(Daniel's POV)"Uyyy! Ang sweet niyo ha?! Ngayon lang ako nakakita ng mag-best friends na ganyan ka-close sa isa't isa ha?! Mga pakiss-kiss pa kayo dyan!" asar ni Kiray habang papalapit sa amin ni Julia. Kasama niya sina Neil at EJ na nakangiti nang nakakaloko sa aming dalawa.
Napabitaw tuloy si Julia at nag-step back. Napayuko siya, namumula na kasi sa hiya. Napangiti pa rin ako sa kanya. Ang cute nya kasi. :">
For the first time, feeling ko tinanggap ni Julia yung kiss ko :)) Sapat na sapat ang mga ginawa ko ngayong araw. Makapiling ko lang si Julia, feeling ko okay na lahat. Napatingin ulit ako sa mga kaibigan namin. Nang makita ko yung mga nakakaloko nilang tingin, napayuko din ako habang sinusuklay ang aking buhok na parang nahihiya.
"Kinikilig si DJ, oh! Kung makangiti, abot tenga!" asar naman ni Neil na tawa nang tawa. Napatingin sa akin si Julia at kahit mabilis lang, nakita ko siyang ngumiti bago mag-look away ulit. "Oo nga, oh!" sigaw naman ni EJ habang tinuturo yung mukha ko.
Tumingala ako at siniringan sila pero pinipigilan ko talagang ngumiti. "Tatahimik ba kayo?" sabi ko na parang seryoso. Linapitan ko sila at ibinalot ang kamay ko sa mga leeg nila at hinigpitan yung kapit ko sa kanila na parang sinasakal. Pero, hindi naman 'to masakit xD Tawa nang tawa pa nga ang mga mokong. haha!
"Hoy, Daniel! Bitawan mo ang mocha baby ko! Baka masaktan siya!" nag-aalala namang sigaw ni Kiray habang nakahawak sa isa kong braso. Bumitaw naman ako at napatawa nang malakas. "Mocha baby?" tanong ko kay EJ at Kiray. Napayakap si Kiray kay EJ na parang walang bukas.
Napakunot-noo naman si Kiray na parang nainsulto. Lumapit siya sa akin at hinampas ang aking braso. "True love 'to!" sigaw naman nito habang pumapadyak na parang bata. Bumalik siya kay EJ at nagyakapan ulit sila.
Tumingin ako kay Julia at nakitang nakangiti lang siya kayna Kiray at EJ. Ewan ko, parang nagseselos siya pero considerate yung smile nya na parang ipinapakita na masaya talaga siya para sa dalawa. Kaya pasimple akong lumapit sa kanya at habang distracted pa siya kayna EJ at Kiray na PDA to the max, inakbayan ko na siya at ilinapit sa akin.
Tumingala siya at nag-eye to eye kami. Nginitian ko siya at nginitian niya din ako. Napatingin naman yung iba sa amin. "Yiiieeeeh! Grabe nyo ha? Kayo na nga ang mas sweet.. You already!" sigaw na naman ni Kiray. Napatawa na lang kaming lahat at nagpatuloy mag-asaran.
(Moments later...)
"Sige, Daniel... Una na kami ha?! Mag-date muna kayo dyan ni Julia!" sigaw ni Neil na naglalakad na palayo, kasama nya sina Kiray, EJ at yung iba ko pang mga kaibigan. Napatango na lang ako sa kanila at kumaway. "Sige! Salamat sa inyo, ha?! Ingat!"
Tumango din sila at kumaway pabalik. Pinanood namin sila hanggang sa mawala na sila sa sight namin. Nang makalipas ang ilang segundo, biglang tumahimik yung paligid at medyo lumakas yung ihip ng hangin.
Kami na lang ni Julia.
Tumingin ako sa kanya at napansing parang giniginaw siya. Hinubad ko kaagad yung jacket ko. Linapitan ko siya at ilinagay ito sa kanyang balikat. Napatingin siya sa akin, ngumiti at nag-thank you. Tumango na lang ako at naglakad papunta sa isang bench. Yumuko ako at kinuha ang isang malaking kumot at isang picnik basket sa likod nito.
BINABASA MO ANG
We Belong Together (JulNiel)
FanfictionKung papipiliin mo si Julia kung anong salita ang nag-dedescribe sa kanya, agad nyang sasabihin ay "tanga." Bakit? Kasi ano pa nga ba ang tawag sa mga taong nahuhulog para sa best friend nilang may syota na?