Chapter Fourteen

867 8 1
                                    

Carla's POV

May narinig kaming nabasag sa loob ng kwarto ni Chuck. Tumakbo naman ako agad para tignan kung anong nangyari sa kanya.

Nakita kong dumugo-dugo ang kanang kamay niya agad kong pinunas ang panyo ko at diniin sa kamay niya para tumigil ito sa pagdaloy ng dugo.

"Lumabas muna kayo gusto kong mapag isa." Tinignan niya si Nate.

"Anong lalabas. Gagamotin ko yang sugat mo. Ano ba kasing nangyari at bat nabasag yang lamesa." Binasa ko sa banyo ang panyo ko at pupunasan ko na sana ulit ang kamay niya ng bigla siyang tumayo at sumigaw.

"Sabi na ngang lumabas na kayo e! Dimo ba narinig yon Carla?" Anong problema nito at bakit siya galit. Kung galit parin siya dahil sa ginawa kung pag set up sa kanila ng mama niya nag sorry na naman ako ng maramin beses a. Pero matigas e.

"Ano bang problema mo?! Sabi ko na ngang gagamutin ko yang sugat mo!" Sinisigawan ko na siya, at ba kasi pinagtatabuyan niya ako.

"Lumabas ka muna Carla. Hindi kita kailangan." Grabe naman kung makapag salita to e kung palayasin ko kaya siya dito sa unit ko. "Angel you stay." At talagang si Angel pa ang pinili niya a. Nakakainis. Ako tong unang tumulong e.

"Oh ayan! Gamutin mo sarili mo! Pasalamat ka concern ako sayo!" binato ko ang panyo ko sa mukha niya. Nakakainis talaga. At lumabas na ako sa kwarto niya. Magsama sila ng girlfriend niya.

"Chill ka lang Carla. Magkaka wrinkles ka niyan." Upakan ko kaya tong si Nate. Paano ako mag chi-chill eh sinsigawan ako Chuck. Ngayon palang niya ako sinigawan a simula nung nagkakilala kami.

"Eh nakakainis yang kaibagan mo e. Abot langit ang pride di ko abot! Nag sorry na nga ako!" Kumukulo na talaga ang dugo. Sumisigaw na ako.

"Paalala ko lang bestfriend mo rin siya. Kaya hayaan mo na natin siya mabigat yong problema niya. At tsaka wag kang sumigaw." Nakakainis na e. isang linggo ko ng linamlambing para lang pansinin ako pero wala paring epek. Kung papalayasin ko naman mas lalong hindi kami magbabati.

"Ang unfair naman ata, ikaw napatawad ka na niya ako hindi pa! Ayaw ba niya yong ginawa ko? Pinag aayos ko sila ng mama niya. E uhaw na uhaw siya ng nanay e!" ginawa ko lang naman yun para maging masaya na siya. Dahil ever since naghahanap siya nang pagmamahal ng isang ina. Kasi si tito bart sobrang busy sa work wala ng oras sa sarili sa anak pa kaya.

"Kaya nga hayaann muna natin siya. Baka di pa naka move on sa nangyari." Ewan ko dito kay Nate. Ayokong nakikita kung malungkot o nasasaktan ang bestfriend ko.

"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko na siya at pumunta ng kwarto at binalibag kong sinara ang pinto. Naiinis na talaga ako. Umabot na hanggang langit ang boiling point ko. Kainis talaga.

Angel's POV

"Ano ba kasing nangyari Chuck bat nabasag yang table mo?" Habang nilalagyan ng bandage ang kamay niya.

"Natapilok ako at bumagsak ang kamay ko sa mesa. Malakas ang pagbagsak nito kaya nabasag. Bitawan mo na ako na mag ayos ng bandage." At inayos na niya ang bandage sa kamay niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya. Bakit kaya niya pinagtatabuyan si Carla kanina. At nasigawan pa niya ito. Eh sa pagkakaalam ko never pa niya nasigawan si Carla ng ganun. Galit pa rin ba siya kay Carla? Matagal narin yon at at maraming beses na ring nag aorry ai Carla. At okay narin naman sila ni Nate. Si Carla pa kaya.

"Chuck, ba't mo sinigawan si Carla? Galit ka parin ba sa kanya?." Nagulat siya sa pagtatanong ko sa kanya.

"Nasigawan ko ba siya? Hindi ako galit sa kanya may mga bagay lang akong iniiwasan at ayaw kong maala. Kasi sa tuwing nakikita ko siya may naalala ako." Umupo ako sa tabi niya.

"Oo nasigawan mo siya. Nagulat nga ako e. amg lakas ng pagkasigaw mo. " at niyakap ko siya. Ang maga kamay ko naka pulipot sa leeg niya. Niyakap ko siya sa likod.

"Chuck, patawarin mo na si Carla. Para sayo rin naman yong ginawa niya e. Mahal ka niya kaya niya ginawa yon." Huminga siya ng malalim at hinawakan ang mga kamay ko at humarap siya sakin.

"Oo patayawarin ko na siya pero wag muna ngayon." At hinalikan niya ako sa labi. Pero smack lang. "Tulog na tayo alam kong pagod ka." Tumango lang ako. At humiga na kami. Niyakap niya ako at pimikit na siya.

------

A/N:

Sana nagustuhan niyo ang chapter na to.

Wag po kayong mag alala. Everyday po akong mag u-update para di po matagal ang pag hihintay niyo. :))

God bless po. :)

My Boy BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon