Chapter 12

10K 221 1
                                    

Nagpatuloy lang ako sa paglakad kahit masakit yung paa ko.

"Ano ba bitawan mo nga ako!"Sabi ko sa kanya ng pigilan ako.Pilit kong inaalis yung kamay niya.

"SID ,CINDY!"shit lagot na si Leo!"Ano yung nangyayare dito!"Naabutan n'ya na nakahawak si Sid sa braso ko.Ano yung sasabihin ko shit!Ano yung sasabihin ko!Napipi lang ako na nakatitig sa kanya.

"Ah kuya nilalagyan ko lang ng yelo yung paa niya.Nadulas kasi s'ya sa hagdan kanina eh."Buti nalang nakapag isip agad si Sid.Tumingin sa'kin si Leo.Parang naghihintay ng sagot.

"Oo nga tama.Si Sid kasi ayaw pa akong patayuin.Ang sabi ko kaya ko ng maglakad."Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Kuya ikaw lang yung maglagay sa paa n'ya."Inabot nya yung ice bag kay Leo saka umalis.

Nang makita ni Leo yung paa ko hindi sya pumayag na hindi ako dalhin sa clinic.Ang bilis kasing namaga.

Ilang araw din ako dito sa itaas.Hindi tuloy ako makakaba nakakaboring tuloy.Kaya naisipan ko nalang tawagan yung mga kapatid ko.

"Ate kumusta ka na?Namimiss ka na namin ni Jaymie?"Naradam tuloy ako lungkot ng marinig ko yung boses ni Joe.

"Ayos naman ako dito baka sa isang linggo makauwi ako dyan.Si Jaymie nasaan?

"Nasa kwarto ate eh,natutulog pa."Hay oo nga buntis nga pala sya.

"Gusto mo bang gisingin ko ate?

"Huwag na hayaan mo nalang sya.Huwag mong pababayaan si Jaymie ha alam mo namang-- ."Haist hindi talaga ko sanay tawagin syang buntis.Parang kailan lang kasi ako yung may alaga sa kanya,ngayon naman mag kaka baby na sya.

"Oo naman ate ako muna bahala sa kanya habang nandyan ka.Si bayaw pala nasaan?"Siraulong 'to bayaw ka dyan.

"Hay ewan ko sa'yo basta mag iingat kayong dalawa dyan ha.

Gumaan yung pakiramdam ko ng marinig ko yung boses ng kapatid ko.Sana matapos na'to ng makasama ko na ulit sila.

"Cindy oh bakit ka bumaba?"Si Leo.Sabi nga pala nya hindi muna sya papasok ng ilang araw.

"Naboboring kasi ko sa taas eh."Napakamot ako ng ulo.

"Kamusta na yung paa mo?"

"Ok na siguro,nakakalakad na ko eh."ngumiti sya sakin.

"Mabuti naman bukas nga pala kasal ng anak ni Mang Simon kilala mo na sya di ba?

"Ah oo."Yun ung katiwala nila.

"Kapag ok kana bukas sumama ka samin ni Sid para makadalo tayo."Bakit kasama pa yung impaktong yun haist!

"Oh sige ."

"Cindy" Paalis na sana ko ng bigla nya kong tawagin."Gusto mo bang pumunta sa mga kapatid mo?"Parang lumundag ang puso ko sa tuwa ng marinig ko yun.

"Gustong gusto."Halos maiyak ako ng sabihin ko sa kanya yun.

"Sa sabado puntahan mo sila.Sa lunes ka nalang bumalik dito ipapasundo kita kay Alvin."Pagkasabi nya nun bigla ko syang naakap.Siguro sa sobrang tuwa ko.

"Salamat Leo."Akap ko parin sya.

"Wala yun."hinimas nya yung likod ko.

Hindi ko alam kung gaano yung tinagal ng yakap ko.Napalingon nalang kaming dalawa ng biglang may umubong sunod sunod sa likod namin.Tsssk mukhang kilala ko na.

"Mukang nakakaistorbo yata ako ah."Nakangiti pa syang lumapit samin.

"Ah hindi nag uusap lang kami."Si Leo.

"Ah halata nga eh."Tumingin sya saming dalawa.Damn!Nakaakap pa pala ko kay Leo!Inalis ko agad yung pagkakaakap ko sa kanya.

"May kailangan ka ba?"

"Wala naman paalis na sana ko para bumili ng relago bukas."Ang seryoso ng mukha niya ngayon ah.

"Oo nga pala Cindy gusto mo bang sumama kay Sid para makahanap ka rin ng damit para bukas."Napatingin ako kay Leo.

"Huwag na may damit naman akong dala."Sabi ko nalang at ayokong makasama ko yung impakto mong kapatid.

"Ano kaba pupunta rin tayo sa simbahan maraming tao dun baka sabihin naman ng iba pinababayaan ko yung magiging asawa ko."Kumindat pa sya sakin.Oo nga pala nakalimutan ko kung ano yung ginagampanan ko dito hehe.

"Huwag mo na syang pasamahin kuya alam ko naman yung size ni Cindy eh."Shit! Ano kaya yung ibig niyang sabihin!"

"Paano mo namang nalaman aber?"Si Leo.

"Ah eh magaling ako pag dating sa ganyang sukatan."Tama ba yung nakita ko!Sadibdib ko sya tumingin!BASTOS TALAGA!"Sige kuya pasensya na kayo sa istorbo."Tumingin sya sakin bago sya tumalikod.Sus wa effect ka na sakin Isidro!





My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon