Chapter 23 (Part II): Prom Goes Wrong

298 9 1
                                    

Guys, wag nyo muna i-play yung song sa side, ha? Dun na lang sa part na in-indicate ko para cute. HAHAHAHA. Sana magustuhan nyo yung vid. Ako nag-edit nung bg at naggawa nung lyric video and it was hella hard, ok? :D Enjoy!

-----------------------------------------

(Julia's POV)

Buti na lang di kami napapagsabihan ng mga chaperones. Ito naman kasi si DJ kanina pang nanghahalik at nangyayakap (。・_・。).

"The votes have been counted and we are happy to announce this year's Senior Prom Royal Court."

Ah. Ito na pala.

"First off are the Prom Prince and Princess... Congratulations..."

*drumroll*

"James Reid and Julia Montes!"

Huh?! *insert extremely nervous laugh here*

Nagsigawan ang lahat at chineer on ako ng mga kakilala ko habang nag-blast naman ang chorus ng "Raise Your Glass" ni P!nk. "Princess lang? Che! Wala silang taste, sis. For me, ikaw ang Queen," sabi sa akin ni Kiray after kong maka-get over sa initial shock. Yinakap ko sina Kiray, Neil, at EJ. Tumingin ako kay DJ pero naka-cross arms sya at masamang nakitingin sa ceiling kaya pinabayaan ko na. Ramdam kong nanginginig ang aking mga kamay habang naglalakad. Nakita ko si James na naglalakad papunta sa stage. Nagkasalubong kami sa may steps at tinulungan nya akong umakyat by holding my arm for support.

Sinuotan kami parehas ng sash na kung saan nakasulat ang aming title tapos binigyan din kami ng sarili naming mga korona. "Congratulations to the both of you..." sabi ni Joshua. Tumabi kami ni James to leave space para sa King and Queen.

"Mukhang gulat na gulat ka ah..." bulong sa akin ni James. Nginitian ko sya, "Hindi 'to gulat. Takot 'to. Di ko nga alam na nominated ako." Tumawa ako nervously pero nginitian ako comfortingly ni James, "Syempre nominated ka. Sa ganda mong yan." Hindi ko na sya sinagot dahil napatingin ako sa harap ko at nakitang ang daming nakatingin sa amin.

"Let's move on, shall we?" sabi ni Clarisse. Binuksan nila ni Joshua ang isang envelope at nagsalita si Joshua, "This year's Prom Queen is..."

Teka? Bumoto ba ako para dito?

Uhhhhhh....

Processing...

Processing...

Shete. Hindi nga pala. Nawala na sa isip ko (一_一). Whatever.

"Kathryn Bernardo!"

I TAKE IT BACK! NOT WHATEVER! NOT WHATEVER!

Tumugtog ang "Want U Back" ni Cher Lloyd at lahat ng mga tao ay nagtinginan sa table nina Kath. Tumayo siya na may victorious look sa kanyang mukha. Yinakap nya lahat ng mga cheerleader "friends" nya. Umakyat sya sa stage at ilinagay nung isang emcee ang crown sa ulo nya. Tiningnan nya ako at nginitian gamit yung sobrang fake na ngiti nya. Habang yung isa namang speaker ay binubuksan na yung envelope ng para sa results ng Prom King.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon