-----------------------------------------
(Daniel's POV)
-Beep, Beep-
Inabot ko yung alarm clock nang hindi tumitingin. Hinayaan ko ang kamay kong hanapin ito at nang maramdaman ko ito, hinanap ko yung snooze button at pinatay ito. Nag-groan ako. Gusto ko pa matulog. 6 na ng umaga ako nakauwi galing sa bahay nina Lolo at Lola. Binuksan ko ang aking mga mata pero napapikit uli nang masilaw ako sa sunlight na nanggagaling sa bintana. Nag-roll over ako para nakatalikod na ako dito.
Bumangon ako at habang kinukusot ko ang isa kong mga mata, nag-look around ako at nakita ang isang malaking maleta sa isang sulok. Shet. NGAYON na nga pala ako aalis. Tumingin ako sa aking bedside table at kinuha ang plane tickets na binigay sa akin ni Mama. Tinitigan ko ito at nang mapansin kong nalulungkot lang ako, binaba ko agad ang mga ito at tinitigan ang ceiling.
5:30 yung simula ng graduation. 7 ang alis nung flight ko. Paalala ko sa sarili.
Tumingin ako sa orasan.
2:36.
Even though it feels wrong, hindi na lang ako magpapaalam kay Julia in person. Obvious naman na ayaw nya akong makita at makausap so what's the point?
Mahal na mahal ko pa rin sya. Hinding-hindi yun magbabago. Pero dahil sa mga nangyari these past weeks, parang ito yung destined na mangyari. Maybe di pa ito ang tamang panahon para sa amin kaya paghihiwalayin kami. Baka after a few years mature na kami at magiging mas matatag pa kami kaya all I can do is accept things as they are now and wait for that day.
Tumayo ako at bumaba sa kusina para mag-almusal/lunch whatever. Kukuha sana ako ng juice nang makita ko yung note na iniwan ni Mama sa ref.:
DJ,
Had to go to the office. Sorry, anak. Mag-taxi ka na lang and I'll see you there. I love you.
-Mama
Tinapon ko yung sticky note tapos kumuha ng makakain. As I sat down, parang ang bigat-bigat nung puso ko.
Nothing feels right.
I'm not okay.
-----------------------------------------
(Julia's POV)
"Anak?"
Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Mommy na nakaupo sa tabi ko. "Anong pakiramdam mo?" tanong nya sabay lagay ng isang kamay sa aking noo. I pushed myself up para mag-sit upright. "Okay na po ako..." sabi ko. Tumango si Mommy, "Wala ka na ngang lagnat. Mabuti naman. Akala ko hindi ka na makaka-attend sa sarili mong graduation." Nginitian nya ako kaya I forced a smile back.
Oo nga pala.
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?