Chapter 15: Hurt

2.7K 36 11
                                    

Hindi appropriate yung pic sa side para sa chapter na 'to pero GRABE! Nakakakilig!!!!! xD :)))))) Wahhhhhhhhhhhh! Kinilig ba kayo? Sheeeet talaga! Ang sweeeeeeeeeeeet :"""> Credits to the FB page: Julneil (Julia Montes and Daniel Padilla) ♥♥

#LOL. Okay. Tapos na po ang kabaliwan ko. ENJOY READING! :) I really hope you like it!

-----------------------------------------------------------

(Daniel's POV)

Tumakbo ako papalayo kay Julia pero wala akong ideya kung saan ako pupunta. May narinig akong malakas na 'thud' na parang may nahulog sa sahig pero hindi ko na nakayang lumingon pa. Sigurado akong hindi ko makakayang humarap ulit kay Julia at makita ang naluluha niyang mga mata at nanginginig na mga kamay. Binilisan ko na lang ang aking paglalakad at titigil pa sana nang marinig ko ang pag-iyak ni Julia.

Kahit mahina lang yung mga hikbi niya, rinig ko pa rin... At parang lahat ng nararamdaman niya, nararamdaman ko din. Gusto kong malaman niyo na sobrang pinilit ko ang sarili ko na hindi tumalikod, tumakbo papunta kay Julia at yakapin siya hanggang siya'y tumahan na. Pero masyado na akong nasaktan...

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating na ako sa gate. Hindi ko na naririnig ang mga hikbi ni Julia pero ramdam ko pa rin ang sakit sa puso na idinulot niya. Lumingon ako na parang umaasang makikita ko siyang nakangiti sa akin pero as I expected, wala... Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan ko at napasimangot.

Tama ba yung ginawa ko?

Napakunot-noo ako at naglakad na palabas ng campus. Ilinagay ko ang mga kamay ko sa aking bulsa at sinubukang kalimutan ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. Huminga ako nang malalim nang maramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Kahit anong mangyari, wag mo ako iiwanan, ha? Please, DJ. Kailangan kita."

Narinig ko bigla ang boses ni Julia nang madaanan ko yung lugar na kung saan yinakap niya ako nang mahigpit kaninang umaga. Napatigil ako at parang nag-replay lahat ng mga pangyayari sa harapan ko. Naramdaman ko ulit yung mga kamay ni Julia na nakabalot sa akin na parang ayaw nang bumitaw. Ipinikit ko ang aking mga mata at nag-turn away muna bago ko binuksan ulit yung mga mata ko.

Naglakad na ulit ako hanggang sa makarating na ako sa bahay. Napansin kong wala sa driveway yung kotse ni Mama so alam kong ako lang muna dito sa bahay. Pumasok ako sa loob at umakyat agad ako papunta sa aking kwarto. Napabuntong-hininga ako at umupo sa sahig. Itinaas ko yung aking mga tuhod at binalot ang mga kamay ko dito.

"Nasan na yung mga promises mo?! Ha?! Nasan na?!"

Tumingala ako at naramdamang may luhang tumulo mula sa aking mga mata. Nanikip ang aking dibdib nang maisip ko si Julia na umiiyak dahil sa akin. Feeling ko mamamatay na ako sa guilt at lungkot.

Sorry, Julia...

  

Pero nasaktan talaga ako.

  

Sana maintindihan mo.

Mahal na mahal lang talaga kita.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon