Napatitig lang ako sa kanya.Pero sa nakikita ko na parang walang bahid ng kalungkutan yung mukha nya?Tinatago lang ba nya sakin?Pero ano man ang nararamdaman nya kailangan ko paring humingi ng tawad sa kanya.
"Sana hindi ko na pinagpilitan pa yung samin."Binasag ko yung katahimikan.Hindi ko kasi napilan kuya eh."Kusa nalang pumatak yung luha sa mga mata ko."Mahal na mahal ko sya at kahit kailan hindi nawala yun."
"Alam ko."Maikling sagot nya.
"Umpisa palang na pagpunta nya dito iniiwasan na nya ko pero nagpumilit parin ako."Pagpapatuloy ko pa.
"Dahil hindi nya alam yung nangyare noon."
"Ano yung ibig mong sabihin?"Pagtataka ko sa naging sagot ni kuya.
"Yung paghahanap mo sa kanya.Na hindi ka pala sumuko sa pagmamahal mo."Napatitig lang ako sa kanya.
"Kuya patawarin mo ko kung nasira ko yung relasyon nyong dalawa."Natawa sya at muling nagsalin ng alak."Gagawa ako ng paraan para magkaayos kayo."Auko ng maging hadlang sa kaligayahan nila.Kahit masakit kakayanin ko.Makita ko lang yung dalawang importante sa buhay ko na masaya.
"Mag cheers nalang tayo.Para sa wifeless at loveless."Itinaas nya yung baso nya.
"Balewala lang ba sayo yung lahat!Hindi mo man lang ba sya hahabulin?"Galit kong sabi sa kanya.
Malalim na buntong hininga yung pinakawalan nya.
"Sid I'm gay."Biglang nanlaki yung mata ko sa rebelasyon ni kuya.
"Ha?Ano yung sinasabi mo kuya?"Hindi parin ako kumbinsido sa sinabi nya.
"Bakla ako at alam ni Cindy yun kahit nga si papa alam yun."Nagpatuloy sya sa pag inom ng alak.
"Teka lalo yata akong naguluhan."Umayos ako ng upo para makaharap sa kanya.
"Alam ni Cindy na bakla ako at hindi totoo yung relasyon namin."Parang tanga lang yung reaksyon ko.Nanaginip ba ko totoo ba talaga yung pinagsasabi ni kuya?
"A-ano yung ibig mong sabihin."Naguguluhan talaga ko sa mga naririnig ko.Mas nakakahilo pa yung naririnig ko keysa sa tequila na iniinom ko eh.
"We just made it up.Pinilit ko syang mapapayag kapalit ng lupa na naiwan ng magulang nya.Nagkataon na malapit ng ma ilit yung resthouse nila nung araw na yun.Ang sabi nya nag iisang alala nalang ng mga magulang nya yun."
"Ibig mong sabihin hindi-"Naputol yumg sasabihin ko.
"Hindi kami at hindi magiging kami.Sa totoo lang nakita ko yung pagsisikap nya para sa mga kapatid nya kaya ginusto ko na rin syang tulungan."Ngumiti sya sakin."Mabuti syang babae Sid kaya hindi na ko magtataka kung bakit hindi mo sya nakalimutan."Dagdag pa nya.
"Oo nga eh."Sang ayon ko sa kanya.
"Kaya kung may dapat sa kanyang humabol hindi ako yun."Sabay ngiti nya.
Umakap ako sa kanya."Salamat kuya."Hindi ako alam kung mapapaiyak ako o mapapatawa sa saya ng marinig ko yun galing sa kanya.
-----
Cindy's POV
"Ate kumain ka naman oh."Umupo si Jaymie sa kama habang nakahoga ako."Ilang araw ka ng ganyan mula ng umuwi ka."
"Wala lang akong ganang kumain Jaymie."Mag iisang linggo na pala kong nakakauwi dito.Pero bakit parang may kulang.
"Basta ate pag nagutom ka kumain ka agad ha."Tumango lang ako."Tatakpan ko lang muna"Tumayo sya para takpan yung pagkain.
"Jaymie."Nag alanganin pa akong tawagin sya.
"Bakit ate?"Lumapit sya ulit sakin.
"Kahit pala gaano kapraktikal yung isip ng tao kayang kaya palang talunin ng puso no?"Ngumiti ako ng pilit."Yung bang akala mo ok ka na ,akala mo sarado na yung puso para magmahal,Yun bang bigla mo nalang mararamdamang masaya ka ulit."Nakatingin lang ako sa kisama.Hindi ko alam kung ano ano yung mga naiisip ko.
"Si Sid yan no?"Tumango ako."Wala namang problema siguro kung magiging kayo hindi ba?"Alam na niya kasi yung sitwasyon ni Leo.
"Jaymie sanay na kong mag isa.Yung kayo lang ni Joe yung kasama ko."
"Siguro dati ate.Pero ngayon yan pa ba yung gusto mo?"Biglaan akong napaisip sa sinabi niya.Yun pa nga ba yung gusto ko?"Tumawag na ba sya?"Umiling lang ako.
"Auko na rin magpakita pa sa kanila.Nakakahiya lalo na kay Leo."
"Ate hindi mo naman sinasadya yun at isa pa.'-
"Hayaan nalang natin Jaymie mas mabuti na yung ganito."
Yun ang mas mabuti kong gawin.Alam kong kahit paano nasaktan si Leo sa nagawa ko at sigurado tampulan kami ng tsismis ngayon sa hacienda.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..