Chapter 14: Lies and Betrayal

2.7K 43 19
                                    

 Siya nga pala yung ka-Twitter ko :)) Haha! I love herr! ♥ Yan ha? I kept my promise :"> Mwahh :*

 

------------------------------------------------------------

 (Julia's POV)

Hinigpitan ko ang kapit ko sa braso ni Daniel habang kami'y naglalakad papunta sa school. Nasa harap namin si Albie na kanina pang salita nang salita pero hindi kami nakikinig ni DJ. Masyado kasing worried si DJ sa akin at kanina pa niya akong tinatanong kung okay lang ako. 

Hindi ko siya sinasagot at nakatingin lang ako sa lupa. Bigla kong naalala lahat ng mga sinabi ni Albie sa akin nung wala pa si DJ. 

"Maghanda ka na, Julia. Kasi aagawin na kita kay DJ." 

 

Grabe, gusto ko nang umiyak. Pero kailangan ko maging matatag. Dapat hindi ko ipakita kay Albie na nasasaktan ako. Lalaban ako.

Tumingin ako kay DJ na kanina pang nakasimangot. Pinisil ko yung braso niya at tumigil kami parehas. Hinayaan kong maglakad papalayo si Albie na mag-isa. Sa sobrang daldal, hindi na niya napansing tumigil na kami :3 

Nung malayo-layo na si Albie, yinakap ko si DJ nang mahigpit. "Kahit anong mangyari, wag mo ako iiwanan, ha? Please, DJ. Kailangan kita." bulong ko sa kanya habang nanggigilid yung mga luha ko. Naramdaman kong ibalot niya yung mga kamay niya sa akin, "Anong pinagsasabi mo dyan? Syempre naman... Mahal na mahal kaya kita. Hindi kita pababayaan." 

Bumitaw ako at tumingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at feeling ko sobrang swerte ko talaga. Pumatak yung luha ko at pinahiran agad ito ni DJ. Nag-eye to eye kami at parang nakita ko lahat ng nararamdaman niya. "Natatakot kasi ako na pag may nalaman kang masama tungkol sa akin ay magagalit ka at hindi mo na ako mamahalin." 

Napakunot-noo siya, "Ano? Hindi yun mangyayari, Juls." Linagay niya yung dalawa niyang kamay sa bawat side ng face ko tapos ilinapit yung mukha niya sa mukha ko. "Hindi kita iiwanan. I promise." Hinalikan niya yung forehead ko. "Ahem!" Napatingin kami parehas kay Albie na halatang  naiinis sa nakita, "Tara na!" 

Matapos nun, hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa school. Humiwalay sa amin si Albie dahil kailangan pa niya mag-report sa guidance office para kunin yung schedule niya. Pumunta kami ni DJ sa lockers namin nang biglang dumating sina Kiray, EJ at Neil. 

"Helloo, friends! Kamusta ang araw nyo?" sigaw ni Kiray kahit nasa likod lang namin siya. Nagkatinginan kami ni DJ pero nailang ako kaya umiwas tingin agad ako. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga tapos sumagot, "Di ko nga alam eh." Tumingin silang lahat sa akin pero sa ibang bagay na lang ako tumingin. 

Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni DJ sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. "Baby, tara na sa room." Ramdam kong uminit yung cheeks ko kaya hinampas ko agad siya sa braso. "Ang sweet! Baby na pala ang tawag nyo sa isa't isa." asar naman ni Neil habang ginugulo yung buhok ni DJ. 

"Hindi ah! Siya lang!" defend ko naman na natatawa na din nang konti. Tumingin ulit ako kay DJ na nagtataas-baba ng kilay. Napa-roll eyes lang ako sa kanya. Kinuha niya yung kamay ko at nagsimula na kami maglakad. So, HHWW kami :">

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon