Cindy's POV
Hindi ko na napigilan yung sarili ko.Tumakbo ako para yakapin si Sid ng hindi ko na makayanan yung nakikita ko.Hindi sya lumalaban kahit panay ang suntok ni Leo sa kanya.
"Leo please tama na."Humahagulgol ako sa pag iyak.Habang yakap yakap ko si Sid.
"Cindy umalis ka dyan."Ma otoridad na utos nya sakin.
"Leo nakikiusap ako sayo maawa ka naman kay Sid."Patuloy parin ako sa pag iyak.
Tumawa sya ng pagak."Sabihin mo yung totoo Cindy matagal nyo na ba kong niloloko!Nagtiwala ako sayo!"Halata ang galit sa tono ng boses nya."Porke ba alam mo yung sikreto ko!Kaya mo pinatulan yung kapatid ko ha!"
Pakiramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko nung marinig ko sa kanya yun."Si Sid yung nag iisang lalakeng minahal ko!"Parang bomba na sumabog nalang yung gusto kong sabihin sa kanya matagal na.
"Ano yung ibig mong sabihin?"Biglang bumaba yung tono ng boses nya na may pagtataka.
"A-ako yung babaeng."Napahinto ako."Ako yung babaeng pag bibigyan nya ng sising noon."Muling tumulo yung luha ko.
"What?"Yun lang ang nasabi nya na para bang hindi makapaniwala sa natinig nya.
"Ako yung naging girlfriend nya noon."Pagpapatuloy ko."I'm sorry Leo matagal ko ng gustong aminin sana sayo.Pero naisip ko na itago nalang yun dahil matagal ng tapos yung samin."
Napabuntong hininga si Leo."Wow."Napailing sya at ngumiti ng pilit."Hindi ko nahalata yun ah ang galing nyong magtago."
"I'm sorry hindi ko na sana pinaabot ng ganito."Napayuko ako dahil sa hiya ko sa kanya."Ang dami mo ng naitulong sakin tapos-."Naputol yung sasabihin ko ng bigla syang magsalita.
"Wala naman yun Cindy.Yung sakin lang sana sinabi nyo ng maaga maiintidihan ko naman eh.Kaso lang nagmukha akong tanga.
Tumayo ako para lapitan sya."I'm sorry."Inakap ko sya ng mahigpit.Yun lang tanging magagawa ko ngayon at ang humingi ng tawad.
Nagpaalam ako sa kanya pati sa mga taong tumulong para sa kasal.Si Sid naman hanggang ngayon natutulog pa siguro dahil na rin sa kalasingan.
"Ipadadala ko nalang yung mga dokumento sa lupa pag dating ko ng Maynila."Inakap ko sya."Maraming salamat sa lahat Leo."
"Hayaan mo na yun."Hinawakan nya yung kamay ko.Pinahatid nya kami ni Joe kay Alvin.Auko sanang pumayag pero namilit sya.Sa kabila ng nagawa ko naging mabuti pa rin sya.Papunta na sana ko ng sasakyan ng magsalita sya."Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Sid."Napalingon ako sa sinabi nya.
"Hindi na."Saka ako ngumiti."Salamat ulit."Tango lang lang ang ginanti nya.
Mas mabuti na rin siguro yung nangyare yung ganito.At mas mabuting hindi na rin ako mag paalam sa kanya.Tumutulo ang luha ko habang palabas kami sa gate ng mansion.Mahal ko si Sid pero ang panget na ng mga nangyare.
"Ate."Tawag sakin ni Joe.Inabot nya yung panyo.Inakap ko sya ng mahigpit at nag iiyak lang ako.
"Iyak ka lang ate."Hinimas nya yung likod ko.
----
Sid's POV
Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako at nandito na ko sa kwarto ko.Pinilit kong bumangon.
"Aahh"Reklamo ko ng makaramdam ako ng sakit sa katawan ko at mukha."
Hinimas ko yung pisngi ko.Oo nga pala ginawa nga pala kong punching bag ni kuya.Napabangon ako ng maisip ko yun.Mabilis kong tiningnan yung oras.
"Shit!" Late na ko ng isang oras!Agad akong tumayo para tingnan.
Bakit parang alang tao?Hindi pa kaya tapos ang kasal?Wala na talaga wala na kaming pag asa.Dumiretso ko sa bar para kumuha ng alak.Isa lang ang gusto ko ngayong at yun yung malasing.
"Patron añejo."Binasa ko yung pangalanan ng tequila.Sigurado malalasing na ko dito.Naisip ko na sa pool area nalang ako uminom.Mas ok dun tahimik.Kaya binitbit ko yung tequila kong dala.
Pero napatigil ako sa paglalakad ng may makita kong nakaupo sa may wicker lounge chair.Inaninag ko pang mabuti kung sino yung lalakeng nakaupo.
"Kuya?"Nilapitan ko sya para makasigurado.
"Gising ka na pala."Nakangiting bati nya sakin."Dito ka."
Lumapit naman ako sa kanya at umupo."Ang lakas mo kasing sumuntok eh napahaba tuloy yung tulog ko."Natawa sya ng sabihin ko yun."
"Masakit pa ba.?Tumango lang ako.Tumawa ulit sya.
"Kuya."Lumingon sya sakin habang umiinom ng alak.Umiinom din pala sya.Isip isip ko."Sorry."
"Hayaan mo na yun nangyare na."Ha?hayaan?ganon lang kay kuya parang balewala?
"Ahhmm ."Nag aalangan pa kong itanong kung nasaan si Cindy."Ahhmm."
"Nakaalis na sya kanina pa."Diretsong sabi nya.Nahalata nya sigurong si Cindy yung itatanong ko sa kanya.
"Nakaalis?"Pag uulit ko sa sinabi nya.
"Oo kanina pa habang natutulog ka."Parang ang relax lang ni kuya.
"Saan nagpunta?Paano yung kasal nyo?"Magkasunod kong tanong.
Napangiti sya."Umuwi na."Saglit syang napahinto."Hindi natuloy yung kasal namin."Hindi ko alam kung matutuwa ako o dapat kong sisihin ang sarili ko sa nangyare.Kasalanan ko to.Napahawak ang ng mahigpit sa tequila glass na hawak ko.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..