Chapter 18 (Part I): Missing You

2.4K 27 4
                                    

--------------------------------------------------------------------

(Julia's POV)

"A 5.2 earthquake cracked buildings in central Manila early this morning, injuring 20 people and damaging various properties. Officials say--"

Pinatay ko na yung TV bago pa matapos yung sinasabi ng reporter. Umupo ako sa tabi ni Mommy, "Grabe naman. Ang lapit lang nun sa atin, Mommy. Buti na lang po di tayo naapektuhan." Tumango si Mommy at inabot ang isang plato sa akin na may fried rice at eggs. "Oo nga, anak. Magpasalamat tayo sa Diyos. Pero mag-ingat pa rin tayo."

Nagsubo ako ng pagkain habang tumatango kay Mommy nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang bagong message:

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

From: Daniel :P ♥

Good morning Julia. Pwede ba tayong mag-usap?

Magkita tayo sa sky garden, 7 am.

Hihintayin kita.

"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"-"

Napasimangot ako habang ibinababa ko yung phone ko. Matapos ng ilang sandali, bumalik na ako sa aking kinakain. "May problema ba, anak?" tanong ni Mommy sabay pisil sa kamay ko. Umiling ako, "Wala po." Tumango na lang si Mommy pero kita kong hindi siya na-convince.

Tinapos ko na yung pagkain ko tapos naggayak na para sa school. "Mommy, pupunta na po ako sa school." sabi ko sa kanya sabay yakap. "Sige anak. Mag-ingat ka ha? Love you." sagot naman niya at humalik sa pisngi ko. Nag-I love you too ako tapos lumabas na ng bahay. Lumingon ako sa direksyon ng bahay nina DJ pero buti na lang wala siya. Nagsimula akong maglakad habang pinagdedesisyunan kung pupuntahan ko ba si DJ mamaya o hindi.

Maya-maya, hindi ko na napansing nakarating na pala ako sa school dahil sa sobrang deep in thought ko. Tumingala ako at tumingin sa sky garden.

Andun na kaya siya?

Umiling ako at ibinalik ang tingin ko sa aking harapan. Pumasok ako sa loob ng building tapos pumunta ako sa aking locker, as usual.

"Girl!"

Lumingon ako at nakita sina Kiray, EJ at Neil na naglalakad palapit sa akin. Nginitian ko sila at kinuha na yung gamit ko sa loob ng aking locker tapos sinaraduhan na ito. "Good morning, guys." bati ko sa kanila nang tumigil na sila sa harap ko. "Kamusta yung detention mo kahapon?" tanong ni Neil sabay sandal sa locker na katabi nung akin. "Wala nga akong naging detention kahapon eh. Inexcuse ako ni Ms. Ortega." nakangiti kong sagot.

"Ang swerte mo 'teh." sabi ni Kiray sabay hampas ng mahina sa aking braso. "Okay... Balik tayo sa ating crisis." Napatingin ako kay Kiray at binigyan siya ng weird look, "Anong crisis?" Ngumiti sa akin si EJ, "Nagrereklamo si moccha baby na dapat wala nang klase ngayong umaga." Tumango ako at napatawa nang konti, "Bakit? Eh sa hapon pa naman yung basketball game."

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon