Chapter 28

8.5K 210 9
                                    

Sid' POV

"Wow!"Halata ang tuwa sa mukha ni Kuya ng iabot ko yung titulo nv lupa sa kanya."Paano mong nakuha to?"Mukhang hindi pa rin sya makapaniwala.

"Hindi ba madalas akong humingi ng pera sayo noon?"Tumango si Kuya."Dahil dyan yun kaso ang tagal ko ma convince ng owner tinaasan ko ng konti kaya ayun last month pumayag na ibenta sakin."Pangarap niya kasing bilin yung guest house na yun sa Palawan kaso ayaw talagang pumayag noon ng may ari ibenta.

"El nido wow."Inakap ako ng mahigpit ni kuya."Sobrang sobrang regalo to Sid salamat."Ngayon ko lang yata sya narinig mag thank you sakin hehe.

"Nakatransfer na rin yan sa pangalan mo."Inabot ko yung isang papel sa kanya.Gusto kong mapasaya sya kahit minsan alam ko kasing hindi sya magastos na katulad ko.Kahit gusto na niya yung isang bagay hindi parin nya binibili.Ganon kasi ugali ni kuya kapag sa sarili na nya nanghihinayang na sya.

"Sid ito na yata yung pinaka gusto kong regalong natanggap."Masaya pa rin sya.

"And this is for you both of you."Tiningnan ko silang dalawa ni Cindy at inabot ko yung dalawang box na may lamang singsing.

"Nilalagnat ka ba Sid."Pagbibiro ni kuya sakin.Hinawakan pa niya yung noo ko.

"Huwag kang mag alala ngayon lang yan."Natawa rin ako.

"Baka naman bawiin mo to bukas kapag hindi ka na lasing ha."Nagtawanan kaming dalawa.

"Cindy."Inabot ko sa kanya yung singsing.

"Salamat."

"Welcome and welcome to the family."Nag smile naman ako kahit paano.Tssk kailangan kong tanggapin na wala na talaga na para na sya kay kuya.

"Sid."Tawag sakin ni kuya kaya bigla akong napalingon sa kanya.Nakatitig sya sa singsing na binigay ko.

"Don't tell me ito yung singsing na iniingatan mo."Napangiti lang ako."Sid alam kong importante to sayo kaya hindi ko to matatanggap."Inabot nya sakin pero pinigilan ko sya.

"Kuya regalo ko yan sa inyo.Kesa naman nakatambak lang sa kwarto ko yan."

"Pero-

"Kuya wala na yun."Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"I think ito nalang yung gagamitin naming wedding ring."Masayang sabi ni kuya."Kaibigan ko naman yung may ari ng jewelry store kaya irerefund ko nalang."Nagtawanan kaming dalawa.

"Sige kuya inaantok na rin ako eh baka naistorbo ko na kayo."Tumingin ako kay Cindy."Goodnight."

"Night"Napabuntong hininga ko ng marinig ko yung boses niya.

Sana maging masaya kayong dalawa ni kuya.Pagkatapos ng kasal nyo mas mabuti sigurong lumayo muna ko.

Cindy's POV

Sinamahan ko si Leo sa kwarto nya dahil may sasabihin daw sya sakin kaya sumama naman ako.Pagpasok namin sa kwarto nya ay naupo agad sya sa kama.Hawak ang singsing na binigay ni Sid.

"Hindi parin ako makapaniwala na ibinigay nya yung wedding ring nya satin."Binuksan ni Leo yun at tinitigan.Wedding ring nya?Napakunot noo ko.Tama ba yung sinabi Leo?Wedding ring ni Sid?

"Wedding ring nya?"Hindi ako nakatiis na itanong yung nasa isip ko.

"Yes."Maikling sagot ni Leo.

"Muntik na ba syang ikasal dati?"

"Gusto na nyang magpakasal dati kaso biglang nawala yung babae eh."

"Bakit nawala?"Pagtataka ko.

"Actually yun lang yung alam kong babaeng minahal nya eh.But that was a long time ago."Pinatong nya yung singsing sa kama."Baka nga may asawa na yung babae na yun ngayon pero yang si Sid hanggang ngayon pinahanap pa rin sya sa private investigator."Sunod sunod ang pag lunok ko."Hindi pa rin maka move on."May tawang kasama yung salita nya.

"Bakit naman biglang nawala yung babae baka naman may kasalanan sya kaya sya iniwan?"Hindi ko alam kung bakit ko nasabi pa yun.

"Wala syang kasalanan.Ang alam ko nung mismong graduation nya yun yung time na magpopropose sya sa babae pero.."Napatigil sya ng salita at yumuko."Yun din yung araw na naaksidente sila mama at papa ,pauwi na sana sila galing sa graduation day nya kaya lang ganon yung nangyare.Kaya nga umuwi agad dito si Sid nun nung malaman nya yun."Matagal bago sya magsalita ulit.Nakatitig lang ako sa singsing na binigay ni Sid sakin.Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.Pakiramdam ko gustong tumulo ng luha ko kaya pilit kong pinipigilan."Pagkalibing nila papa pinuntahan nya yung babae pero hindi na nya nakita.Nalaman nya sa mga kamag anak ng babae na wala na rin pala yung tatay nya.Kaya nga hindi tumigil si Sid na hanapin sya kasi sabi ni Sid kailangan sya ng girlfriend nya."Tumayo si Leo."Ano ba yan kung ano ano nakwento ko sayo siguradong magagalit si Sid pag nalamang pinag usapan natin yung lovelife nya."Napatawa si Leo.

Tumayo rin ako para magpaalam.Pero may gusto lang akong masigurado.

"L-leo."Parang may nakabara sa lalamunan ko ng sabihin ko yun.

"Ayos ka lang ba masyado ka yatang nadala sa kwento ko."Nakangiting sabi nya sakin.

"Yung babae a-ano yung pangalan nya?"

"Ahh hindi ko na matandaan pero madalas nyang mabanggit yun samin nila papa."Inikot pa nya yung mata nya na pilit iniisip yung pangalan.

"Hayaan mo na."Sabi ko nalang."Night."Isasara ko na sana yung pinto.

"Cess tama Cess yung madalas nyang sabihin short for princess."Pakiramdam ko nanghina yung buong katawan ko ng masirado ko kung sino yung babaeng tinutukoy nya kanina pa.

Mabilis akong tumakbo patungo ng kwarto ko.At unti unting bumagsak yung luhang kanina ko pa pinipigil.

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon