Buti hindi umalis ng bahay si Leo ngayon para samahan kami ng mga kapatid ko mamasyal syiempre kasama parin si Sid.
Masaya ko at nakikita kong nag eenjoy yung mga kapatid ko lalo ngayon dito sa may pinyahan.
"Ay "Napahiyaw ako ng muntikan na akong matumba.Mabilis akong nahawakan ni Leo sa kanang kamay ko.Pero hindi lang pala si Leo yung nakahawak sakin pati rin si Sid.Hindi ko alam pero pakiramdam ko namulang bigla yung pisngi ko.
"Salamat."Sabi ko nalang sa kanilang dalawa.Si Sid naman mabilis na inalis yung pagkakahawak ng kamay nya sakin.
Nang nauna ng maglakad si Leo at Sid agad namang lumapit si Jaymie at Joe sakin.
"Haba ng hair ni ate."Bulong ni Joe .Hinawakan pa nya yung buhok ko.Kaya bigla ko syang kinurot sa tagiliran.
"Aray ate."Reklamo nya sakin.
"Lagot ka sakin mamaya."Warning ko sa kanya.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Pinandilatan ko silang dalawa ni Jaymie ng marinig kong nag tatawanan silang dalawa.Ang kukulit talaga haist!.
"Ma'am Cindy!"Malakas na tawag sakin ni mang Nilo.Kinawayan ko naman sya."Akala ko hindi na kayo makakabalik dito eh."Inalis nya yung balanggot na suot nya.
"Eh ngayon lang din kasi sila nag aya dito eh."Nakita kong tumingin sya sa mga kasama ko.
"Mga kapatid ko po pala."Pagpapakilala ko.
"Naku kaya naman pala kaganda't kagwapo,Halika na kayo't baka lumamig yung pagkain."
Sumunod lang kami sa paglalakad nya.
"Naku yung magandang dalaga pala yung bisita natin."
"Kamusta po?"Nag mano naman ako sa kanya.Naalala ko syang bigla sya yung may bunsong anak na akala ko totoong anak nya hehehe.
"Mabuti naman hija."Magsasalita pa sana ko pero biglang may nagsalita sa gilid ko.
"Pasensya kana at nauna kami ni Sid may pinag usapan lang kasi kami ng mga trabahador."Sa totoo lang hindi ko napansin yung paglapit ni Leo sakin.
Inaya na nya kami sa may lamesa para kumain.Ngayon hindi na boodle fight hehe may mga plato na eh.
Nakakagutom naman yung ulam.Sinampalukang native na manok,talangka saka inihaw na tilapya tapos may manggang hilaw pa.
"Pasensya ka na't hindi namin napaghandaan ah kagabi lang kasi sinabi ni sir Sid na dadalaw kayo."Si mang Nilo.
"Nako mang Nilo bigla nga po akong ginutom eh."Sagot ko sa kanya.
"Oh kaen na kayo."Tinuro nya samin yung mga nakahandang pagkain.
Itataas ko na sana yung kamay ko para abutin yung pagkain pero napatingin akong bigla kay Leo at Sid ng biglang iabot sakin ng sabay yung kanin.Napangiti nalang ako sa kanila hindi ko alam kung alin ang aabutin ko.Bakit kasi parehong kanin pa!Haist!
"Awkward."Bulong sakin ni Joe.Sinimplihan ko syang kinurot sa hita.
Ano ba 'tong nangyayare sakin kanina pa 'to ah hindi na makatarungan!
Syiempre sa huli kinuha ko yung kay Leo.
"Salamat ."Sabi ko nalang.
Pagkatapos naming kumain medyo lumayo ako sa dalawang magkapatid sila Jaymie nalang at Joe yung pinagtuunan ko ng pansin.
*****
Sid's POV
Pagkatapos namin nila kuya Leo magpunta ng farm dumiretso naman ako sa pinsan ko.Nakatanggap kasi ko ng tawag sa kanya na nakauwi na sya.
"Tol kumusta!"Inakap nya ko saka tinapik yung braso ko.
"Ayos naman."Napatingin ako sa braso at kamay nya."Loko ka ang dami mo ng tattoo ah alam ba nila tito yan?"Magpinsan kami ni Harrold sa mother side.
"Oo naman no!"Pagmamalaki pa nya."Astig no?"
"Dati alam ko butiki lang yang nasa braso mo ngayon dragon na."Saka kami nagtawanan.
"Oh nasan na yung chick mo yung first love mo?"
"Wala wala na."
Ang gulo mo namang kausap eh akala ko ba nahanap mo na!Ngayon sasabihin mo wala na!"
"Basta."Maikli kong sagot.
"Basta nawala?Ano yun bula?"Saka sya tumawa.
"Basta bukas maaga natin ayusin kung saan ilalagay yung mga gagamitin nyo."
"May bayad ba kami tol?"Nakangising tanong nya.
"Ihampas ko kaya yang gitara mo sayo."Saka sya tumawa ng malakas.
"Kaw naman di na mabiro oh."Inayos nya yung ilang gamit na dala nya.
"Nasaan yung mga kasama mo?"
"Nasa kwarto nagpapahinga."Wala kasi sila tito at tita dito nasa america na.Kaya sya lang yung naiwan dito sa pinas dahil sa pagmamahal nya sa banda nya at musika.Ilang taon din kami nagsama dito kaya alam nya yung nangyare sa buhay ko nun.Kaso kung saan saang lugar sila nagpupunta kapag may gig sila kaya hindi na nya nagagawang umuwi dito."Andyan pa ba yung fiancé ni kuya Leo?Maganda ba?"Magkasunod nyang tanong.
Hindi agad ako nakasagot.Ngiti nalang ang sinagot ko.
"Huy!"Maganda ba?"
"Oo sobra."Sabay buntong hininga ko.
"Teka tol kilala ko yung ganyang pagmumukha eh."Tssk sabi na e."Huwag mong sabihing?"Binitin nya yung sasabihin nya at tinitigan nya ko na parang nag aantay ng pag oo ko."Tama ba ko?"
"Oo na."Sagot ko nalang.
"Aray ko po nanay aray ko po tatay OUTCH!"Saka nya piniga yung puso nya.
"Hay tumigil kana tapos na yun!"
"Tol i feel you i really do.."Hinagod hagod pa nya yung tapat ng puso nya.
"Siraulo!"Saka ko binalibag yung case ng gitara nya.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..