Upo tayo ang ginawa ko pagkapasok ko ng kwarto.Hindi ko alam kung tama ito pero ilang beses din akong nag isip at desidido na'ko!
Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ko sa tapat ng pinto ni Leo.Eto na Cindy kaya mo yan.Ilang katok din ang ginawa ko bago nya buksan ang pinto.
Bumungad sakin ang mukha ni Leo na para bang nagulat sya na ako ang nasa harapan niya.Ilang buntong hininga din yung ginawa ko.Bago ako humakbang papasok ng kwarto nya.
"Wow first time mo'kong dinalaw ng kwarto ko ah."Pano ko ba sisimulan!Haiist.
"Leo."Hindi ko alam kung ano yung kasunod ng pagbanggit ko ng pangalan nya.Cindy magsalita ka naman!Utos ko sa sarili ko.
"Mukang importante yan ah."Umupo sya sa kama."Tell me"Malumanay nyang sabi sakin.
"Leo "Napayuko ako at nagbuntong hininga muna ko para makaipon ng lakas ng loob."Hindi ko kayang ipagpatuloy 'to."Nakatitig lang sya at hindi nagsalita."Nahihirapan ako,akala ko nung una madali lang kaso --..
"Sabihin mo sakin kung ano talaga yung dahilan mo.Siguradong mahalaga yan."Seryoso yung tinig nya.Paano ko ba to sisimulan haist!
"Hindi ko alam basta nahihirapan ako.Ibabalik ko lahat ng naitulong mo sakin."Yun nalang ang naisip kong dahilan para wala ng mahabang paliwanagan.
"Akala ko ba kailangan mong maibalik yung bahay nyo.Pero bakit biglang nagbago nalang yung isip mo?"Ano ba yung sasabihin ko letche!
"Alam kong kasunduan lang 'to pero kasal parin yun Leo,I'm sorry."Hinawakan ko sya sa kamay at tumalikod ako pagkatapos.Alam kong mali yung ginawa ko pero mas mali kung magpapatuloy ako sa ganitong kasinungalingan.
Hinawakan ko ang door knob para buksan ang pinto para lumabas ng kwarto nya.
"I'm gay."Nanlaki yung mata ko at agad kong binaling yung tingin ko sa kanya.
"Ha?"Gulantang na sagot ko.Totoo ba yung narinig ko?
"I'm gay yan ang dahilan kaya hindi ko kayang magpakasal sa babae noon."Grabe seryoso yata talaga sya.
"A-alam ba ni Sid yan?"Utal kong sabi.Umiling lang sya.
"Yan ang dahilan kaya ganon yung ginawa ni Papa sa last will and testament nya."Saglit syang huminto."Nahuli nya ko noon na may kahalikang lalake kaya isang araw kinausap nya ko ang sabi nya kailangang mag asawa ko bago mag 35 para magkaroon ako ng karapatan sa lahat."Nag fake smile sya."Ang sabi nya kung si Sid nauubos ang pera sa walang kwentang bagay parehas lang daw kami,dahil ako raw baka maubos naman sa panlalalake."Napayuko sya na akmang iiyak.Nilapitan ko sya."I really need your help".Hinawakan nya yung kamay ko."Hindi naman para sakin ang ginagawa ko kundi para saming magkapatid ayokong masayang lang yung pinaghirapan ng mga mgulng namin."
Hindi ko alam pero nung oras na yun naawa ako sa kanya.Wala akong nagawa kundi ang pumayag.Ano ba 'tong napasok ko.Marami syang nasabi sakin at sapat na yun para pumayag ako.
Tutal wala namang mawawala sakin kasi hindi naman sya totoong lalake.Ang problema ko lang yung kapatid nya haist!
-
Sobra yung sayang naramdaman ko nung dumating yung araw na'to.Maaga akong nagising pangako ni Leo na dadalawin ko yung mga kapatid ko ngayong sabado.
"Ready kana?"Tanong sakin ni Leo na mukang handa na rin sa pag alis.Sasama din syang pumunta ng Maynila may kailangan daw kasi syang asikasuhin.Siguro didiretso na sya hotel nila naka business suit kasi sya.Nakakaalangan tuloy tumabi haha.
"Oo sobra."Masayang sagot ko sa kanya.Hindi na ko nagdala ng mga damit.Marami naman akong damit samin.
"Lets go."Maluwang ang ngiti nya.Kinuha nya yung kamay ko para ilagay sa braso nya.May ganon?Haha.Kung hindi sya umamin nung isang gabi hindi ko sya pag iisiapan na bading sya.Lalakeng lalake kasi syang manamit.Sobrang neat pa.
"After you."Binuksan nya yung pintuan ng kotse para papasukin muna ko.
"Wow."Sabi ko nalang.
"Kailangan eh."Saka sya tumawa.Siguro nagets nya yung pagka sabi ko ng wow."Nandyan yung kapatid ko sa gilid."Tssk I'm sure binabantayan nya kaming dalawa.
Pagkapasok namin ng kotse nagtawanan kaming dalawa.Natigil lang yun nung napatingin samin yung driver nya.
"Sir aalis na ba tayo?"Lumingon sya saming dalawa.
"Bakit ayaw mo pa bang umalis?Sabihin mo lang ng maiwan kana."Napatawa ko ng malakas.May side din pala syang ganon haha.Akala ko lagi syang seryoso.
"Sir naman."Sagot lang ni Alvin.
"Tara at baka malate pa'ko.
Mula ng umamin si Leo sa'kin lalong naging palagay yung loob ko sa kanya.Wala na kasi yung malisya at hindi na ko naiilang kapag hahawakan nya yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door (COMPLETED)
RomanceLahat ng trabaho ay handang pasukin ni Cindy para lang maibalik sa kanila ang nag iisang bahay na naiwan ng kanilang magulang. Handa ka bang makasama ang dati mong minahal sa iisang bubong kapalit ng bahay na pangarap mong muling maging sa'yo..