumiti sya at tumayo."Excuse me."Pahabol nya.
Ano yung inaarte nya!Tssk!Bakit hindi man lang sinabi ni Leo sakin yun!Oo pumayag ako sa kasunduan namin pero bakit next week agad!
Pagkatapos naming kumain nagpaalam ako kay Leo na maglalakad lakad lang ako sa maluwang na bakuran nila.
Inalis ko yung tsinelas na suot ko para maramdaman ko yung lamig ng damuhan.Hindi ko maiwasang isipin yung sinabi nya.Next week?Hindi nan nagbabago yung isip ko kaya lang ewan bakit parang nag iba yata yung pakiramdam ko.
"Ang lalim nyan ah."Nagulat ako ng may biglang sumingit na boses sa gitna ng pag iisip ko.Bwisit!
"Ineenjoy ko lang yung lamig damo."Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Kaya pala hindi mo napansin na lumapit ako sayo."Tumawa sya."Alam ba ng mga kapatid mo na magpapakasal kana?"Seryoso nyang tanong.
"Oo naman."
"Alam ba nila na sa kapatid ng ex mo ikaw magpapakasal?"Tssk!Humugot ako ng napakalalim na pag hinga.
"Kailangan ko pa bang ikwento yung bagay na matagal ng natapos!"Mataray kong sabi sa kanya.
Nag fake smile sya."Matagal?eh ano yung kagabi huh?"Shit!Alam nya!
"Hindi ko alam yung pinagsasabi mo!"Tinalikuran ko sya at mabilis akong lumakad.
"Come on Cindy alam ko na alam mo yung nangyare kagabi!"Hindi ko pinahalata na may alam nga ako.
"Ano ba yung pinagsasabi mo!At pwede ba bitawan mo ko at baka makita pa tayo ni Leo!"Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa kanang braso ko.
Binitiwan naman nya."Bakit hindi mo naisip yan kagabi."Tipid ang tawa nya.
"Kung ano man yun kalimutan mo yun!"Sumusunod parin sya habang naglalakad ako.
"I can't."Pagkasabi nya nun mabilis akong tumakbo para makapasok ng loob.Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako.Dumiretso muna ko sa kusina ng makita ko dun si Nay Perla.Buti hindi na sya sumunod.Pagkatapos kong uminom ng tubig nagtungo na ko sa kwarto ko ng makita ko na malinis ang dadaanan ko at walang impaktong nakaharang.
"SHIT!"Napamura ko ng biglang bumukas yung kwarto nya!Bakit ba kasi kailangan magkatabi kami ng kwarto!Inaabangan pa nya yung pag panik ko!
Sinalubong nya ko sa paglalakad at bigla nya kong hinawakan ng mahigpit sa kamay.Nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko.
"Ang sarap mo paring halikan at hinding hindi ako magsasawang gawin yun."Bulong nya sakin.Inalis kong pilit yung pagkakahawak nya sa kamay ko."Kaya naiinis akong isipin na ginagawa mo rin yun sa kuya ko!"Seryoso talaga yung boses nya natakot tuloy ako.
"Bitawan mo ko kung hindi sisigaw ako!"Pananakot ko sa kanya.Buti naman at binitawan nga nya yung kamay ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito yung lakas ng kaba sa dibdib ko.Siguro dahil sa mga sinabi nya.Sid huwag mo naman akong pahirapan!
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..