(Julia's POV)Si Sam?
Si Sam...
SI SAM!!!!!!!!!!!! >.<
"Teka, Julia..." biglang sabi naman ni Daniel. "Sino ba siya?" Hindi ako makasagot. Eh, ano ba sasabihin ko? Sobrang tagal ko nang kilala si DJ at halos alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko pero paano ko i-eexplain sa kanya si Sam?
Si Sam...
Ang lalaking minahal ko.
Pero, sobrang tagal na naming hindi nagkikita at halos kalimutan ko na nga sya eh. >:| Bakit kailangan pa nyang magpakita ulit?! Pagkatapos nya akong paghintayin at paasahin... Grabe 'tong mokong na 'to ah. Anong tingin nya sa akin?
2 years ago kasi pinakilala sya sa akin ng tita ko. Filipino daw sya pero lumaki sa US. Pinadala daw sya dito para makapag-spend ng time kasama yung lola nya. 3 years older sya sa akin pero sobrang bait nya, sweet, gentleman, at pogi. :"> Nung time na yun, depressed ako dahil may gf si DJ. Kaya si Sam, parang naging distraction ko. Naging friends kami tapos tinuring ko na din sya na parang 2nd best friend. Siya yung nag-comfort sa akin nung masyadong busy si DJ sa gf nya. Lagi nya akong pinapatawa at pinapangiti kaya na-in love din ako sa kanya. It turns out, may gusto din sya sa akin kaya nung malaman nya yung nararamdaman ko para sa kanya... Nanligaw sya. Sasagutin ko na nga sya sana pero bigla nyang sinabi na kailangan nya bumalik sa US. Nag-promise sya babalikan nya daw ako as soon as possible.
4 months...
5 months...
6 months...
1 year....
Hindi sya bumabalik.
Kahit e-mail man lang hindi nya nagawang mai-send sa akin. Sobrang nasaktan ako. Hindi ko pinahalata sa iba pero, halos mamatay na ako sa sakit ng puso ko. Una, dahil nung kay DJ. Tapos, yung kay Sam naman.
Next thing I know it, nangingilagid na naman yung mga luha ko. Napansin naman agad ni Sam at lalapitan nya sana ako pero pinigilan ko sya. Buti na lang umalis na si Mommy, nakakahiya naman kung makikita nya akong nagkakaganito. Pinahiran ko yung cheeks ko, lumuluha na pala ako. Kahit pinipigilan ko sila parang pinilit pa rin lumabas ng mga luha ko. Siguro hindi na din kaya ng mga mata ko. Tumingin sa akin si DJ tapos bumalik yung tingin nya kay Sam."Sino ka ba?! Ano ginawa mo kay Julia?!" biglang sigaw naman ni DJ sabay tulak kay Sam. Nagulat kami parehas ni Sam. Hinawakan ko si DJ sa braso, "DJ. Wag."
Napatingin ako sa kamay ni DJ. Naka-ball na sila into fists, handa na syang sumuntok kay Sam. Buti na lang hawak ko sya kung hindi... Siguro dinadala na namin si Sam sa ospital ngayon. Masyadong protective talaga minsan si DJ, kahit manhid. -___-
"Wag mo sya saktan," sabi ko ulit. Tumingin sa akin si DJ. Galit sya nung kausap nya si Sam pero nung tumingin sya sa akin, parang bigla na lang nawala yung galit nya. Weird.
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?