Chapter 18 (Part II): My Hero

3.1K 72 40
                                    

--------------------------------------------------------------------

(Julia's POV)

--RING!--

Tumayo ako pagkatapos kong kunin ang aking mga gamit at naglakad papunta kayna Kiray na naghihintay sa may pinto ng room namin. "Leggo na!" aya ni EJ sabay ngiti. "Sige guys. Una na kayo. Nagpatawag ng meeting si Ms. Noriega eh." sabi ko habang naglalakad kami palabas ng room. "Ahh. Ganun ba? Sige. Magkita na lang tayo sa gym." Tumango ako sa sinabi ni Neil, nagpaalam tapos humiwalay na sa kanila. 

Bumaba ako papuntang 3rd floor at pumasok sa loob ng office ni Ms. Noriega, adviser ng school paper namin. "Hi Ma'am." bati ko sa kanya nang madaanan ko siya habang papunta sa upuan ko. Nginitian niya ako at tumango. Maya-maya, nang dumating na lahat ng members ng editorial staff, humarap si Ms. Noriega sa amin. "Okay, guys. As we all know, ngayon na ang championship game ng ating basketball team against the Eagles of Sta. Teresa. Big news 'to kaya I want you all to be there to take notes, details and pictures. Julia, I want you to interview the team captain, okay?" Absent-mindedly akong tumango sa kanya. 

Okay lang yun, interview lang naman with the team captain.

Team captain...

 

Sino nga bang...

Wait...

Di ba ang team captain nila ay si --

Si DJ?!!! >.<

"W--wag pala po ako, Ma'am!" sigaw ko bigla kahit kanina pa siyang nasa ibang topic. Napatingin siya sa akin, "Bakit naman?" Tinitigan ko siya at nakita ang kanyang suspicious look. Umiwas tingin agad ako at yumuko, "Kasi po... Hindi ko kaya." Lumapit sa akin si Ms. Noriega at linagay ang isa niyang kamay sa balikat ko. "Julia... Alam kong hindi ka masyadong experienced sa field work pero you're the only one I trust with this job. Alam kong kaya mo... I wouldn't have voted for you as editor-in-chief kung hindi naman ako naniniwala sa abilities mo."

Hindi naman yun, Ma'am. Plano ko lang talaga pong iwasan si DJ.

 

Baka mawala pa yung focus niya...

 

Tumango na lang ako at napabuntong-hininga. Bumalik si Ma'am dun sa dinidiscuss niya kanina tapos nakipag-usap sa iba pang mga members. Nung wala nang questions, dinismiss niya na kami. Dumiretso ako sa aking locker at kinuha ang recorder ko. Huminga ako nang malalim nang makita ko yung rose na nakita ko kanina sa bench. Pumikit ako, sinara yung aking locker at bumaba na papuntang gym. 

Dumaan ako sa isang shortcut papunta sa locker room ng basketball team. Nung pumasok ako, saktong naglabasan yung mga players. Sumisigaw sila at ineencourage ang isa't isa. Lumingon-lingon ako para hanapin si DJ pero hindi ko siya makita. Dumaan sa harap ko si Kuya Mark kaya pinigilan ko muna siya. "Kuya, nakita mo ba si DJ?" tanong ko sa kanya. "Nasa loob pa rin," tinuro niya ang kanyang daliri sa isang doorway, "Ewan ko, nag-eemote pa ata."  

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Hinintay ko muna siyang umalis bago ako naglakad papunta sa doorway na tinuro niya kanina. Sumilip ako at nakita si DJ na nakaupong mag-isa sa isang bench. Patay yung ilaw pero may konting sunlight na pumapasok mula sa isang maliit na bintana sa tabi niya. 

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon