Chapter 22

9.1K 202 8
                                    

"Mukhang naka istorbo yata ako ah."Si Leo.

"Ah hindi nagkakatuwaan lang kami."Sagot ko nalang.

"Nakausap ko na yung doctor pwede ka na raw ilabas ngayon basta kailangan lang ng regular check up."

"Salamat ha."

"Welcome."Saka sya ngumiti.

Pagkatapos ayusin ni  Leo yung hospital bill nagtuloy na kami sa bahay nila.

"Dito muna kayo kahit ilang araw tutal friday naman ngayon."Tumingin sya sa mga kapatid ko.

" Leo wag na nakakahiya naman."

"Para naman makalibot sila dito saka sa farm.

"Huwag na."Pag uulit ko sa kanya.

"Ate naman oh minsan lang kami makalibot."Reklamo ni Joe.

"Oo nga naman ate."Sabad ni Jaymie.

Wala na kong nagawa kaya pumayag na rin ako.At mukhang gusto nga ng dalawa talaga mag stay muna dito.Sa may bakanteng guest room sila pinatuloy ni Leo malapit lang din sa kwarto ko.

“Ate grabe ang yaman talaga pala nila kuya Sid.”Si Joe na iginala ang mata sa kabuuan ng kwarto ko.“Parang kwarto to ng prinsesa ate.”Saad pa nya.

“Ang swerte mo ate.”Si Jaymie.

“Magpahinga na muna kayo sa mga kwarto nyo.”Pagliliko ko ng usapan.

“iiihhh Ate dito muna kami hindi mo ba kami namiss?”Si Jaymie na nakanguso pa.Saka sya humiga ng kama.

“Syiempre naman namiss ko kayo,Baka kasi pagod kayo sa byahe.”Sabi ko nalang sa kanila.

Sabay kaming napalingong tatlo sa may pintuan ng may kumatok.
Mabilis kong nabuksan ang pintuan.Isang hakbang lang naman kasi yung layo ng pinto sakin.

"Sid!"Napalakas yung tawag ko sa kanya."B-bakit?"Utal kong sabi.Napatingin ako sa suot nyang damit.Naka pajama lang  at sando siguro matutulog na sya.Pero bakit ba sya nandito!

"Ah Anniversary nila mama at papa sa sunday ."Napahinto sya saglit." Itatanong ko sana sayo kung pwede sa lunes mo na pauwin yung mga kapatid mo.?"

"Sure kuya Sid hindi muna kami uuwi."Si Jaymie.Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Ate sige na."Si Joe.

"Ang alam ni Leo sa Linggo uuwi na kayo."

"Isang araw lang naman ate yung diperensya eh."Si Joe.

"Hay naku lubayan nyo kong dalawa ha."

"Payagan mo na isa pa darating yung mga pinsan namin may banda sila kaya masaya yun."Saad pa nya.

"Ate sige na kasi ang k.j mo naman eh!"Saka para magkabonding naman kami ni Kuya Sid diba kuya?"Tumingin sya kay Sid.Ngumiti naman si Sid sa kanya.

"K.j ka dyan!O sige bahala kayo.

Nagtalunan yung dalawa na parang bata.

"Hoy Jaymie alalahanin mo yung bata dyan sa tyan mo baka katatalon mo mahulog yan!."

"Sungit talaga ni ate no?"Binaling nya ulit kay Sid yung tingin nya.

"Oo nga hindi naman dating ganyan yan eh."Bah sumagot ang impakto!

"Ikaw kasi kuya eh."Parehas kaming napalingon kay Jaymie?

-"Ha?"Sabay naming nasabi ni Sid.

"Wala hehehe."Bwisit ka Jaymie patay ka sakin mamaya. Isip isip ko.

"Oh paano ahh goodnight na."Parang nahiya pa syang magpaalam samin.May hiya rin pala sya matapos nyang gawin sakin yung ginawa nya kaya ako nakagat ng ahas.

"Goodnight kuya ."Si Jaymie at joe.

"Goodnight.."Ganti naman nya.

"Cindy."Saglit syang napatitig sakin."Goodnight and sorry."Saka nya hinila pasara yung pinto.

"Ayiiiiee ate may something pa!"Hiyaw ni Jaymie.

"Lubayan mo ko Jaymie ha!Kanina ka pa."Inis kong sabi.

"Ate mas bagay talaga kayo."Kinikilig parin.

"Matagal ng tapos yun ok."Napipikon na ko talaga hays!.

"Pero hindi ba may dahilan kaya kayo pinagtagpo ulit malay mo sign yan."

"Sign ka dyan!"Pinakukulo ni Jaymie dugo ko pasalamat sya at buntis sya.

"Ganon daw kapag sya destiny."Kinilig na naman."Si ate lumalovelife na naman ahaha."

"Jaymie!"Warning ko da kanya mg di na magsalita.

"Kaya ayokong mag love life eh ang gugulo ng mga utak ng babae hindi mo alam kung ano o sino talaga yung gusto."Si joe naman na umiiling pa.

"Isa ka pa!Matulog na nga kayong dalawa."Napakamot ng ulo si Joe.

Binuksan ko yung pintuan.

"Nyt ate.Si Joe

"Nyt ate,Basta kayo yung bagay."Si Jaymie.

"Hays!"Saka sila nagtawanan ni Joe.

Mga siraulo talaga.Bakit ba kasi pumunta pa yung Sid na yun dito!Alam pa naman ni Jaymie na sobra kong iniyakan si Sid maliban sa mga naging problema namin sa buhay.

Bumiling ako ng higa.

Bwisit bakit ko ba iniisip yun!

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon