(Julia's POV)
Alam nyo yung feeling na gusto mo maging masaya pero hindi mo magawa dahil nasasaktan ka na nang sobra sobra?
Gusto kong ngumiti... Gusto kong tumawa...
Pero, kahit anong gawin ko... Mga luha lang ang lumalabas sa mga mata ko habang pinapanood ko sila.
Si Kath at si DJ.
Mukhang masaya si DJ at yun naman ang importante, di ba? Pero bakit ako ganito? Bakit hindi ko makayang maging masaya para sa best friend ko? Bakit?!
Tinakluban ko ang mukha ko. Nasa CR ako ngayon. Sabi ko kay DJ na may kukunin lang ako sa locker ko pero sa totoo lang, ramdam ko nang iiyak na ako kaya umalis ako at nagpunta dito. Hindi ko na nakayang panoorin sila at ayaw kong ipakita sa kanilang dalawa na naaapektuhan ako.
Sana masaya ako... Pagod na pagod na akong umiyak. Ayoko na talaga. Ayoko nang saktan at paasahin ang sarili ko. Pero ang puso ko ang may problema eh... Ayaw nya talagang kalimutan si DJ. Ayaw nyang pakawalan sya. Kahit sugatan na, parang ayaw nya pa rin i-give up ang pagmamahal kay DJ.
Bakit ba naman kasi ang hirap?!
Napahikbi ako. Sobrang sakit na kasi... Sa puso at sa isip.
Hinahabol ko yung mahal ko na may mahal na iba. Alam kong masasaktan ako pero pinipilit ko pa rin...
Pagod na akong magkunwari. Kung alam lang nya ang nagagawa nya sa akin... Kung alam lang nya kung gaano kahirap syang panuorin kasama ang iba. Bakit hindi na lang ako? Sobrang tagal ko nag-hintay pero wala din.
Pinihiran ko ang aking mga luha.
Wag mo ako iiyakan.
Sabi yan ni DJ di ba? Tama sya. Hindi ko sya dapat iyakan. Hindi na. Ayoko na. Pagod na ako. Ayoko nang masaktan... Maghahanap na ako ng lalaki na kaya akong protektahan at pasayahin na kahit kailan hindi ako sasaktan.
No more tears.
No more sadness.
The pain has to end here.
Napangiti ako.
This is where I stand up and start again.
Kaya ko 'to.
Hindi ako magpapatalo. Hindi ko hahayaang saktan lang ako. Deserve kong maging masaya di ba?
Napatingin ako sa salamin at ngumiti para mamotivate ang sarili ko. Tumango ako at inyos ang aking sarili bago ako lumabas.
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?