(Daniel's POV)
---RING---
Yes! Lunch break na.
Grabe. Kanina pa kumukulo yung tiyan ko. -___-
Kinuha ko na agad yung bag ko at lumabas na ng room. Pumunta ako sa locker ni Julia, dun kasi kami lagi nagkikita for lunch.
Huh? Bakit wala? Asan kaya yun?
Text ko na nga lang.
-------------------------------------
To: Bebe Juls :D
JULIAAAAA! Gutom na ako! Asan ka? Kain na tayo! Pleasee! :3
-------------------------------------
Sumandal ako sa locker ni Juls habang hinihintay ang reply nya.
Uy! Yan na pala.
-------------------------------------
From: Bebe Juls :D
Mauna ka na. Dito ako sa library, madami pa akong ginagawa.
-------------------------------------
To: Bebe Juls :D
Huh? Di ka kakain?
-------------------------------------
From: Bebe Juls :D
Mamaya na. Kailangan ko pa tapusin itong ginagawa ko.
-------------------------------------
To: Bebe Juls :D
Ehhh. Kumain ka na. Gusto ko sabay tayo. :(
-------------------------------------
From: Bebe Juls :D
Mauna ka na sabi. Ang kulit >.< Madami pa akong ginagawa.
-------------------------------------
To: Bebe Juls :D
Ala. Baka magka-ulcer ka pa nyan. Dalhan na lang kita ng pagkain, ha? Hintayin mo na lang ako dyan. :))
-------------------------------------
From: Bebe Juls :D
Bahala ka. :P
-------------------------------------
Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at pumunta na sa canteen.
"DJ!"
Lumingon ako at nakita ko si Kath. Ngumiti ako, "Hi Kath!"
"Hi." ngumiti din sya tapos napatingin sa tray ko. "Kakain ka na pala. Sabay na tayo."
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?