Maaga kaming gumayak para makadalo ng kasal.Suot ko yung binili sakin ni Sid na coral pink dress infairness sakto nga sa'kin yung size kaso parang pang sossy at ang baba ng neckline kapag yumuko ako sigurado may luluwa sa dibdib ko.Paano kaya niya nalaman yung sukat ko.Medyo payat naman ako noon.
"Wow you look stunning."Bati sakin ni Leo.
"Salamat."Nag blush tuloy ako.Kasi naman lumutang lalo yung kaputian ko dito haist.
Nang papunta na kami sa loob ng simbahan naglingunan silang lahat.Feeling ko tuloy ako yung ikakasal haha.Si Leo naman hinawakan yung braso ko para alalayan.
"Smile."Sabi niya sakin.Kaya nag smile naman ako.Ang layo pa ng lalakaran namin sa gawing harapan pala kami uupo.
Nang malapit na kami natanaw ko yung isang lalake na paharap samin.Sa kanya lang ako nakatingin habang naglalakad.
SHIT!Hindi naman ako yung ikakasal bakit ganito yung kaba ko at isa pa hindi ko pinangarap na sa kanya ikasal never!!!
Nakatitig lang sakin si Sid habang papalapit kami ni Leo at iniwas ko nalang bigla yung mata ko ng hindi na kaya ng powers ko yung nararamdaman ko.Siguro dahil nasa simbahan lang kami kaya ganon.Tama kaya Cindy tumigil ka ha!Saway ko sa sarili ko.
Pagkatapos ng kasal dumiretso kami sa restaurant regalo pala ni Sid at Leo sa mag asawa yun.Pero ang sabi ni Mang Simon pumunta din daw kami sa bahay nila mamayang gabi at may konting salo salo pa rin daw sa kanila.Nahihiya daw siya sa dalawa dahil sila yung sumagot sa restaurant.
"Uy sir mabuti nakarating kayo akala namin iindyanin niyo kami eh."Sinalubong kami ni mang Simon.
"Pwede ba naman yun ano ba yung hinanda nyong pulutan."Si Sid na umakbay pa kay mang Simon.Pulutan?
"Abay marami tara na't ng makapag umpisa na ta'yo."Naku inuman yata ito ah.
"Kuya Nilo mukang lasing kana ah."Tinapik pa niya sa kuya Nilo.Infairness friendly pala sya pero si Leo parang hindi gaano nag sasalita.
"Hindi naman sir kakaumpisa lang."Ngumiti sya."Bah kasama mo pala si tisay ah."Natawa tuloy ako naallaa ko yung mga manginginom samin yan din ang tawag.
"Oo pinilit ko sila ni kuya."Sinungaling talaga namang pupunta kami ni Leo eh.
"Hi !Sid alam mo bang kanina pa kita inaantay."Tsssk kailangan bang idikit dikit pa niya yung katawan niya.Grabe talaga 'tong si Yumi si Sid naman parang galak na galak sa ginagawa ng maharot na babaeng yun.
Pagkatapos naming kumain pinaupo nga kami sa mga nag iinuman.Hinanap ng mata ko si Leo bigla kasing nawala busy pala sa caller niya.
"Ah mang simon kailangan ko na palang umuwi may biglaang meeting kasi kami bukas ng maaga eh."
"O sige sir salamat ulit."
"Cindy lets go."Patayo na sana ko.
"Sir iwan n'yo na si Ma'am nandyan naman si sir Sid eh."Si mang Simon.
Wag kang pumayag Leo please.
"O sige po,Cindy kay Sid kana sumabay ha."
"Inaantok na rin kasi ako eh."Sabi ko sa kanya.
"Hay ma'am sige na mag paiwan kana minsan ka lang namin makaharap eh para marinig naman namin uung boses mo.Yung asawa ni mang simon.May videoke kasi silang inarkila.
"Sya nga naman ma'am.Si kuya Nilo.Wala akong nagawa kung hindi mag paiwan.
Pagkalipas ng dalawang oras....
8:30 pm
(YUMI V2.0) Videoke
You're so fine
And you're mine
I'll be yours
'Till the end of time
'Cause you made me feel
Yeah, you made me feel
I've nothing to hideLike a virgin, hey
Touched for the very first time
Like a virgin
With your heartbeat
Next to mine...
Oh my god!!Nasabi ko nalang ng makita ko si Yumi na nagsasayaw na parang inaakit si Sid.Napanganga nalang ako sa kanya.
10:39 pm
(SID V3.0) VIDEOKE (Magkakahawak sila lahat ng kamay maliban sakin.)
Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas...
Nag palakpakan silang lahat.
"Sir ang galing mo talaga!si Mang Simon.
Sid nakakainlove ka !Si Yumi.
11:05 PM &*?@#&!!@ 😖😖😖
Sayang na sayang talaga
Dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga
Pagmamahal na di ko makakamtan sa iyo.
Pagkatapos kong kumanta napatingin ako sa kanilang lahat.Lahat sila nakatahimik at nakatingin lang sakin.
"Sorry na carried away"Sabi ko sa kanila.Bigla tuloy akong namula.
"Whooooaaahh ang galing ni Ma'am!!Nag hiyawan silang lahat.Shit bakit ba ko napakanta!Alam ko namang di maganda yung boses ko.Hays hayaan ko na nga mga lasing naman yung kaharap ko.
Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos.Pinagkape muna kami ni Mang Simon bago umuwi.
Nagkasabay kami ni Sid paakyat dedma na sya sakin at antok na antok na ko at isa pa nahihilo na talaga ko.
"Goodnight."Shit nakalapit pala sya sakin.
Nig--?#£&#$
Napadilat ako sa ginagawa nyang paghalik sakin.Shit! Bakit ako nakikipag halikan sa kanya. Pakiramdam ko nadadala ko sa ginagawa niyang pag halik sakin at lumalaban ako?Isinandal nya ko sa pader at nagpatuloy sya sa paghalik sakin hanggang naramdamna ko yung kamay nya kung nasaan.
Bigla ko syang tinulak ng malakas.Nakita kong nakatitig sya sakin at mabilis ang paghinga.
"Cindy."Pero hindi ko pinansin yung tawag niya at mabilis kong sinara yung pinto.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomansaLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..