Chapter 4: A Jealous Bestfriend

3.8K 63 34
                                    

Grabe! Natuwa ako dun sa comment nya.. Ang sweet eh! :"> haha! Gawin daw movie ito? lol. Kahit parang imposible... Ang cute! lool! :D Thank you talaga sa mga comment nyo! Kung pwede nga lang, I will dedicate a chapter to each and every one of you :) I love you all! Seriously! God bless my loves! :*

-----------------------------------------

(Julia's POV)

"Hindi ako titigil hanggang bumalik yung dati. Gagawin ko ang lahat for you to be with me, Julia. I promise."

Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin sa mind ko yung sinabi sa akin ni Sam after our... "kiss".

I have to admit... Sam is really sweet and romantic. Pag kasama ko sya, I feel so protected and happy pero hindi pa rin ako sure sa mga feelings ko para sa kanya. I was sure about it dati pero ngayon... Talagang naguguluhan ako.

Sa aming bahay natulog si Sam. Tapos, the next morning inoffer nya akong ihatid sa school. Ayoko naman syang tanggihin kahit gusto ko talaga ng kahit konting time alone para makapag-isip kaya I agreed na lang.

"So, Julia... After ng school mo, pwede kain muna tayo sa labas? You know, just us." sabi nya habang naglalakad kami papunta sa school. Siya yung may hawak ng bag ko at nakayuko na lang ako na parang shy na ewan xD

"Ah, sounds great, Sam. Pero, may pupuntahan ako mamaya eh." sagot ko naman. Tumingin sa akin si Sam at tinanong, "Gusto mo samahan kita?"

Umiling ako, "Dun ka muna sa bahay. Alam ko namang hindi pa ayos yung mga gamit mo eh. At saka, kaya ko naman." Tumango na lang sya at may malungkot na expression sa face nya.

Nag-look away na lang ako. After school lang kasi yung pwede kong time para makapag-isa. Pupunta ako dun sa 'special place' ko. Alam kong walang makakaistorbo sa akin dun... Kasi, dalawang tao lang ang may alam nung place na yun. Ako...

At si DJ.

Hayy.

Asan kaya sya ngayon?

Hindi ko kasi sya nakasalubong on the way to school.

Nakakapanibago. Baka pumasok nang maaga?

"Julia..." biglang sabi ni Sam. Napatingin ako sa kanya, "Hmmm?" Ngumiti lang sya at basta na lang kinuha yung kamay ko. Sakto naman pagpasok namin sa loob ng school. Ang daming napatingin sa amin ni Sam. Ang iba ngang mga babae, nagbubulungan na. Siguro kung nakakamatay yung mga masasama nilang tingin, kanina pa akong dedo. Napansin siguro ni Sam na hindi ako komportable sa nangyayari kaya binitawan nya yung kamay ko.

Akala ko safe na ako pero biglang humalik naman si Sam sa cheeks ko. I felt myself blush. Grabe. >.< Ang lalakas na ng mga bulong nila. Hay nako, Sam. Tumingin ako sa kanya at sumiring. Pero, naka-evil smile lang sya. Tapos, nag-lean forward sya at binulong, "Akala mo safe ka na noh?"

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon