Chapter 27

8.6K 184 4
                                    

"Oh buti naman at naman at naisipan mo pang umuwi!"Galit na sabi ni Leo ng maabutan namin  si Sid sa may sala.

"Marami lang akong inasikaso."Nakatingin sya sa magazine na parang wala sa loob yung sinabi.

"Wow gaano ka importante ba yun ha mas inportante pa ba sa kasal ko!"Tumaas ang boses ni Leo sabay hila sa may magazine na hawak ni Sid."And look at you pati sarili mo pinabayaan mo na."Oo nga ilang araw lang syang wala bakit parang tinubuan agad sya ng bigote at balbas parang ewan lang.

"Ok i'm sorry babawi ako."Tumayo sya at ngumiti ng pilit."Sige ligo lang ako."

"Tssk!"Hinagis ni Leo yung magazine sa sahig.Alam kong pigil na pigil yung galit nya kay Sid mula nung isang araw pa.Ilang araw kasi syang nawala hindi man lang sya naka attend kahit isang beses sa wedding rehearsal namin.

--------

Umaga palang pinatawag na ni Leo yung ilang tauhan sa hacienda para tumulong para sa mga aayusin para sa kasal namin.Dalawang araw nalang kasi bibitayin na ko i mean ikakasal hehe.
Isa isa na kasing nagdatingan yung mga gamit kumpleto na rin yung mga mesa at upuan.Sa luwang naman kasi ng lupain nila kahit sabay sabay na kasal pwede.Tapos na rin yung mga seminar namin.May wedding singer na rin kaming nakuha.Hay..Handa na ang lahat pero ako yata hindi pa.

"Cindy."Muntik na kong mapalundag ng magulat ako sa pagtawag ni Leo.Natawa sya ng makita yung reaksyon ko."Ang lalim nyan ah."Biro nya sakin.

"Hindi naman iniisip ko lang kung papupuntahin ko pa yung mga kapatid ko."Mahina kong tugon sa kanya.

"Dapat nga ngayon palang nandito na sila eh bukas ipapasundo ko sila kay Alvin."

"Si joe nalang siguro ang papupuntahin ko alam mo naman yung kalagayan ni Jaymie diba?

"Yeah."Tipid na tugon nya.

"Saka masyadong bongga naman kasi yung kasal na gusto mo.Hindi naman kailangan yun."

Tipid yung ngiti nya."Bakit dahil hindi din tayo magtatagal."Nagbuntong hininga sya."We can do this ok."Natawa ulit sya."Yan ba yung iniisip mo kanina pa?

Tango lang ang naisagot ko sa kanya.

"Let's go outside."Inilahad nya yung kamay nya para abutin ko."Nagkakasiyahan sila dun."Kinuha ko naman yung kamay nya.

Naabutan namin na nag iinuman sila mang Nilo at ilang tauhan sa may beranda kasama si Sid.

"Ay Sir Ma'am Cindy ."Mabilis na tumayo si mang nilo at nagsunuran din yung ibang kasama nya.

"Ayan na pala yung bride at groom."Si Sid."Let's have a toast."Tinaas nya yung basong hawak nya."Kanpai."Habol pa nya.

"Kanpai."Halos sabay sabay sila pati pagkakadikit yung mga baso nila.

Haist!Ayan na naman sya!

"Sir heto po."Tumayo yung isang lalake at binigay yung dalawang upuan samin ni Leo.

"Salamat Gorio."

May isang oras palang kaming nakaharap ni Leo sa kanila pero pakiramdam ko lasing na si Sid.Iba  na kasi yung pungay ng mata nya pati yung pagsasalita nya.

"Para sa malapit ng ikasal."Tinaas na naman yung baso."Kuya para sayo to."Ngumiti naman si Leo."Mahal na mahal kita kuya sana maging masaya ka."Napangiti ako sa sinabi niya syiempre kahit magkapatid sila medyo awkward yung magsabi ng ganon hehe."At sayo Cindy tandaan mo mahal na mahal kita."Biglang nawala yung ngiti sa mukha ko ng yun ang sabihin nya.Sunod sunod ang pag lunok na ginawa ko.Sid ano ba yang sinasabi mo!!!Gusto kong sabihin sa kanya kaya tinitigan ko sya ng masama."Syiempre magiging magkapatid na tayo."Pagbabawi nya.Bigla bumalik yung kulay ng mukha ko.Kung minsan kinakabahan talaga ko sa mga pinagsasabi niya haist!Aminin ko na kaya kay Leo bago kami ikasal?

Pagkatapos namin ay sabay sabay na kaming pumasok sa loob.Papasok na sana si Leo sa loob ng kwarto nya ng tawagin sya ni Sid.

"Kuya may ibibigay nga pala ko sayo."Ang pungay na talaga ng mata niya parang madikit lang sa kama makakatulog agad."It's a wedding present actually."Tipid na ngiti ang ginawa nya.

"Wow."Nakita kong nagulat si Leo sa sinabi ni Sid at sigurado ang masaya sya sa sinabi ng kapatid.

"Kunin ko lang."Saka sya pumasok ng kwarto.Ngayon naman okay ang mood niya may gift pa sya kay Leo.Hay Sid kung alam mo lang yung totoo.

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon