Chapter 26: Come Back, Be Here

355 13 1
                                    

Just kidding! Kayo naman... :D 

Thank you, JulianaArango7 sa iyong mga nakakatuwang comments! Sobrang naaappreciate ko na nag-cocomment ka at super special mo dahil mag-isa ka lang. HAHAHA. God bless! :* 

THIS IS IT NA, GUYS. ANG LAST REGULAR CHAPTER NG WBT. EPILOGUE NA KASI ANG SUNOD. NOT KIDDING THIS TIME XD ENJOY!

-----------------------------------------

(Julia's POV)

Dumating kami ni Mommy ng mga 5:10. Sinubukan kong hanapin sina DJ pero to no avail. Kahit sina Kiray di ko nakita. At 5:20, pinapila na kami alphabetically sa labas ng auditorium habang ang mga parents ay pinapasok na. Sobrang haba nung pila kaya tumitiad ako para hanapin sina Kiray at Neil sa "C" section pero wala naman. Si EJ wala sa "J" section. Lumingon ako pero hindi ko makita si DJ. Ano ba 'to? Ako lang ba umattend ng graduation sa amin?

Nagsimula na yung graduation march nang makita ko si Kiray at EJ na tumatakbo papunta sa pila. Nasa likod nila yung principal at mukhang pinapagalitan niya sila. Binalewala na lang nila si Ma'am at sumingit sa kani-kanilang pwesto. Siniringan sila ni Madame Principal at magwo-walk away na sana nang makita nya si Neil na nagmamadaling humabol sa pila. Bumalik yung sungay ni Ma'am at sinalubong nya si Neil ng mahinang batok sa ulo. Nag-peace sign na lang si Neil at pumunta sa pwesto nya.

Huminga ako ng malalim. DJ, nasaan ka na?

Pumasok kami sa auditorium at sinalubong kami ng malakas na palakpakan. Pinilit kong ngumiti dahil ang daming nakatingin kahit sobrang nag-aalala na ako para kay DJ. Hindi nya mamimiss ang graduation on purpose, di ba? Umupo kami sa assigned seats namin at hindi nagtal ay nagsimula na yung program. Prayer. National Anthem. Welcoming Address. Non-academic at Academic Awards.

Nag-look around ako in boredom at napansin si Neil na parang kumakaway sa direksyon ko. Nasa kabilang side sya at nasa may unahan kaya di ako sure dahil medyo malayo. May sinasabi sya pero di ko maintindihan. "Ano?" sabi ko without using my voice. Nakita ko lang na umiibo nang mabilis yung bibig nya pero di ko ma-gets kung anong sinasabi nya. Maya-maya, may teacher na sumaway sa kanya kaya tumalikod sya at binaliwala ko na lang. 

Tumingin ako sa aking relo.

5:59.

Sigh. 

Dahil hindi talaga ako mapakali, kinagat ko na lang ang aking mga kuko. Malinis naman :| Medyo nagtagal yung mga Awards at tumayo din ako para umakyat sa stage ng at least 3 beses. Akala ko tatawagin nila ang pangalan ni DJ nung nag-aaward para sa sports pero hindi eh. Ang weird naman nun. MVP nga si DJ at sya ang isa sa pinakamagaling na players sa varsity ever. Bakit parang wala lang. Naisipan kong i-text sya pero naalala ko na linagay ko ang phone ko sa bag ni Mommy.

After about 20 minutes, nagsimula na yung pagbibigay ng diploma. Isa-isang tumaas sa stage ang mga estudyante at kanya-kanyang pose tuwing mag-pipicture na sa gitna. Natuwa ako nang makita ko ang aking mga kaibigan at mga kaklase na nakasama for the last 4 years. Sobrang naging memorable ng high school life namin and now tapos na yun. 

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon