CINDY'S POV
Siguradong walang alam si Leo tungkol sa nakaraan namin ni Sid.Kaya kailangan kong palampasin ang nangyare kagabi.Kailangang makitungo ako sa kanya na parang wala lang.Kung ano man ang nangyare noon tapos na 'yun.
"Sid pwede bang ikaw muna yung bahala kay Cindy."Nagpatuloy s'ya sa pasubo ng pakain.
"Ha bakit?"Tanong ko sa kanya.Nahinto ako sa pagkain.
"Kailangan ko kasing pumunta ng Olonggapo,I'm sure maiinip ka lang dun.
"Sure kuya ako bahala sa kanya."Ngumiti ang impakto.
"Sasama nalang ako sa'yo."Bwisit ayokong maiwan dito.
"Dito ka nalang para malibot mo naman yung buong lugar."Nagsalin s'ya ng tubig sa baso." Babalik din naman ako mamaya."
"Naiinip kasi ko dito eh,sasama nalang ako sa'yo."Pumayag ka na Leo please.
"Maiwan ka na at ipapasyal kita sa pinyahan,I'm sure hindi ka maiinip dun, hindi ba kuya?"
"Oo nga ipatatawag ko rin si Yumi para samahan kayo sa pamamasyal.
"Saka para naman makilala kita Hipag." Saka s'ya ngumiti sa'kin.Hipag your face panget!gusto ko sanag sabihin.
"Oo nga naman."Ngumiti din si Leo.Magkahawig pala silang ngumiti.Bigla ko tuloy napansin.
Alas otso ng umaga umalis na si Leo.Iniwan nga niya ko kaya nagkulong nalang ng kwarto.Tiningnan ko yung oras mag aalas nueve palang.Hays Bakit ba ang bagal ng oras.Tatawag sana ko kay Jaymie ng biglang may kumatok ng ilang beses.Si Nay Perla pala.
"Bakit po Nay?"
"Nandyan na,po si Yumi sa ibaba hinihintay na'po kayo."Bwisit naman tutuloy pala talaga.
"Ah sige po bababa na'ko."
"Nagpalit ako ng damit.Nag t'shirt nalang ako at short.Tutal pinyahan lang naman.Pagkapos kong magbihis mabilis,akong bumaba.Naabutan ko yung babae sa sala.Nakasuot sya ng manipis na spaghetti strap at short?ay hindi kiki short at naka shades pa.
"Hi! Ikaw siguro si Cindy,yumi nga pala."Nilahad n'ya yung kamay niya.
"Hello.."Bati ko naman.
"Ready kana?"Nakangiti pa'rin s'ya sakin.
"Oo.Ngumiti din ako."Ah yung totoo saan tayo pupunta?"
"Sa pinyahan bakit."Sabi lang niya.
"Ah akala ko sa beach."Mahina kong sabi.
"Ano?Sabi niya.
"Wala sabi ko tara na."
Paglabas namin naghihitay na pala si Sid sa labas.Sakay ang 4x4 na wrangler.Sumakay agad si Yumi at umupo sa tabi ni Sid.Salamat at dun sya umupo.
"Yumi dun kana sa likod para ma enjoy naman ni hipag yung magagandang view."Sabi niya kaya lumipat naman si Yumi.Pakiramdam ko nga parang nagdabog pa at tumingin pa sa'kin.Pero dedma sya sa'kin.
Ngiting ngiti ang impakto sa'kin habang nagddrive s'ya.Ilang beses kong nahuling nakatingin sa'kin.Pero hinahayaan ko lang s'ya dahil tinitingnan ko pa yung mga nadadaanan naming pinya.Wow pag nasa malayo ka parang palay lang yung nakatanim .Grabe ang lawak talaga at ang gandan pagmasdan.Napatingin ulit ako sa kanya at hindi na'ko nakatiis ng makita ko kung ano yung tinitingnan n'ya.
"Mukhang ikaw yata ang nag eenjoy sa view ah!"Napatingin s'ya sa'kin."Ano maganda ba?"Ngumiti ako Yung ngiting naiinis.
"Nakaka distract kasi."Saka muli s'yang tumingin sa hita ko.
"Bastos!"Sabi ko sa kanya saka ko sya inirapan.Naalala ko tuloy yung bwisit na past ko!Kapag naka shorts ako lagi niyang kinakagat yung hita ko kasi daw nanggigigil daw s'ya .
Dumirestso kami sa may kubo na napapalibutan ng pinya.Ang daming tao.Siguro sila yung mga trabahador dito.
"Sir tamang tama yung dating n'yo nakaluto na si misis."Bati kay Sid ng isang lalaking naka balanggot.Hindi naman s'ya katandaan.
"Kaya gustong gusto 'kong nagpupunta dito eh."Sabi ni Sid saka siya umakbay sa lalake."Buti sumamang umalis.
"Ma'am ikaw ba si Cindy."Napatingin ako sa sa babaeng may hawak hawak na basahan.
"Opo."Sagot ko na may kasamang tango.
."Tama nga yung sinabi ni sir Sid."Ano kaya yung sinabi ng impaktong 'yun!
"Ano 'yung sinabi niya.?"Nginitian ko s'ya.
"Na artistahin daw kayo sa ganda."Tuwang tuwa niyang sinabi.Buti naman at nagsabi ng totoo yung Isidro na 'yun."Naku kung naglilihi 'ko baka mapaglihan kita".Piniga piga pa n'ya yung pisngi ko.Ha?mapaglihan?Eh mukhang nasa 70 na yata siya kaya pa ba n'yang magbuntis.Isip isip ko.
Ilang minuto ang lumipas may batang babae na tumatakbo papunta sa'min.
"Nay nay.."Kumakaway pa s'ya.
"Oh anak tara dito dali."
"Tingnan mo yung kasama ni kuya Sid mo napakagandang bata."Lumawak ang pagkakangiti ko.
Tinapik ko yung matandang babae sa balikat"Kayo naman 'ho maliit na bagay."
"Girlfriend po ba s'ya ni kuya Sid."Tumitig yung bata sa'kin.At ako na rin yung sumagot sa tanong n'ya.
"Ay naku hindi."Noon pero ngayon never.Isip isip ko.
"Yan nga pala 'yung bunso ko."Sabi niya sakin.Ha?Ano?Nanlaki tuloy yung mata ko sa breaking news na lola haha.
"BUNSO?"Napalakas yata yung pagkasabi ko hehe.
"Pero hindi ko sya anak,iniwan lang sya ng kapitbahay namin ng makapag asawa ng hapon."
"Ah."Nawala tuloy 'yung pagkagulat ko.Akala ko keri pa n'yang magbuntis hahaha.
Inaya nila 'kong sumama para raw mapanuod ko ang pag ani ng pinya.Sumama naman ako para masubukan ko rin.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..