Chapter 16: Sudden Outburst

2.9K 69 36
                                    

Grabe, ang bait nya! Nag-effort talaga siyang mag-send sa akin nung pic na naka-feature ang WBT :") Akala ko talaga wala nang nakapansin nun kaya sobrang saya ko nung nakita ko yung PM nya ♥ Thank you ulit! :*

P.S. Sira yung 'R' sa keyboard ko kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga words diyan na kulang ng 'R'. Sorry din kung may iba pang errors xD

WATCH NYO YUNG VID SA SIDE! KIKILIGIN KAYO :))))))))))))))))))))

------------------------------------------------------------

(Julia's POV)

Nagnakaw ako ng isang tingin kay DJ nung sigurado na akong hindi siya nakatingin sa akin. Nakita ko siyang nakayuko sa upuan niya habang nag-doodoodle ng kung ano-ano sa notebook niya. Kita ko sa mukha niya na malungkot siya pero may halo ding inis at galit.

Inalis ko na yung tingin ko sa kanya at tumingin na lang sa mga kaklase ko. Napasimangot ako nang makita ko silang nagbubulungan habang nakasiring kay DJ. Maya-maya may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Tumingin ako sa aking side at nakita si Enrique na naka-squat sa tabi ko. Ngumiti siya nang malungkot at hinawakan yung kamay ko.

"Okay ka lang?" bulong niya habang natingin-tingin sa direksyon ni DJ. Natatakot siguro na baka kung ano ang gawin sa kanya kapag nakita kami. Pero alam kong walang gagawin si DJ.

Wala na siyang pakialam sa akin.

Nanggilid yung mga luha ko pero pinilit ko ang sarili ko na wag ito patutuluin. Tumingin ako kay Enrique at ngumiti. Kahit kabaliktaran ang gusto kong gawin, ayaw kong mag-alala siya sa akin. "Okay lang ako." bulong ko din sa kanya habang dahan-dahang inaalis ko ang kamay ko sa hawak niya. Naiilang kasi ako nang konti at saka naaalala ko si DJ :/

"S--sorry." nauutal niyang sinabi. Napayuko ako na parang nahihiya, "Enrique, hindi naman sa ayaw ko sa 'yo... Pero madami lang talaga akong iniisip ngayon. Sana maintindihan mo." Ngumiti ulit siya sa akin nang malungkot at tumango. "Naiintindihan kita, Julia. Basta tandaan mo lagi akong narito para sa 'yo."

Magsasalita pa sana ako nang bumukas yung pinto. Lumingon ako at nakita si Albie pumasok. Maangas siyang naglakad papunta sa kanyang upuan at natuwa pa nang magpuntahan ang mga babae sa tabi niya. Napasiring lang ako at sa sobrang galit na naramdaman ko, hindi ko napansing nakahawak na pala ako sa balikat ni Enrique at pinipisil ito. "Ahhm... Julia?"

Lumingon ako at tinanggal agad yung kamay ko nang makita kong nasasaktan ko siya. Napayuko ulit ako at nag-blush nang konti dahil sa hiya, "Sorry, Enrique! Hindi ko sinasadya... Nasaktan ka ba?" Umiling naman si Enrique habang hinihimas yung balikat nya, "Hindi naman. Okay lang ako. Wag kang mag-alala." Ngumiti kami sa isa't isa. "Sige. Babalik na ako sa upuan ko. Basta pag may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin." Tumango ako at nagpasalamat ulit.

Bumalik na si Enique sa likod at napatingin ako sa table ko. Kinuha ko yung panyo ko at pinisil ito dahil wala na akong magawa. Tapos umub-ob ako at ipinikit ang aking mga mata.

Sobrang lapit niya sa'kin pero bakit ang feeling ko ang layo-layo niya rin at the same time?

Naramdaman kong may tumulong luha sa aking pisngi kaya pinahiran ko agad ito. Feeling ko iiyak na ako nang sobra-sobra pero pinigilan ko ang aking sarili.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon