Hindi ko man lang sya nadamayan noon.Akala ko ako lang yung nagdurusa ng mga araw na yun nun pala parehas kami at sya dalawa yung nawala sa kanyang mahalagang tao.Nagtanim ako ng sobrang galit sa kanya.Pero sya hindi sya sumukong hanapin ako.Nagpatuloy ako sa pag iyak habang nakaupo ako sa kama at hawak ang singsing na ibibigay nya sana sa akin noon.Unti unti kong binuksan yung box.Nagpatuloy ang pagluha ng makita ko yung singsing.Siguro kung naibigay nya dati sakin yun baka umiiyak din ako pero dahil sa kaligayahan hindi tulad ngayon na may panghihinayang.
Bigla kong nailaglag yung ring box ng tumunog yung cellphone ko.
Joe calling...
"Bakit gising kapa?"Pinilit kong iayos yung boses ko.
"Nag gagayak kasi ko ng gamit sa pagpunta dyan teka ate umiiyak kaba?"Haist nahalata parin nya.
"H-hindi kagiging ko lang kasi nagising ako sa tawag mo."Pag sisinungaling ko sa kanya.
"Sigurado ka?Baka naman pinaiiyak ka na ni kuya Leo ha."
"Hay kung ano ano iniisip mo matulog ka na."
Pagkatapos ng usapan namin ni Joe pinulot ko yung box na nahulog sa sahig.Nakita kong medyo nakaangat yung lagayan ng singsing kaya inalis ko yung pinaka ilalim nya.
Sulat?
Mabilis kong inalis yung pagkakatupi ng papel halatang luma na yun dahil sa texture nya.
Alam mo ba nung una palang kitang nakita alam kong mamahalin na kita.Nung nakasama kita ng matagal mas lalo kong nasigurado sa sarili ko na ikaw na yung babaeng gusto kong makasama.Yung magiging nanay ng mga anak ako.Cindy will you marry me?
Nag umpisa na naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko ng mabasa ko yun.Lahat ng alaala naming dalawa isa isang nagbabalik sa isip ko.Humugot ako ng malalim na pag hinga.Gusto kong ilabas lahat ngayon yung mga bagay na kinikimkim ko sa puso ko.Napatingin akong bigla sa may pintuan ng may marinig akong ilang katok.Kaya inayos ko muna yung sarili ko siguradong si Leo yun.
Hindi ako makapagsalita ng makita ko kung sino yung nasa harap ko ngayon.
"Cindy ano nangyare?Ayos ka lang ba?Nag away ba kayo ni kuya."May pag aalala yung binitawan nyang salita."Magsalita ka naman."Biglang lumakas yung boses nya."Ano ba magsalita ka naman ano ba yung problema!"
"Ito ito yung problema ko!"Itinaas ko yung kamay ko kasama yung singsing at eto pa!"Yung sulat naman yung pinakita ko.
"Sh*t !"Napapikit sya ng sabihin nya yun."Akina yung sulat."Seryosong sabi nya sakin.
"Hindi ba para sakin 'tong sulat?Sinadya mo ba to para mabasa ko?Para pahirapan ulit ako!"
"Nandito ko para magpaalam sayo!At para sabihin sayo na sana maging masaya ka sa kuya ko!"
"Sinungaling!"Saka ako tumalikod sa kanya isasarado ko na sana yung pintuan pero mabilis syang nakasunod sakin.
"Ano yung gusto mong sabihin ko ha?Yung totoo?"Isinandal nya ko malapit sa may pintuan kasabay ng pag sara nito.
"Bitawan mo ko!"Singhal ko sa kanya.
"Gusto mong marinig yung totoo kong nararamdaman!"Lalo pa nya akong idiniin sa pader."Selos na selos ako twing magkatabi kayo ni kuya!Tuwing hinahawakan ka nya!At para kong mamatay nung makita kong hinalikan ka nya!At kaya ako lalayo dahil hindi ko kayang makita yung babaeng pinakamamahal ko magpapakasal na sa iba!"Halo halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ko yung pag luha nya.Pakiramdam ko tinutusok ng maraming karayom yung puso ko."Mahal na mahal kita Cindy."Nanginginig yung boses nya.Hinawakan nya ko sa magkabilang pisngi.
Dahan dahan nyang inilapit yung mukha nya hanggang magtagpo yung labi naming dalawa.Hindi ko alam pero hindi ko sya nagawang pigilan.Napapikit nalang ako at sumabay sa pag halik na ginagawa niya sakin.Mas lalo syang naging mapusok ng maramdaman nya yung pag ganti ko sa bawat halik nya.
Pakiramdam ko wala na ko sa sarili kong katinuan ng mga oras na yun.Para akong isang bata na nangulila sa mga yakap at halik nya.Unti unti kong naramdaman ang paghalik nya sa tenga sa leeg.
"Sid."Paungol kong nasabi sa kanya.
Muli nyang inabot ang labi ko para halikan.Pero ngayon mas mapusok ang paghalik nya.Naramdaman ko rin ang pag pasok ng kamay nya sa ilalim ng damit ko.
Naramdaman ko nalang yung pag higa nya sakin sa kama at hinayaan ko syang ipinagpatuloy nya yung pag halik sakin habang inaalis yung suot kong blouse at mabilis nyang nahubad yung pajama kong suot.
Napasabunot ako sa kanya habang patuloy ang pag halik sa dibdib ko.Ramdam ko yung init ng hininga nya habang ginagawa nya yun.
"Sid."Muli kong sambit sa pangalan nya.
Napatingin sya sakin na tila nanghihingi ng sagot kung itutuloy ba nya yung ginagawa nya o hindi.
Haist bahala na bukas!Yun lang ang tanging naisip ko.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..