Mabilis akong naglakad palayo sa kanya.Huwag kang iiyak Cindy!Ginusto mo yan!Kung kanina bumilis ang tibok ng puso ko.Ngayon naman parang may bomba na kanina pa gustong sumabog.Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko yung mga dala dala kong invatations.
Malapit na ko sa pwesto namin hanggang sa tuluyan ng tumulo yung luha ko.
"Cindy bakit ka umiiyak?"Puna sakin ni ate Perla.
"Wala ho."Pagsisinungaling ko sa kanya.Padabog kong binaba yung mga invitations."Ayan na ho yung pinakuha nyo."
Kinuha naman nya."Che,Rose, Glenda.Oy kayong mga nagtsitsimisan dyan lumapit kayo."Naglapitan naman sila."Invited tayo sa kasal."Masayang sabi nya.
Ako lang yata ang hindi masaya sa mga oras na'to.
"Cindy."Inabot sakin ni ate perla yung invitation.Hindi ko na nagawang abutin dahil napahagulgol nalang ako ng iyak.
"Letseng lalakeng yun!Pagkapos nyang guluhin yung mundo ko!Pagkatapos ng lahat!Ni di man lang sya nagparamdam!"Patuloy ako sa pag iyak."Ngayon magpapakita sya sakin!Tapos malalaman kong ikakasal na sya!"Napatingin ako sa kanila.Pero sa pinutuan nakatingin lahat.Wala palang nakikinig sa pag eemote ko.
"Cindy."Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa dito!
"Ano ba!Ok na!Alam ko na na ikakasal ka o ano masaya ka na!"Hindi ko mapigil yung sarili ko!Ang sakit kasi sobra.
"Pakinggan mo muna ko."Lumapit sya sakin at lumuhod."I'm sorry."Hinawakan nya yung kanang kamay ko.
Tumawa ko ng pilit."Pwede bang tumayo ka dyan.Hindi ako santo para luhuran!"Mataray kong sabi sa kanya.
"Patapusin mo muna ko."Bahagya nyang hinila yung kamay ko.
"I'm sorry kasi natagalan bago ko magpakita sayo.Marami lang akong inayos."
"Obvious nga eh."Walang gana kong sagot.
"Cindy will you marry me?"Binuksan nya yung box na may lamang singsing.
"Marry you!Pagkatapos mong ipamigay yung mga invitations sa kasal mo marry you!Ano trip mo ha two wives!"Galit kong sabi sa kanya.Saka ko inalis yung pagkakahawak nya sa kamay ko.
Malakas na tawa yung pinakawalan ni Sid na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Oh Ano yung nakakatawa!Pwede ba Sid tantanan mo na ko!"
"Cindy."Tinawag ako ni ate Perla.Lumingon naman ako sa kanya ng may inabot sakin.
Bakit pangalan namin ni Sid yung nakalagay sa may invitation?
"Baka naman pwede mo ng sagutin yung tanong ko kanina?"Nakangiti pa rin sya pero ako naman napaiyak sa sobrang saya.
"Ano nga ulit yung tanong mo?"Pabiro kong tanong sa kanya.
"Pwede na ba kitang pakasalan?"Tumalikod ako.
"Pag iisipan ko."Pero nakangiti ako nung sinabi ko yun.
"Cess naman oh.Naka set na yung date ng kasal natin eh."Lumingon ako sa kanya.
"Naka set?Hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ko yung araw na yun."Mataray kong sabi hehe."Saka paano kung may kulang na pangalan dyan.Baka magtampo pa sila sakin."Yung mga ilang kaibigan ko yung sinasabi ko.
"Magpagawa nalang tayo ng bago."
"Bakit pumayag na ba ko?"
Nalungkot yung mukha nya."Katulong ko naman yung mga kapatid mo pati si Tsang at Madel nung ginawa namin 'to kaya naisip kong wala ng magiging kulang."
"Katulong mo sila?"Nanlaki yung mata ko.Nag eemote pa naman ako sa kanila nung nakaraang bwan haist.
"Oo ikaw nalang yung kulang saka yung wedding gown."Mahina nyang sabi.
"Oh sige na oo na."Kunwari galit ako.
"Oo na?Pumapayag kana.?"Nagliwanag yung mukha nya.
"Ayaw mo?"
"Gusto syiempre.."Nalungkot yung muhka nya "Baka naman napipilitan ka lang?"
Hindi ko na napigilan kaya napatawa ko."Akala mo lang yun."Ngumiti sya at inakap ako."Hindi mo ba ko hahalikan?"Bulong ko sa kanya.Natawa naman sya at humarap sakin.Hinawakan nya yung kabilang pisngi ko.
"Say please."Saka sya ngumiti.Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ah ganon magpakasal kang mag isa mo!"Tinulak ko sya palayo.Pero nahila nya ko agad at masuyo nya kong hinalikan.
"Isasama na kita ngayon."Saad nya ng maghiwalay yung mga labi namin.
"Bakit?"Pagtataka ko.
Napakagat sya ng labi."May seminar na kasi tayo bukas eh."
"Agad agad?"
"Two months lang kasi yung preparation."Napatawa nalang ako.
"Hep hep!"Pinigilan ko sya ng hahalik sakin!"Teka nga pala sino yung babaeng kahalikan mo sa dorm noon ha!"Mataray kong sabi sa kanya ng biglang pumasok sa isip ko.
"Ha?Wala akong kahalikan no."Nakakatawa yung itsura ng pagmumuka nya.
"Sinungaling ka buti hindi pa ko nakaka oo sa simbahan!"Akmang tatalikod ako.
"Ahh naalala ko na!Si Michelle yun yung type ni Tim remember?"Pangungumbinsi nya sakin.
"Remember your face wala akong maalalang Tim!At bakit ikaw ang kahalikan nya aber!"
Napakamot sya."Hindi ko naman alam na sakin pala pala may type yun."
"Ah kaya mo pinatulan."Pinandilatan ko sya.
"Hindi ko nga pinatulan."Napakamot na naman sya ng ulo.Bago pa nya ko mahalikan nailayo ko na yung..."Binitin pa nya."Yung kissable lips ko."Bahagya syang napatawa.
"Binabawi ko na yung oo ko."Tinalikuran ko sya at nagpatuloy akong maglakad.
"Cindy naman oh naka oo kana eh."Para syang bata sa pag padyak.
"Bakit hindi ba pwedeng bawiin?"
"Never."Hinawakan nya yung mukha ko at masuyong hinalikan yung labi ko.
"Siguraduhin mong sakin lang yang kissable lips mo ha!"Bulong ko sa kanya.Saka kami nagtawanang dalawa.
(2 MONTHS LATER)
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."Basbas ng pari na nagkasal samin ni Sid.
Hinalikan ako ni Sid ng matagal.Habang ako nakapikit at dinadama yung halik nya.Sa simbahan kami kinasal ni Sid.Ang.Yun kasi yung pangarap namin noon.
Ang gaan ng pakiramdam ko habang tinititigan ko yung paligid.Ang tagal ng panahon bago ako nakabalik dito resthouse.
"Balik na tayo sa loob sobrang lamig dito."Reklamo ko sa kanya habang nasa loob kami ng tent.
"Dito nalang tayo."Inakap nya ko ng mahigpit.
"Hay bakit ba kasi dito mo naisipang mag honeymoon sa tent."Nakatayo kasi yung tent malapit sa dagat.
"Malamig kasi dito kaya masarap magpainit."Hinampas ko sya sa balikat.
"I love you Sid."Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya.
"I love you more."Sabay halik sakin.Pero ilang minuto ang lumipas ay nag aya na rin sya sa loob ng hindi na namin nakayanan yung lamig hehehe.
THE END..
Thank you po sa mga readers na matyagang mga nagbasa.Hehehe.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomansaLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..