Chapter 19: Carry Me Away

2.9K 68 50
                                    

MUST READ A/N!!!!

Guys! I know, I know xD It's been over a month since I last updated T_T Pasensya na kayo ha? Nawala lang talaga yung creativity/inspiration (weh?)/JulNiel fever ko. But, it's back na! So, don't worry! hahaha! Anyways, ito na ang long-awaited CHAPTER 19 :DD Sana magustuhan nyo kahit panget at corny or whatever. hehe :3

Please play the song at the side! Super duper sweet nung lyrics and I think bagay yun sa chapter na 'to :"> Trust me! ♥

------------------------------------------------------------------------------

(Julia's POV)

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig kong mag-ring ang alarm clock. Umupo ako nang maayos tapos i-strinetch ang aking mga kamay. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa lower body ko at napatingin sa aking leg brace. Kahit masakit pa rin ang paa ko, hindi ko na napigilang mapangiti nang maalala ko ang mga nangyari these past few days.

Pagkatapos akong iuwi nina Mommy at DJ from the school clinic, in-examine ako nung family doctor namin, si Mr. Agustin. Kinonfirm niya na fractured yung paa ko pero yung ankle ko daw yung may most damage kaya in-advise niya na mag-wear ako ng protective leg brace for a few weeks para bumilis yung paggamot nito. Nadisappoint ako nang konti dahil ma-rereduce daw yung physical participation ko sa school. Tapos naalala ko pang malapit na ang prom namin... Ayoko namang naka-leg brace pa rin ako nun :3

Pero in-assure ako ni doc na maximum na ang 2 weeks para sa healing process. Na-relieve naman ako kahit papaano. 2 weeks lang naman. Kaya ko na yun di ba? xD Anyways, pagkatapos ng mga prescriptions, advices at encouragements ni Dr. Agustin, umuwi na siya at iniwanan kaming tatlo. After eating with DJ and Mommy, I cleaned myself up kahit mahirap umibo with a broken foot -.-" Nung bumaba ulit ako to talk with DJ, hindi ko na siya makita.

At first, akala ko umuwi na siya since mukhang pagod na pagod siya kanina. Tatanungin ko sana si Mommy kung tunay nga yung inakala ko pero I stopped when I saw DJ coming out of the bathroom.

(Flashback)

Tinitigan ko si DJ habang tinutuyo niya yung buhok niya gamit ng towel. Napansin kong suot niya yung extra clothes niya na nakatago somewhere in the house since nag-slesleep over talaga siya dito minsan :"> Anyways, ampogi ng best friend ko >:P Ewww. Hahaha xD So, todo stare ako sa kanya na parang walang bukas. Kaya nung tumingala siya at nakita akong halos nakangangang nakatingin sa kanya, nagmukha akong ewan na hindi mapakali.

"Ahh. Andyan ka pala. Akala ko kasi umalis ka na." palusot ko sabay iwas tingin nang maramdaman kong uminit ang aking mga pisngi. Kahit hindi ko kita ang kanyang mukha, alam kong nakangiti siya sa akin. "Sabi kasi ni Mommy dito na lang daw muna ako matulog since gabing-gabi na." sagot niya habang naglalakad papalapit sa akin.

Nag-step back ako pero nagamit ko ang aking injured foot accidentally. Nag-twitch ako sa sakit at napaupo sa isang silya na nasa tabi ko. "Oww." bulong ko sa aking sarili sabay himas sa aking paa. Lumuhod agad sa harap ko si DJ at binigyan ako ng concerned look.

"Okay ka lang?" tanong niya in a worried voice. Tumango ako pero parang hindi siya naniwala kaya minassage niya yung paa ko. Namula ako nang makita ko siyang nakangiti habang ginagawa niya iyon. "Ang lambot ng paa mo..." bulong niya nang tumingala siya para tingnan ako. Hinila ko yung buhok niya na parang naiinis pero sa tunay, kinikilig talaga ako :">

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon