Guys! Play nyo yung video sa side!! Ako naggawa xD haha! Simple lang sya pero maganda yung song at puro pictures ng JulNiel :)) Thanks!
-----------------------------------------
(Daniel's POV)
Ba-dump. Ba-dump. Ba-dump.
Yung sabay na pagtibok ng puso namin lang ang naririnig ko habang nakadikit ang labi ko sa labi ng best friend ko.
Ba-dump. Ba-dump. Ba-dump.
Hindi ko akalain na siya pala yung magbibigay sa akin ng tunay kong first kiss.
Ba-dump. Ba-dump. Ba-dump.
Yung may spark talaga.
Ba-dump. Ba-dump. Ba-dump.
Yung halos kalimutan mo na ang buong mundo at ang feeling mo kayo lang dalawa.
Hindi ko inexpect na gagawin ko 'to pero umiiyak na kasi sya. Kahit galit ako, ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Oo, sinigawan ko siya at gusto kong malaman nyo...
Kaya lang ako sumigaw dahil nung makita ko siya ang gusto ko lang ay yakapin siya at umiyak dahil nasasaktan ako. Nalilito ako at naguguluhan.
Pero, nainis ako nung maalala ko yung kaninang umaga. Nung makita kong tumulo yung mga luha nya, ito lang yung naisip na gawin ko para patahimikin sya.
At saka, mukhang sobrang soft nung lips nya. xD Hindi ko na na-resist kaya yun...
Hinalikan ko na.
Pero, hindi nya nagustuhan yung ginawa ko. -___-
Kaya, eto na naman sya.
Umiiyak.
Lagi na lang.
Nag-sorry ako kahit ayaw kong mag-sorry.
Ginusto ko naman talagang halikan sya at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Pero, baka mailang lang si Julia at magkagulo kami. Tulad ng sabi ko, gusto ko mag-best friends kami hanggang sa huli. KAHIT ANONG MANGYARI.
"Julia!" sigaw ko nang tumalikod siya. Hindi na siya lumingon muli...
Nagpatuloy lang sya sa pagtakbo palayo sa akin.
Stupid!
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?