"Siguraduhin mo lang Harrold na hindi ka gagawa ng eksena pag nakita mo sila ha."Warning ko sa kanya habang nasa sasakyan kami papuntang bahay namin.Sa kotse ko na sya pinasakay para makausap ko rin sya ng sarilinan.
"Oo naman no,Bakit hindi nyo nalang aminin kasi kay kuya Leo na may past kayo ng future wife nya."Patuloy sya sa pag sisigarilyo nya.
"Ayos na yung ganito ng wala ng gulo."Niliko ko yung manibela para makapasok ng gate."At isa pa matagal na yun wala na yun."
Napangiti sya."Sa kanya siguro wala na kasi magpapakasal na nga sya sa kuya mo ang tanong ko ikaw ba naka move on na?"Saglit akong natahimik.
"Tol hindi na mahalaga yun ok."
"Tssk!Tol ikaw ang mahihirapan nyan!Nakikita mo nga yung babaeng pinakamamahal mo e wala naman sya sayo!"Itinapon nya yung sigarilyo"Ok sana kung ibang tao yung papakasalan nya eh!Tol kuya mo yun kuya mo!"Dagdag pa nya .
"Tama na ok!"Napikon na talaga ko sa sinabi nya.Alam ko naman na tama sya sa sinasabi nya pero ano ba yung magagawa ko!Nagpatuloy na 'ko sa pagdadrive ng bumukas yung gate.
Hindi na sya muling nagsalita .
Pagdating namin dun may ilan ng mga tao na nag aayos ng mesa.Halos isang oras ding inayos para makumpleto yung mini stage para sa banda ni Harrold.
*****
Cindy's POV
"Ah maraming salamat po at pumunta kayo sa anniversary nila papa at mama.Kahit wala na sila alam kong masaya sila at magkasama.Ma 'Pa para sa inyo yung gabing 'to".Pagkatapos magsalita ni Leo nagsimula ng tumugtog yung banda.
Tama nga si Leo hindi ganoon karami yung bisita.Yung mga close lang sa pamilya nila yung mga dumating at ilang mga tauhan nila.Parang wala pang thirty yung tao sa tantya ko.
Nakakalibang din palang manood ng banda.Hindi kasi ko mahilig manood ng concert noon kahit nung nag aaral pa ko.
"Ah tinatawag ko nga pala yung gwapo kong pinsan katulad ko."Sabi ng vocalist ng banda.Pinakilala na sya ni Leo sakin kanina pinsan daw nila."Sid."Sumenyas si Sid na ayaw nya."Sid nag iintay na yung mic sayo oh."Nakangiting sabi nya.
"Sid tayo na."Sabi ng isang lalake.
"Oo nga tayo na."Sabi pa ng isa.
Napakamot sya ng ulo saka tumayo.
"Siguro hindi alam ng marami na naging bokalista rin yan sa cr nga lang."Nagtawanan naman yung mga tao.
Pagkapanik ni Sid sa mini stage.
"Tol anong song?Tanong ng Harrold sa kanya hawak parin yung mic.
"Kahit ano."Sagot ni Sid.
"Oh diba?Ready sya sa kahit na anong song."Talaga lang ha isip isip ko."Bakit hindi natin pasayawin yung malapit ng ikasal dyan."Napalunok naman akong bigla ng magtinginan yung tao samin ni Leo.
Si Leo naman agad tumayo at nilapitan ako.
Inilahad nya yung kamay nya sakin."Pagbigyan na natin."Saka sya ngumiti.Tumayo nalang ako kahit napipilitan.
Nang nasa gitna na kami nag umpisa ng tumugtog ng gitara si Harrold nakita ko pa sya na bumulong Sid.
NOW PLAYING:
When I was your man.
Nag simulang hawakan ni Leo yung bewang ko.Kaya humawak na rin ako sa balikat nya.
Same bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the same
When our friends talk about you, all it does is just tear me ...down
Cause my heart breaks a little when I hear your name..Shit!!Kahit hindi ako mahilig manood ng concert at mga live band nakikinig parin naman ako ng music!
It all just sounds like oooooh…
Mmm, too young, too dumb to realize
That I should've bought you flowers
And held your hand...Medyo nanginginig pa yung boses ni Sid sa pagkanta!Ako nanginginig yung katawan ko sa inis!Sigurado sinasadya nya 'to.
Should've gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every party
'Cause all you wanted to do was dance..Napatingin ako kay Leo na parang walang kaalam alam sa nangyayare.Siguro wala lang sa kanya yung kanta.Pero sakin meron!
Now my baby's dancing
But she's dancing with another man..Napatingin ako sa kanya ng banggitin nya yung linyang yun.Nakatingin sya samin ni Leo.
Although it hurts
I'll be the first to say that I was wrong
Oh, I know I'm probably much too late
To try and apologize for my mistakes
But I just want you to knowI hope he buys you flowers
I hope he holds your hand
Give you all his hours
When he has the chance
Take you to every party
'Cause I remember how much you loved to dance
Do all the things I should have done
When I was your man
Do all the things I should have done
When I was your man..Shit!Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko nasasaktan ko sya!Ni hindi ko na naririnig yung kanta sa dami ng tumatakbo sa isip ko hanggang matapos yun.Pakiramdam ko gusto nya kong pahirapan.Sid ano ba yung ginagawa mo.
PLEASE LIKE AND FOLLOW...
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
Roman d'amourLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..