(Julia's POV)
"A-- Ano?!" tanong ko sa kanya out of disbelief.
"Mahal na mahalkita, Julia... Hindi lang bilang best friend." paulit-ulit sa utak ko yung sinabi sa akin ni DJ. Tunay kaya? Posible bang... After all these years, susuklian na din nya yung pagmamahal ko?
"Sabi ko, mahal na mahal kita." bulong niya sabay ngiti na pagkatamis-tamis. Hindi na ako nakasagot dahil sa mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Pinahiran ito ni DJ at ngumiti nang malungkot.
Tapos may kinuha siya sa bulsa niya. Isang pamilyar na papel. Binigay niya sa akin at napansin ko agad na aking sulat iyon.
Sinulat ko 'to a year ago. Napaiyak ako lalo. Nakita 'to ni DJ? Paano? Ang alam ko tinapon ko 'to eh. Napatingala ako at pinilit na tumawa habang pinapahiran yung mga luha ko. "Paano mo nalaman na akin 'to?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tinuro yung signature ko sa baba nung papel.
"BB as in Barbie, di ba?" sabi nito sabay ngiti ulit na parang proud na proud na na-realize nya yun. "Nung una hindi ko na-gets pero naalala ko yung nickname ko sa 'yo nung bata pa tayo." Tumango ako at ibinalik sa kanya yung papel.
Kinuha niya ito at ibinalik sa bulsa. Pagkatapos, hinawakan niya yung kamay ko. "Julia... Alam kong nasaktan at napaiyak kita. Kahit hindi mo sabihin, gets ko na ngayon lahat ng mga sinasabi mo sa akin noon na hindi ko talaga maintindihan. Akala ko kung sino, yun pala ako na yung nananakit sa 'yo. Sorry talaga. Pero, mahal talaga kita. Pasensya ka na kung natagalan ako pero gusto kong bumawi. Gagawin ko ang lahat, mapa-akin ka lang."
Naramdaman kong nagtatalon ang puso ko sa kilig. Nanginginig yung mga tuhod ko at feeling ko matutumba na ako sa tuwa. Pero, may doubt at galit pa rin eh. Galit ako sa kanya dahil kung kelan ko balak mag-move on saka niya sasabihin na mahal niya din ako? Grabe lang ha? :3 Hindi ko alam kung ano gagawin ko.... Yayakapin ko ba siya o sasampalin? Tsss!
Gusto ko magsalita pero walang lumalabas na words. Iyak lang ako nang iyak. Naguguluhan na kasi ako. Sumimangot naman si DJ na parang worried na worried sa nangyayari sa akin. "Dito ka nga." sabi niya sabay hila sa akin papalapit sa kanya at yakap nang sobrang higpit, yung tipong feeling mo hindi ka na bibitawan.
Wala na akong nagawa kundi yakapin din siya.
Kaya yun, magkayakap lang kami sa sidewalk na parang kami lang dalawa sa mundo. "Wag ka na umiyak." bulong ni DJ habang sinusuklay yung buhok ko. "Kung kelan ayaw ko na... Saka magkakaganito." sinabi ko in between sobs. Napabitaw naman si DJ sa sinabi ko at tumingin sa akin ng seryoso. "A-- Ayaw mo?" nauutal niyang tanong. Ewan ko ba pero tumango ako. Siguro dahil parang ang unfair. Sobrang tagal kong nasaktan at naghirap tapos sasagutin ko agad siya? No. Hindi pwede. Madaya.
"Hindi tayo pwede." sabi ko sa kanya at nag-step back. "Ang tagal kong naghintay sa 'yo. Sana alam mo yung feeling ko nung times na may kasama kang iba... Yung times na nagkukunwari ako na masaya kahit hindi. Sobrang sakit, DJ. Sobrang hirap... Natatakot din ako dahil paano kung hindi tayo mag-work out? Eh di masisira lang yung friendship natin? Magkakasakitan lang tayo."
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?