Chapter 23 (Part I): Prom

286 7 0
                                    

-----------------------------------------

(Daniel's POV)

Time check.

6:30.

Pumunta ako sa harap ng mirror at tiningnan ang aking sarili. Suot ko na ang aking tux. White shirt, black trousers, a black dinner jacket, and a black bow tie. *swoon* Pogi ko talaga. HAHAHAHA. JK.

Napag-usapan na namin ni Julia na susunduin ko sya at 7:00. 7:30 pa ang simula ng prom pero gusto nya pumunta ng maaga-aga in case na may kailangan pang ayusin. Naisipan kong tawagan siya to check on things kaya kinuha ko aking phone at umupo sa aking kama.

RING.

RING.

RING.

RI--

"WHAT?!!!!!"

Linayo ko agad ang phone sa aking tenga pero wala na, basag na yung ear drums ko. Kung makasigaw talaga 'tong si Kiray, wagas! "ARAY NAMAN, KIRAY!" sigaw ko. "TSSS! WHY BA? WE'RE SO BUSY HERE, YOU KNOW? BEAUTY TAKES TIME AND EFFORT!" sagot nya na inis na inis. Nga pala. Sabay silang nagpaayos. "Sorry naman! Nasaan ba si Julia?"

Nag-grunt si Kiray in annoyance, "SHE'S BUSY! MASYADO KA NAMANG EXCITED. MAMAYA MO NA LANG KAUSAPIN, PLEASE?!"

Beep.

Aba! Binabaan ako? Tssssss. Gusto ko lang namang marinig ang boses ni Juls. (ಥ﹏ಥ) Why so damot, Kiray? Nag-pout ako at humiga sa aking kama. Tiningnan ko ang aking phone at nakitang may new mail. Binuksan ko yung message at binasa:

Subject: University of California, San Diego Year I Requirements

Good day! We are happy to hear that you are interested in joining the UCSD family... (Blah, blah)

Attached is the application form and schedules of entrance examinations... (Blah, blah)

Please fill up the required information... (Blah, blah)

Submit your application as soon as possible and be sure to attend the examinations. (Blah, blah)

"Tsss!" Panira talaga ng mood 'tong mga pinaggagawa ni Dad. Pero I guess kailangan ko na talagang sabihin kay Julia. "Kainis!" I turned on my side at pinagsusuntok ang isang unan. "Ang daya... Ang daya..." Nag-buntong hininga ako at sinubukang kumalma. Narinig kong magbukas ang pinto at nakita ang ulo ni Mama na sumisilip sa loob ng aking kwarto.

"Anak, ang suit mo! Baka magusot..." dali-dali syang pumasok at hinila ako para ako ay tumayo. "Ikaw naman. Di pa nagsisimula ang prom nyo, haggard ka na." Inayos nya ang aking suit at inadjust ang natabinging bow tie ko. Nginitian nya ako pero di ko nakayanang mag-smile back. "Ma..." bulong ko tapos pinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat. "Bakit, DJ? Anong problema?" tanong nya worriedly.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon