Chapter 17

9.3K 211 3
                                    

"Cindy!"Malakas na tawag sakin ni tsang Myrna ng makita ko sa pintuan ng bahay nila.Tumakbo sya palapit sakin.

"Tsang kumusta."Inakap nya ko.

"Grabe kang bata ka lalo kang gumanda."Hinampas nya ko sa balikat."Mag iisang bwan ka palang na umalis para kanang artista."Napatawa ko sa sinabi nya.Inalis nya yung pagkakaakap sakin.

"Tsang talaga oh."Sabi ko nalang sa kanya.

"O nasaan na yung mapapangasawa mo?"Sinenyasan nya ko para umupo rin sa tabi nya.

"Nasa meeting po eh."Tipid kong sagot.

"Kung ako sayo totohanin mo na yan Cindy aba'y maswerte ka na kung nagtaon."

"Tsang naman may usapan na po kami don at hanggang dun lang yun."

"Ang sabi ni Madel gwapo raw yung amo nyang yun."Ngumiti lang ako sa kanya.Hay kung alam mo lang tyang isip isip ko.

"Nasaan nga po pala sya?"

"Pinabili lang ng tsong mo ng pulutan."Hay oo nga pala mag aalas kwatro na may inuman session na naman sila."O kailan ang balik nyo ng mapapangasawa mo sa mansion nya?"

"Baka bukas din po."Ngumiti ako sa kanya."Sumabay lang ako sa kanya para mabisita ko yung mga kapatid ko saka po kayo.

"O ayan na pala."Ngumuso sya para ituro si Madel na kadadating lang.

"Akala ko hindi ka na pupunta eh."Nakangiting sabi ni Madel sakin.

"Pwede ba namang hindi."

"Mag inuman tayo mamaya ha."Bulong nya sakin."Dun tayo sa inyo."Pahabol pa nya.Tumango naman ako.

-

Sid's POV

"Sigurado ka ba sa impormasyon mong yan?"Paninigurado ko sa kanya.

"Opo boss sure na sure ako."

"Sige baka may malaman ka pang iba ireport mo agad sakin."Pag katapos nun ay binalibag ko yung phone ko sa kama at nahiga.

"Ano yung plano mo Cindy!Ano yung plano mo kay kuya!"Mahina kong sabi.Inis na inis ako sa nalaman ko!Kailangang malaman ko ang lahat lahat!Kung paano mo nakilala si kuya!Hindi ganyan ang pagkakakilala ko noon sayo.




-

Cindy's POV


"WHAAAAAAATTT!!" Malakas na sigaw ni Madel ng sabihin ko kung ank talaga si Leo.Nanlaki talaga yung mata nya sobra."Trulabels?"Pahabol pa nya.Habang nakasalampak kaming dalawa sa may semento.

Sa kwarto nalang kami uminom na dalawa.Ok naman tong apartment up and down sya at may tatlong kwarto sakto saming magkakapatid.

"Oo nga."Saka ako tumunga ng san mig light.

"Kaya pala walang appeal yung mga girls sa kanya kahit gaano kaganda."Tumungga din sya ng alak.

"Hoy ikaw lagot ka sakin pag nakalat yan sa office nyo.Ikaw lang ang sinabihan ko nyan."Tumayo ako para buksan yung bintana.Masarap din pala kapag nasa itaas ka minsan lalo na kung tanaw mo yung ibaba.Isip isip ko.

"Nuh kaba kailan ba ko naging madaldal."Sabagay hindi naman sya madaldal kaya nga nasasabi ko sa kanya yung mga nangyayare sakin.

"May mas grabe pa dun."Tumitig ako sa kanya.Kaya nilaki na naman nya yung mata nya.

"O M G."Pantig nyang sabi."Huwag mong sabihing?"Pambibitin nya."Huwag mo sabihing buntis ka at sya ang ama?"

Hinagis ko sa kanya yung chippy na hawak ko."Luka luka."Sabi ko sa kanya.Saka kami nagtawanan.

"E ano?"

"Natatandaan mo ba si Sid?Yung naging boyfriend ko noon?"

"Oo naman no!One and only boyfriend mo yun bat di ko matatandaan."

"Ex."Pagtatama ko."Sya yung kapatid ni Leo."

O M G!Malakas nyang sigaw as in sobrang lakas talaga.Tinakpan ko yung bibig nya.

"Huwag ka ngang maingay at baka magising pa sila Jaymie."Saway ko sa kanya.Daig pa namin yung mga lasenggo sa kanto sa ingay niya.Isang bote palang naman yung naiinom namin haha.

"Seryoso?"Nanlaki na naman yung mata nya.

"Hindi joke lang yun."Pamimilosopo ko.

"Yung totoo nga kasi!"Napakamot pa sya sa ulo.

"Totoo nga yun hmmp!Huwag mo na ngang nilalaki yung mata mo at natatakot ako."

Natawa sya."Normal sakin yan kapag nabibigla."Nagtawanan ulit kami."So ano yung naging reaksyon mo pati nya ng magkita kayo?"

Nagbuntong hininga ko."Haayy."Nasabi ko nalang.

Pero hindi nya ko tinigilan pinakwento parin nya yung mga nangyare samin.

"Shit insan ang hirap ng sitwasyon mo."

"Sinabi mo pa."Tumungga ulit ako ng alak.Madalang lang ako uminom talaga at isang bote lang kalimitan.

"So sa mansion dalawa yung lover mo?"Saka sya tumawa.

"Lover ka dyan.!"

"Buti hindi kayo nahahalata ni Leo."

Napabuntong hininga na naman ako.Naalala ko kasi na babalik na nga pala kami ulit bukas don.Sana lang maging maayos yung lahat.

My Ex Next Door (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon