Chapter 12: Friend or Foe?

2.8K 53 8
                                    

Guys! Bago kayo magbasa, pwede ba pa-VOTE muna, please? :) Feeling ko kasi konti lang talaga yung nag-vovote :3 Kahit panget yung update ko, please po, VOTE pa rin kayo xD #LOL. Thank you :*

----------------------------------------------

(Julia's POV)

"Julia?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na kilalang-kilala ko na. Lumingon ako nang dahan-dahan at nakita siyang nakatayo sa likod ko.

Seryoso yung mukha niya pero alam kong gustong-gusto niyang ngumiti.

Napabuntong hininga ako bago umikot para makaharap siya. Nag-take siya ng isang step papalapit sa akin at itinaas ko agad ang kamay ko para pigilan siya. "Please, wag ka lumapit." sabi ko sa kanya na nakasimangot at halos magkadikit ang dalawa kong kilay.

Nawala yung seriousness sa mukha niya. "Bakit naman?" tanong niya habang nakangiti siya na parang natutuwa pa sa reaction ko.

Umiling ako at tumalikod na lang. Nagsimula akong maglakad palayo pero wala pang tatlong segundo ay naramdaman ko na yung kamay niya sa braso ko. Hinila niya ako pabalik, inikot at ilinapit sa kanya. "Julia, iniiwasan mo ba ako?" inosente niyang tinanong pero alam ko ang ginagawa niya.

Sinubukan kong kumalas sa hawak niya pero lalo lang niya hinigpitan ang grip niya sa kamay ko. Dun ako nagsimulang matakot at malungkot.

Kung nandito lang si DJ...

Nanggilid yung mga luha ko nang maalala ko si DJ. "Albie, please. Bitawan mo na ako. Gusto ko na umuwi." sabi ko sa kanya na nababasag na yung boses ko. Napakunot noo siya at napasimangot, "Kailangan muna natin mag-usap."

Umiling ako, "Pwede ba bukas na lang? Kailangan ko na talagang umuwi." Lalong humigpit yung hawak niya sa kamay ko at napa-twitch ako sa sakit. "Albie, nasasaktan na ako. Bitawan mo na ako, please." Ngumiti siya at bumitaw. Napahawak agad ako sa kamay ko at hinimas ito. "Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko sa kanya na may konting galit sa boses ko.

"Kasi gusto kita. Hindi ko nakalimutan yung nangyari sa atin, Julia. Kahit nasa ibang bansa ako, ikaw lang talaga yung iniisip ko at na-realize ko, gusto talaga kitang makasama." sagot naman nito na parang umaasa. "Albie... Si DJ ang mahal ko. Alam mo naman yun, di ba? Mistake yung nangyari sa atin. At saka, kilala kita... Hindi ako magpapaloko, lalo na sa isang katulad mo."

Walang nagbago sa reaksyon niya, seryoso pa rin na parang hindi natamaan sa mga salita ko. "Kahit ano pa ang sabihin mo, alam kong tunay yung nangyari sa atin at alam kong may pag-asa pa tayo. Julia, wala akong pakialam kung kaibigan ko si DJ, wala din naman siyang kwenta. Basta mapasaakin ka lang, isasakripisyo ko talaga ang lahat." Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman kong nanigas ang buong katawan ko. Itinaas ko nang konti yung kamay ko dahil gustung-gusto ko na talaga siyang sapakin >.<

"Anong akala mo sa akin? Sa tingin mo ba talaga iiwanan ko yung taong mahal ko sa isang tulad mo? Nakakalimutan mo atang best friend ko si DJ ah. Mahal ko siya at mahal niya ako. Ano pang magagawa mo?" lumakas na yung boses ko at galit lang talaga ang maririnig mo sa tono ko.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon